12/08/2026
May mga pagkakataon na kapag may namatayan, wala talagang madaling sabihin. Pwedeng umiyak. Pwedeng malungkot. Pwedeng mangulila. And that’s okay. Hindi naman sinasabi ng Bible na bawal mag-grieve.
Pero bilang believers, may difference— "we grieve with hope."
Sa 1 Thessalonians 4:13–15, pinaalalahanan ni Paul ang mga believers na huwag silang magdalamhati “tulad ng mga taong walang pag-asa.” Hindi dahil hindi masakit ang pagkawala, kundi dahil may katotohanang pinanghahawakan sila.
Our hope is not based on wishful thinking. Naka-root ito sa "katotohanan ng Salita ng Diyos", sa "ginawa ni Jesus", at sa "pangako Niya".
Jesus died, but He also rose again. And because He lives, those who belong to Him have the hope of resurrection and eternal life. Sabi ni Jesus sa John 11:25, “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang mga sumasampalataya sa akin ay mabubuhay kahit na siya ay mamatay.”
Kaya kahit may separation ngayon, hindi ito ang final chapter. "Death has already been defeated by Jesus". Ang mga namatay kay Cristo ay hindi nakalimutan, at ang mga nagtitiwala sa Kanya ay hindi pababayaan.
At habang naghihintay sa pangako ng Kanyang pagbabalik, may reason pa rin para magpatuloy, magmahal, at mamuhay nang may hope.
Kaya kapag dumating ang panahon ng pagpanaw, maaari tayong umiyak. Maaari tayong malungkot. Pero hindi natin kailangang mawalan ng pag-asa.
Because for the believer, "ang kamatayan ay hindi wakas, at ang libingan ay hindi huling hantungan."
May buhay na ipinangako. May muling pagkabuhay na hinihintay. At may Diyos na tapat sa Kanyang pangako. 🤍