18/08/2026
ISANG AMA • ISANG WIKA • ISANG PAMANA 🇵🇭
Ngayong Agosto 19, ginugunita natin ang Araw ni Pangulong Manuel L. Quezon na tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa” na isang espesyal na pagkakataon upang alalahanin ang kanyang pamana sa bayan, lalo na ang kanyang mahalagang ambag sa pagtataguyod ng wikang pambansa at pagkakaisa ng mga Pilipino.
Sa diwa ng Buwan ng Wika, nawa’y maging wika rin ng ating buhay ang pagkakaisa, katapatan, paglilingkod, at malasakit. Sapagkat ang tunay na pag-unlad ng isang bayan ay hindi lamang nasusukat sa mga gusali at proyekto, kundi sa katarungan, kapayapaan, mabuting pamamahala, at matuwid na pamumuhay ng bawat mamamayan.
Sa pamumunong may integridad at mamamayang nakikiisa sa kabutihan, mas nagiging malawak ang daan para sa Masaganang Biyaya ng Diyos sa ating lungsod at bayan.
Mabuhay ang pamana ni Pangulong Manuel L. Quezon!
Mabuhay ang Wikang Filipino!
Mabuhay ang Lungsod Quezon! 🇵🇭
“Malawak na pamamahala at walang kapantay na kapayapaan ang ipagkakaloob sa trono ni David at sa kanyang kaharian. Itataguyod nito ang katarungan at katuwiran ngayon at magpakailanman. Isasagawa ito ng Makapangyarihang Yahweh, dahil sa Kanyang rurok na Pag-ibig sa Kanyang Bayan.” Isaias 9:7
📍 Sa Greater Heights, naniniwala kami na bawat isa ay may bahaging ginagampanan: magpasalamat, makiisa, sumunod sa tama, pangalagaan ang lungsod, at maging mabuting halimbawa. Tuklasin ang aming mga misyon, programa, at adbokasiya sa opisyal na website ng Greater Heights Christian Worship Center.