01/07/2026
"A father's (or parent's) greatest gift is not what he leaves behind. It's the love, the faith, and the example he leaves within us."
LEAVING A GODLY LEGACY: Faith that Passes On
📌 Awit 78:1-8
Ano ang Pamana na Nais Mong Iwanan?
Kapag naririnig natin ang salitang "legacy" o "pamana", madalas na pananalapi o materyal na bagay ang unang pumapasok sa ating isipan. Ayon sa Salita ng Diyos, ang pag-iiwan ng pinansyal na mana para sa pamilya ay isang mabuti at maka-Bibliyang hangarin:
📖 Kawikaan 13:22 – "Ang mabuting tao ay nag-iiwan ng mana sa mga anak ng kanyang mga anak..."
📖 2 Corinto 12:14b – "...sapagkat hindi nararapat ipag-impok ng mga anak ang mga magulang, kundi ang mga magulang para sa kanilang mga anak."
Ngunit higit sa materyal na kayamanan, may mas mahalagang pamana na dapat nating iwanan: isang buhay na pananampalataya sa Diyos.
TANGGAPIN ANG SALITA NG DIYOS
Makinig nang may Pagsasapuso (vv. 1-3):
"O bayan ko, sa aking turo ay makinig, ikiling ninyo ang inyong mga tainga sa mga salita ng aking bibig."
Ang tunay na "pakinig" ay hindi lang basta pag-rinig, kundi ang pagsasapuso sa Salita ng Diyos, paniniwala rito, at pagpapahintulot na hubugin nito ang ating pag-iisip at pamumuhay. Ang ganitong uri ng pakikinig ang nagbubunga ng pananampalatayang karapat-dapat ipasa sa susunod na salinlahi.
📖 Santiago 1:22: "Ngunit maging tagatupad kayo ng salita, at hindi tagapakinig lamang, na dinadaya ninyo ang inyong mga sarili."
🎯 ANG UTOS AT LAYUNIN NG DIYOS (Mga Hakbang sa Pag-iwan ng Legacy)
1. Ipahayag ang Kanyang Makapangyarihang Gawa (v. 4): Hindi natin dapat ikubli sa ating mga anak ang mga dakilang gawa, kalakasan, at kahanga-hangang himala ng Panginoon.
2. Ituro ang Kanyang mga Kautusan (v. 6): Ibahagi ito upang malaman ng susunod na salinlahi—maging ng mga batang hindi pa ipinanganak—upang paglaki nila ay maituro rin ito sa kanilang magiging mga anak.
3. Ilagak ang Pag-asa sa Diyos at Sumunod (v. 7): Ang layunin ng pagtuturo ay upang ilagak nila ang kanilang pag-asa sa Diyos, huwag kalimutan ang Kanyang mga gawa, at ingatan/tuparin ang Kanyang mga utos.
⚠️ ANG BABALA NG DIYOS: Huwag Tularan ang Nakaraan
Isinulat ng Diyos ang kasaysayan upang hindi na magaya ng mga susunod na kabataan ang mga pagkakamaling nagawa ng kanilang mga ninuno (v. 8). Huwag nating tularan ang mga negatibong pag-uugaling ito:
🚫 Matigas ang ulo, mapanghimagsik, at hindi tapat (v. 8, 17)
🚫 Nakalimot sa mga ginawa ng Diyos (v. 11, 12)
🚫 Palareklamo (v. 19)
🚫 Sinungaling at hindi tapat sa pagsisisi (v. 36, 37)
🚫 Walang utang na loob o kawalan ng pasasalamat (v. 42-55)
“Itinala ng Diyos ang mga mapait at kahiya-hiyang katotohanang ito sa Kanyang Salita upang ating mapagaralan at maiwasan ang ganoong mga pagkakamali.” - (1 Corinto 10)
ANG ATING HAMON: Anong Pamana ang Iyong Iiwan?
Upang makapag-iwan ng isang maka-Diyos na legacy, tayo mismo ang dapat maunang magpakita ng halimbawa:
✔️ Maging halimbawa ng pagsunod sa mga utos ng Diyos.
✔️ Maging halimbawa ng pananampalataya sa Diyos sa gitna ng pagsubok.
✔️ Maging halimbawa ng pamumuhay na nakalulugod sa Diyos araw-araw.
📝 Ang maka-Diyos na pamana ay hindi nasusukat sa mga materyal na bagay na ibinigay mo, kundi kung paano ka namuhay nang may pagsunod, pananampalataya, at kaluguran sa Diyos sa harap ng iyong pamilya.