17/07/2018
Ikaw Ba ay Isang Arminian?
(Filipino Edition)
Isang Pagsusulit
Narito ang ilang pagsubok upang mapatunayan mo kung ikaw ay isang “ARMINIAN”. Huwag kang matakot. Sumubok ka lang. Nagawa ko na rin ito.
1. Naniniwala ka bang naligtas ka noong tanggapin mo si Jesus bilang personal mong panginoon at tagapagligtas? Kung ang sagot mo’y “Oo”, ilagay mo 2 punto.
2. Miyembro ka ba ng simbahan na madalas kayong papuntahin ng pastor sa harapan o di kaya’y pinatataas ang inyong kamay pagkatapos ng sermon? Kung “Oo”, iyong idagdag 1 punto
3. Nakikinig ka ba sa istasyon ng radyo na DZAS? Kung “Oo”, idagdag mo 2 punto.
4. Pinanonood mo ba ang 700 Club Asia? Kung “Oo”, 2 punto
5. Nakikinig ka ba sa palatuntuntunang “Day by Day”? Kung “Oo”, 2 punto.
6. May grupo ba sa simbahan mo na tinatawag na “WLT” o Worship Leading Team? Kung “Oo” 2 punto
7. Nakasama ka na ba sa isang Prayer Rally o “Jericho March”? Kung “Oo” 1 punto.
8. Inaawit ba ng simbahan mo ang Hill Songs of Australia? Kung “Oo”, 2 punto.
9. Ginagamit ba ng pastor mo o ng simbahan mo ang salitang “full-gospel”? Kung “Oo”, 2 punto.
10. Miyembro ka ba ng grupo ng mga simbahan na may “United” sa kanilang pangalan? Kung “Oo”, 1 punto.
11. Naniniwala ka ba na ang Philippine Christian Book Store (PCBS) at The Vine and the Branches ay totoong mga “Christian” booktores? Kung “Oo”, 1 punto.
12. Tinatangkilik mo ba ang alin man o kaya’y lahat ng “Purpose Driven” Series ni Rick Warren? Kung “Oo”, 2 punto.
13. Pinaiiral ba sa iyong simbahan ang “G-12” discipleship program? Kung “Oo”, 2 punto.
14. Nakadalo ka na ba sa mga seminar ni Regie Santiago at Joseph Apilado? Kung “Oo”, 1 punto.
15. Binoto mo ba si Eddie Villanueva noong tumakbo siya sa eleksyon? Kung “Oo”, 2 punto.
16. Naniniwala ka bang pwede mong maiwala at mabawi kahit ilang beses ang iyong kaligtasan? “Kung “Oo”, 3 punto.
17. Miyembro ba ng Philippine Council of Evangelical Churches ang iyong simbahan? Kung “Oo”, 2 punto.
18. Mayroon bang gustong mag-aral sa iyong simbahan sa Aisan Theological Seminary o kaya’y sa International School of Theology? Kung “Oo”, 2 punto
19. Naniniwala ka bang totoong Cristiano sina Joel Osteen at Joyce Meyers? Kung “Oo”, 2 punto.
20. Naniniwala ka bang kinakampihan ng Diyos ang mga Cristianong atleta (tulad ni Manny Pacquiao) sa kanilang mga laban? Kung “Oo”, 1 punto.
21. Naniniwala ka ba sa doktrina ng “Common Grace”? Kung “Oo”, 2 punto. Kung hindi mo alam kung ano ito, magbawas ka ng 1 punto, pero malamang ito ang paniniwala mo.
22. Naniniwala ka bang mahal ng Diyos ang lahat ng tao at ibig niyang iligtas silang lahat? Kung “Oo”, 2 punto.
23. Naniniwala ka ba na sikretong dadagitin o ira-“rapture” ang mga Cristiano bago ang Seven-Year Great Tribulation? Kung “Oo”, 2 punto.
24. Bumabati ka ba ng “Happy Easter” tuwing pasko ng pagkabuhay at “Merry Christmas” tuwing pasko ng kapanganakan umano ni Jesus? Kung “Oo”, 2 punto.
25. Naiintindihan mo ba kung ano ang “Reformation” at kung ano ang “Reformed”? Kung “Oo”, magdagdag ka ng 2 punto at kung hindi, magbawas ka ng 2 punto.
Kung sumagot ka ng “Oo” sa 5 sa mga tanong na ito, o kaya’y 10 punto sa kalahatan, malamang kaibigan na ikaw ay isang “Arminian”. Pero huwag kang mag-alala. May pag-asa. Maaari ka namang lumabas sa kasinungalingang iyan. Marami nang taong dinanas ang madilim at nakasentro-sa-taong sistema ng “Arminianism”, na nakatagpo ng kalayaan sa isang tunay na simbahang “Reformed”. Tandaan mo: maaari pang malunasan ang kamangmangan sa habag ng Diyos.