03/05/2026
Bilang mga mananampalataya ni Cristo, dapat Po eh handa po Tayong magbahagi ng salita ng Diyos o magshare ng Gospel. alam naman po natin na Ang Gospel Ang kapangyarihan ng Diyos upang maligtas Ang mga manalig po sa Kanya. Naranasan na po ba natin na magbahagi ng Gospel sa di inaasahang pagkakataon o kaya naman na para bang nag aalinlangan Tayo na magbahagi nito kasi di Tayo handa sa ano Mang magiging response ng taong pagsha2reran po natin. Sabi nga ni Pablo Kay Timoteo na maging handa sa pagbabahagi ng mabuting balita napapanahon o Hindi. magturo sa mga tao ng may kahinahunan at pagtyatyaga.
> background po ng 2 Timoteo ay sulat ni Pablo Kay Timoteo na maging matatag sa pananampalataya. Alam naman po natin na Ang relasyon nilang dalawa ay Ama at anak sa pananampalataya. kung baga teacher and. student. nagtatagubilin si Pablo Kay Timoteo na patatagin Ang Kanyang pananampalataya at Ganon din naman dapat ding Gawin un ni Timoteo sa mga nasasakupan nyang mananampalataya. Kasi si Timoteo ay itinalaga na ni Pablo na maging pastor sa 1 sa iglesiang Kanyang nabuo. Sabihin na natin na sa Ephesus.
Bilang Isang mananampalataya at itinalagang lider, Tayo Po ay merong mga responsibilidad na dapat tupdin at gampanan. ito po ay;
* maging handang magbagi ng Gospel, napapanahon at di napapanahon..
* manatili sa pananampalataya, at magturo ng katotohanan.
* matyagang magturo ng katotohanang nagmumula sa Panginoon.
* handang itama Ang Mali at sawayin Ang gumagawa ng masama sa mahinahon na paraan.
> sa habag at biyaya ng Diyos kaya po Tayo naligtas. Batid ko po na kung totoo po Tayong nananalig sa salita ng Diyos, tumanggap at humingi ng kapatawaran, at hinahayaan natin Ang Panginoong Jesus Ang Syang naghahari sa atin eh lu2kuban po Tayo ng Banal na Spiritu at Sya Ang kikilos sa Buhay po natin. magkakaroon po Tayo ng Courage, Commitment, at mabui2ld po Ang ating Character at mamumuhay Tayo ayon sa kalooban ng ating Diyos. Sa gayon po eh magiging handa po Tayo sa pagbabahagi ng Mabuting Balita ng kaligtasan, mananatili sa pananampalataya, at mtyagang magtuturo ng sound doctrine, at handang itama Ang gumagawa ng Mali ayon sa salita ng Diyos ng may kahinahunan at pasensya.
Watch, follow, and discover more trending content.