28/08/2026
🙏 PANALANGIN PARA SA ATING MGA KAPATID SA CIC AT KANILANG MGA PAMILYA 🙏
Mga kapatid sa CIC, sama-sama po nating ipanalangin ang ating mga kapatid at kanilang mga pamilya na naapektuhan ng sunog sa 13th Street at Isla Noah.
Panginoon,
Sa oras ng matinding pagsubok at pagkawala, yakapin Mo po sila ng Iyong pagmamahal at kapayapaan. Bigyan Mo sila ng lakas ng katawan, katatagan ng loob, at pananampalatayang makatutulong sa kanilang muling pagbangon.
Ilaan Mo po ang kanilang mga pangunahing pangangailangan, lalo na ang pagkain, damit, gamot, at ligtas na matutuluyan. Buksan Mo ang puso ng mga taong maaaring maging instrumento ng Iyong tulong at pagpapala.
🙏 Panginoon, pag-isahin Mo ang aming CIC Family.
Tulungan Mo kaming maging bukas-palad sa pagbibigay ng panalangin, panahon, tulong, at suporta. Nawa'y maramdaman ng ating mga kapatid na hindi sila nag-iisa. Kasama nila ang Diyos, at kasama nila ang kanilang CIC Family.
Sa gitna ng pagkawala, bigyan Mo sila ng bagong pag-asa, bagong lakas, at bagong simula. Gabayan Mo ang bawat hakbang tungo sa kanilang recovery at tulungan Mo silang makabangon nang sama-sama.
«“The Lord is close to the brokenhearted and saves those who are crushed in spirit.”
Psalm 34:18»
Panginoon, sa Iyong mga kamay ipinagkakatiwala namin ang aming mga kapatid at kanilang mga pamilya.
🙏 CIC FAMILY, LET US PRAY. LET US HELP. LET US STAND TOGETHER. ❤️
Walang kapatid na nag-iisa sa panahon ng pagsubok.
🙏❤️