12/12/2025
๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ | ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ na pinipintuho sa kanyang Parroquia sa Barangay Santa Lucia, Novaliches, Lungsod Quezon
๐๐ก๐ ๐๐๐ฆ๐๐ฌ๐ฆ๐๐ฌ๐๐ก ๐ก๐ ๐ฆ๐๐ก๐ง๐ ๐๐จ๐๐๐
Ipinanganak si Lucia sa Syracusa, sa Sicilia, noong mga taong 283 sa mga magulang na Kristiyano. Noong siya ay limang taong gulang, namatay ang kanyang ama at naiwan ang kanyang inang si Eutychia, upang palakihin siyang mag-isa. Si Eutychia ay dumanas ng pagdurugo at nangamba sa kinabukasan ni Lucia, kaya't inayos niya ang balaking ipakasal ang kanyang anak sa isang maharlikang mula sa isang paganong pamilya.
Isang kalahating dantaon bago nito, ang banal na birhen na si Santa Agata ay nagpakasakit at namatay bilang martir 40 milya sa hilaga ng Syracusa sa lungsod ng Catania. Si Santa Agata ay pinararangalan bilang kaluwalhatian ng Catania. Ang kanyang himlayan ay naging isang tanyag na lugar ng peregrinasyon at lugar ng maraming mga himala. Sa pag-asang malunasan mula sa pagdurugo ang kanyang ina, kinumbinsi ni Lucia ang kanyang ina na magsagawa ng banal na paglalakbay sa himlayan ni Santa Agata. Sumang-ayon si Eutychia. Samantalang nasa libingan, taimtim na nagdarasal ang dalawa nang matagal. Samantalang ginagawa nila ito, si Lucia ay nagkaroon ng isang pangitain kung saan nagpakita sa kanya si Santa Agata, na ipinaalam sa kanya na ang kanyang ina ay gagaling dahil sa pananampalataya ni Lucia, at na si Lucia naman ay magiging kaluwalhatian ng Syracusa, katulad ni Agatha na kaluwalhatian ng Catania. Nang magising si Lucia mula sa kanyang pangitain, sumigaw siya, โO, ina, ina ko, gumaling ka na!โ
Mula sa sandaling iyon, patuloy na naramdaman ni Lucia si Santa Agata na nagsasalita sa kanya tungkol sa kanyang pagtawag upang maging kabiyak ni Kristo at magpakasakit bilang martir. Ipinaalam niya sa kanyang ina ang kanyang pagnanais na manatiling birhen at nakiusap sa kanya na ialay ang kanilang kayamanan sa mga dukha. Nag-alinlangan ang kanyang ina, na nagmumungkahi na mas mabuti para kay Lucia na gawin ito kapag namatay na si Eutychia, ngunit hinimok siya ni Lucia na gawin ito kaagad dahil ito ay pagmulan ng higit na mas malaking gantimpala. Nanaig ang pananampalataya ni Lucia sa araw na iyon. Ipinagpatuloy niya ang pagpapaliban sa kanyang kasal at ginugol ang sumunod na ilang taon na masayang ipinamahagi ang kanyang kayamanan at mga alahas sa mga dukha.
Noong taong 303, ang Emperador ng Roma na si Diocleciano ay naglabas ng isang kautusan na nagbabawal sa pananampalatayang Kristiyano sa Imperyo ng Roma. Ang mga Simbahang Kristiyano ay ipinasara at ang mga banal na aklat tulad ng Banal na Kasulatan at mga liturhikal na aklat, ay dapat sirain. Ang mga Kristiyano ay ipinagbabawal na magtipon para sa pagsamba. Ang mga lingkod-bayan at maharlika ay tinanggalan ng kanilang mga antas at sinamsam ang kanilang mga ari-arian. Ang mga Kristiyanong natuklasan ay napilitang mag-alay ng sakripisyo sa mga diyos ng Roma at sa Emperador; ang mga masidhing tumanggi ay pinahirapan at pinatay.
Bagama't malinaw na ito ay isang matinding kasamaan na mangyayari sa mga nagpahayag ng kanilang pananampalataya kay Kristo, nagbunga din ito ng pagpapalakas ng pananampalataya para sa marami. Ang lihim na pagsamba ay regular na nagaganap sa kabila ng bantang panganib sa buhay ng mga mananamba. Ang mga pinarangalan na martir ay nagbigay inspirasyon sa mga mananampalataya na tularan ang matatag na pananampalataya ng mga martir.
Noong mga taong 304, nang si Lucia ay nasa gulang na 21, nalaman ng kanyang manliligaw ang malaking halaga ng salapi na ipinamahagi niya sa mga dukha. Alam din niya na ginawa ito ni Lucia dahil sa kanyang pananampalatayang Kristiyano at napagtanto niya na hindi siya magiging kasintahan nito. Sa kanyang matinding galit, isinuplong niya si Lucia kay Paschasius, ang Gobernador ng Syracusa, na tinutuligsa siya bilang isang Kristiyano.
Nang malaman ni Gobernador Paschasius ng Syracuse ang pananampalatayang Kristiyano ni Lucia at ang kanyang pagkakawanggawa sa mga dukha, ipinadakip niya ito at siniyasat. Tinangka niyang pilitin siyang tumalikod sa pamamagitan ng pag-aalay ng sakripisyo sa mga diyos ng Roma, ngunit tumanggi siya. Ang huling martirolohiyang Romano ay naglagay ng mga salitang ito sa bibig ni Lucia: "Alam ko kundi isang hain na dalisay at puspos ng karangalan, na maihahandog ko. Ito ay ang pagdalaw sa mga ulila at mga babaing balo sa kanilang kapighatian, at upang panatilihing walang dungis ang sarili sa sanlibutan. Sa loob ng tatlong taon, araw-araw kong inihahandog ang hain na ito sa aking Diyos at Ama; at ngayon ako ay nananabik para sa kaligayahang ihandog ang aking sarili sa kanya bilang isang buhay na alay ayon sa kanyang banal na kalooban."
Pagkatapos ay pinaratangan ni Lucia ang gobernador ng pagsamba sa demonyo at hinulaan ang kanyang kahatulan sa harap ng Diyos. Nagalit ang gobernador at ipinag-utos na dalhin siya sa isang bahay-aliwan. Nang tangkaing ilipat siya ng mga bantay, mas mabigat siya kaysa sa isang malaking bato. Sinubukan pa nilang ilipat siya gamit ang isang lubid na nakatali sa pamatok ng mga baka, ngunit hindi siya natinag. Pagkatapos ay pinalibutan siya ng mga bantay ng kahoy upang sunugin siya, ngunit hindi siya napinsala ng apoy. Sa wakas, inutusan ng gobernador ang isang kawal na itarak ang kanyang tabak sa kanyang leeg, at pinahintulutan ng Diyos na maganap ang kanyang pagkamartir. Iniuugnay ng isang martirolohiya ang mga makahulang salitang ito sa kanya samantalang siya ay naghihingalo: "Ibinabalita ko sa iyo ang isang malaking kagalakan. Nagbitiw si Diocleciano mula sa kanyang trono, namatay si Maximiano, ang Simbahan ay muling huminga: ang kapayapaan ay nagpalawak ng pakpak na sumasanggalang sa mga martir na banal. O Syracusa, O lugar ng aking kapanganakan, samantalang ang Catania ay nakatagpo ng kaligtasan at kaluwalhatian nito sa ilalim ng pangangalaga ng aking kapatid na si Agata, kaya ikaw ay aking isasanggalang, kung handa kang yakapin ang pananampalatayang iyon, para sa katotohanang ibinubo ko ang aking dugo."
Si Santa Lucia ay madalas na inilalarawan sa banal na sining na tangan ang kanyang mga mata dahil sa kalaunan ay sinasabi ng mga alamat na alinman sa mga bantay ay dumukit sa kanyang mga mata bilang pagpapahirap sa kanya, o dinukit niya ang kanyang sariling mga mata upang ang kanyang manliligaw ay hindi na matukso sa kanyang kagandahan.
Ang pagpaparangal kay Santa Lucia ay mabilis na lumaganap, at ang kanyang makahulang pangitain sa panaginip ay natupad โ siya ay naging kaluwalhatian at tagapagtanggol ng Syracusa at ang pinagmulan ng maraming mga himala. Sa pagtatapos ng ika-anim na dantaon, siya ay lubos na pinarangalan sa buong Imperyo ng Roma kaya't inilagay ng Dakilang Papa San Gregorio the ang kanyang pangalan sa Panalanging Pamantayan ng Roma o Roman Canon (Unang Panalangin ng Pagpupuri at Pasasalamat o Eucharistic Prayer I) sa Aklat ng Pagmimisa sa Roma (Roman Missal).
๐ฃ๐๐ก๐๐๐๐ก๐๐๐ก ๐๐๐ฌ ๐ฆ๐๐ก๐ง๐ ๐๐จ๐๐๐, ๐ฉ๐๐ฅ๐๐๐ก ๐๐ง ๐ ๐๐ฅ๐ง๐๐ฅ
O maluwalhatiโt pinagpalang birhen at martir, Santa Lucia, pinupuri ka namin at inaalayan ng panalanging ito dahil sa iyong pananampalataya sa Diyos na nagbigay ng lakas sa iyo upang mapaglabanan mo ang hibo ng kasalanan at maitaboy ang tukso laban sa pananampalataya.
Ang pinagpala mong mga mata ay ginamit mo sa mga bagay na nakapagbibigay ng lugod sa mata ng Diyos at ang mga iyon ay iningatan mo sapagkat inilaan mo lamang sa pagkakita sa Diyos sa langit. Idalangin mo sa Panginoong Diyos na kamiโy makasunod sa iyong halimbawa at nang kamiโy maging karapat-dapat din sa mga biyayang walang hanggan na iyong tinatamasa ngayon sa kaharian ng langit.
Sinalunga mo ang kamatayan at hindi mo inalintana ang buhay sa lupa upang makamtan mo lamang ang buhay na walang hanggan kahit na namuhunan ka ng pagkahiya, pagtitiis at pagbubuhos ng dugo nang ikaw ay pugutan sapagkat ayaw mong itatuwa ang iyong pananampalatayang Kristiyano.
Idalangin mo, O Santa Lucia, na kamiโy madulutan ng tunay na liwanag ng mata at walang katapusang liwanag ng kaluluwa sa pagpupuri sa Diyos.
Ipanalangin mo kami, Santa Lucia, at nang kamiโy maging dapat sa mga pangako ni Hesukristong Panginoon. Amen.
๐๐๐ ๐ก๐ข ๐๐๐ฌ ๐ฆ๐๐ก๐ง๐ ๐๐จ๐๐๐ ๐๐ ๐ก๐ข๐ฉ๐๐๐๐๐๐๐ฆ
Santa Lucia, Mahal na Santa
Kami'y subaybayan sa tuwi-tuwina.
Kami'y ingatan mo at patnubayan
Upang di maligaw sa landas ng buhay.
Santa Lucia, Ikaw ang Ilaw
Sa aming mga paglalakbay, Santa Lucia!
Santa Lucia, Ikaw ang Ilaw
Sa aming mga paglalakbay, Santa Lucia!