Pastor ng move it

Directions Contact the place of worship

Pastor ng move it Kung gusto mo na pagpalain ng Lord, papasukin mo si Lord sa buhay mo... Amen

04/10/2026

WORD FOR TODAY

Isaiah 40:31 — NIV
“But those who hope in the LORD will renew their strength. They will soar on wings like eagles; they will run and not grow weary, they will walk and not be faint.”

Kapag nanghihina na tayo, hindi ibig sabihin na tapos na tayo. Minsan, ang kahinaan natin ang nagiging pagkakataon upang maranasan natin ang panibagong lakas na nagmumula sa Panginoon AMEN..

HAPPY LORD'S DAY 🙏🙏🙏

27/09/2026

“Kaya’t maging maingat kayo sa inyong pamumuhay. Huwag kayong mamuhay na parang mga mangmang, kundi bilang mga taong marunong, na sinasamantala ang bawat pagkakataon.”
— Efeso 5:15–16

“Maging maingat sa paraan ng inyong pamumuhay. Mamuhay kayo nang may karunungan at gamitin nang mabuti ang bawat pagkakataong ibinibigay ng Diyos.”

Happy Lord's day po...

19/09/2026
12/09/2026

Pumili Ka Kung Sino ang Iyong Paglilingkuran

Josue 24:15
“Ngunit ako at ang aking sambahayan ay maglilingkod sa Panginoon.”

Napakaganda po kung pipiliin natin ay ang Diyos, dahil malinaw ang hamon ni Josue: kailangan nating gumawa ng personal na desisyon kung sino ang ating paglilingkuran.

“Ang pagpili sa Diyos ay hindi lamang desisyon ng ating bibig, kundi commitment ng ating buhay.”

Happy Lord's day po ❤️

10/09/2026

Ang Salita ng Diyos sa Araw na ito.

Awit 119:1 — MBB
“Mapalad ang mga taong namumuhay nang walang kapintasan, at sumusunod sa kautusan ng Panginoon.”

Ang verse ito ay nagpapaalala sa atin na ang tunay na pagpapala ay hindi lamang tungkol sa materyal na bagay o magandang buhay. Ang taong tunay na mapalad ay ang taong pinipiling mamuhay nang ayon sa kalooban ng Diyos at sumusunod sa Kanyang Salita.

Hindi sinasabi ng verse na ang taong sumusunod sa Diyos ay hindi na magkakaroon ng problema. Sa halip, ipinapakita nito na kahit may pagsubok, mayroon siyang tamang direksyon dahil ang kanyang buhay ay nakasandig sa Diyos.

Ang pagsunod sa Diyos ay isang araw-araw na desisyon. Kapag pinili nating sundin ang Kanyang Salita kaysa sa ating sariling kagustuhan, ipinapakita natin na mas mahalaga sa atin ang Diyos kaysa sa anumang bagay na iniaalok ng mundo.

“Ang tunay na mapalad ay hindi ang taong mayroon ng lahat ng gusto niya, kundi ang taong namumuhay ayon sa gusto ng Diyos.” AMEN

A BIRTHDAY OF GRATITUDE 🙏🎂Today, as I celebrate another year of life, my heart is filled with gratitude to God, our Crea...
07/09/2026

A BIRTHDAY OF GRATITUDE 🙏🎂

Today, as I celebrate another year of life, my heart is filled with gratitude to God, our Creator and the Giver of life.

Hindi man naging perfect ang journey ko, but through every season—sa mga victories, struggles, challenges, at answered prayers—God has remained faithful. Every morning that I wake up is already a testimony of His grace.

Sa araw na ito, hindi lang edad ang nadagdag sa akin; mas lalo kong nakikita kung gaano kabuti at katapat ang Diyos sa buhay ko. I am reminded that life is not measured by how many years we have, but by how faithfully we use those years for God's glory.

I would also like to sincerely thank everyone who has been part of my journey my family, church family (OGCI), Amazing Hope Christian Church, TEAM REVIVALISTS, fellow pastors and leaders, NEF, ACTS, CFCGI, Dyna-mix group, friends, AKP Brotherhood, Kuya Eagles, brothers and sisters in Christ, and everyone who continues to pray for, support, encourage, and believe in me.

Maraming salamat sa inyong pagmamahal at suporta, hindi lamang sa akin kundi pati na rin sa aking pamilya. Sa bawat panalangin, mensahe, encouragement, presence, at simpleng kabutihan na ipinakita ninyo sa amin—God knows how grateful we are.

I may not be able to mention everyone, but please know that you are part of the testimony God is writing in my life.

As I enter another year, my prayer is simple:

“Lord, let the remaining years of my life be more meaningful, more fruitful, and more pleasing to You. Use my life, my family, and our ministry to bring people closer to You.”

Hindi ko alam kung ilang taon pa ang ipagkakaloob ng Panginoon, but one thing I know:

I want every year, every season, and every opportunity to count for His Kingdom.

To God be all the glory for the gift of life, for my family, for the ministry, and for all the people He has placed in my life.

Thank You, Lord, for another year.
Thank You for Your grace.
Thank You for Your faithfulness.
And thank You for everyone who continues to walk with us.

Another year older, but by His grace, another year stronger in faith and deeper in purpose. ❤️

Happy birthday to me! 🎂🥳
SOLI DEO GLORIA! 🙌❤️

05/09/2026

Word of God for Today

Isaiah 40:31 (NIV)
“But those who hope in the Lord will renew their strength. They will soar on wings like eagles; they will run and not grow weary, they will walk and not be faint.”

“Ngunit ang mga umaasa sa Panginoon ay magpapanibagong-lakas. Sila'y paiilanglang na parang mga agila; tatakbo sila ngunit hindi mapapagod, sila'y lalakad ngunit hindi manghihina.”

Kahit walang pamasahe, may karamdaman, pagod, may problema, o maraming dahilan para manatili na lamang sa bahay, piliin pa rin nating hanapin ang presensya ng Panginoon. Sapagkat ang lakas na kailangan natin ay hindi laging nagmumula sa pagbabago ng sitwasyon kundi sa presensya ng Diyos habang hinaharap natin ang sitwasyon.

“Kapag nauubusan tayo ng lakas, huwag nating unahin ang dahilan para umatras; unahin natin ang Panginoon na siyang nagbibigay ng panibagong lakas.”

HAPPY LORD'S DAY ❤️❤️❤️

Address

7Camia Novaliches DRJ
Quezon City
3014

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pastor ng move it posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Pastor ng move it:

Shortcuts

Share