01/11/2025
TANDANG SORA IEMELIF YOUTH ANNIVERSARY CELEBRATION 🎉
Sa pagdiriwang ng anibersaryo ng Tandang Sora IEMELIF Youth, nagsagawa ang kapisanan ng iba’t ibang makabuluhang gawain tungo sa tema na "SIGLAKBO" (Sigla at Takbo) — isang karanasang tunay na nagbigay buhay, saya, at inspirasyon sa bawat kabataan! 🙌🔥
Series 1 - September 28
➡️ Masayang Luncheon Fellowship pagkatapos ng Sunday Service! Isang tanghalian na puno ng tawanan, kwentuhan, at bonding sa mga kapwa kabataan. 🥳🍽️
Series 2 - October 5
➡️ Board Games Day! Enjoy ang lahat sa mga palaro habang may kasamang masasarap na kutkutin at good vibes! 🎲😋
Series 3 - October 12
➡️ Coffee and Matcha Workshop ☕🍵 – Kakaibang experience ang gumawa ng sariling drinks habang nagkakatuwaan at natututo ng bago!
Series 4 - October 17
➡️ Extra Challenge: Service for a Cause 💪🏽 – Nag-raise ng pondo para sa anniversary celebration sa pamamagitan ng paglilingkod sa mga miyembro ng iglesya—naglinis sa mga bahay-bahay, naglingkod nang may ngiti at pusong handang tumulong! ❤️🏡
At sa Anniversary Celebration - October 26
➡️ Ginaganap sa 10K Resort 🏊♀️ – may free swimming, fellowship, kantahan sa videoke, at siyempre, masasarap na pagkain! Isang araw ng kasiyahan, pasasalamat, at pagkakaisa ng mga kabataan! 💦🎤🍴
💖 Pasasalamat:
Una, sa Panginoon sa Kanyang walang hanggang biyaya, katapatan, at kabutihan na naging sandigan ng bawat gawain.
Sa mga youth officers na buong pusong nagplano at nag-organize ng mga aktibidad, sa lahat ng kabataan na patuloy na sumusuporta, at sa mga kaanib ng iglesya na walang sawang tumatangkilik sa ministeryo ng kabataan — maraming salamat po! 🙏
🌟 Nawa’y patuloy nating maranasan ang SIGLA ng paglilingkod at ang TAKBO ng pananampalataya sa ating journey bilang kabataan ni Kristo! 💫