16/02/2026
Taos-puso pong nagpapasalamat ang Parish Youth Ministry sa lahat ng naging bahagi ng aming Youth General Assembly "Malawakang Kumustahan". Ang inyo pong kabutihang-loob ay naging malaking biyaya sa aming pagtitipon at sa paghubog sa aming kabataang-lingkod ng Simbahan.
Lubos po ang aming pasasalamat sa Parish Pastoral Council sa pamumuno ni Ate Ochie Veloso, sa Formation Ministry, sa New Quezon City Central Sambuhay Eagles Club, at sa SK Masambong & Council para sa inihandog po ninyong mga pagkain para sa amin. Gayundin po, nagpapasalamat po kami sa Family Rosary Crusade Philippines para sa mga rosaryo na magsisilbing gabay naming kabataan sa mas malalim na pananalangin. Nagpapasalamat din po kami sa Social Communications Ministry ng Basilica Minore de San Pedro Bautista na buong pusong tumulong para sa logistics.
Taos-pusong nagpapasalamat din po kami sa tagapagsalita sa aming Malawakang Kumustahan, Bro. Mark Jude Del Rosario, OFM, at sa aming minamahal na kura paroko, Rev. Fr. Edwin Peter R. Dionisio, OFM, para sa paggabay at suporta sa aming kabataan.
Nawaโy suklian po kayo ng Panginoon ng masaganang biyaya at pagpapala. Ang inyo pong suporta ay patunay na ang Simbahan ay buhay sa diwa ng pagkakaisa at malasakit.
๐ธ Bmspb SocComm