27/06/2026
Sa presenya ng Diyos
Salmo 73:21-28 ASD
[21] Nang nasaktan ang aking damdamin at nagtanim ako ng sama ng loob,
[22] para akong naging hayop sa inyong paningin, mangmang at hindi nakakaunawa.
[23] Ngunit patuloy akong lumapit sa inyo at inakay nʼyo ako.
[24] Ginagabayan ako ng inyong mga payo, at pagkatapos ay tatanggapin nʼyo ako bilang isang pangunahing pandangal.
[25] Walang sinuman sa langit ang kailangan ko kundi kayo lamang. At walang sinuman sa mundo ang hinahangad ko maliban sa inyo.
[26] Manghina man ang aking katawan at isipan, kayo, O Dios, ang aking kalakasan. Kayo lang ang kailangan ko magpakailanman.
[27] Ang mga taong lumalayo sa inyo ay tiyak na mapapahamak. Ang mga nagtaksil sa inyo ay lilipuling1 lahat. [
28] Ngunit ako, minabuti kong maging malapit sa Dios. Kayo, Panginoong Dios, ang pinili kong kanlungan, upang maihayag ko ang lahat ng inyong mga ginawa.
Sa kabanata ng salmong ito ay ating makikita ang pananaghili ng mangaawit sa mga taong masasama at Hindi nakakakilala sa Diyos. Inaccknowledge nya sa simula na Ang Diyos ay mabuti lalo na sa mga taong may malilinis na puso.
Ngunit binanggit nya rin na halos mawalan na siya ng pananampalataya most likely dahil marami siya pinagdadaanan.
Tunay nga mga Kapatid na kapag Tayo ay dumaranas ng mga matitinding kapighatian sa Buhay kung minsan ay di natin maiwasan isipin na Tayo ay nagiisa at walang kaagapay. We are lonely, anxious, depressed and frustrated. We often see other people na para bang maginhawa sila at Hindi sila nakakaranas ng problema. Minsan nga napapa sana all ka na lang 😅😅😅
Mayayabang sila, mapagtungayaw, sakim, at mapanakit sa kapwa at humahamak sa Diyos pero malulusog ang mga katawan nila at para bang pinagpapala pa sila ng Lord. Sabi pa nga sa talata Wala na ngang problema ay yumayaman pa! Dahil sa impluwensya nila, marami rin sa mga mananampalataya ay naniniwala na sa kanila
At Tayo minsan nasasabi natin "e bakit Ako? Naglilingkod naman Ako sa Lord. Bakit ganito ang dinadanas ko?" Sabi pa ng mangaawit "wala bang kabuluhan ang paglilingkod ko sa Diyos at Ang paglayo ko sa kasalanan?
Ngunit sinabi ng mangaawit:
[17] Pero nang pumunta ako sa inyong templo, doon ko naunawaan ang kahihinatnan ng masama.
Kapag Tayo ay lumapit sa panginoon, doon nya binubuksan ang ating mga pang unawa na Mali pala Tayo ng mga inaakala. Ang totoo pala, mas kaawa awa pa pala Ang taong malayo sa panginoon. Kapag hinatulan sila ng Diyos ay kalunos lunos ang kalagayan nila.
Kapag lumapit Tayo sa presenya ng Diyos Saka natin nakikita ang tunay nating kalaagayan. Kung gaano Tayo kapalad katulad ng nabanggit sa talata at kung gaano din Tayo naging hangal sa harapan ng ating panginoon dahil sa Mali nating mga pag iisip.
I therefore conclude mga Kapatid na Iba talaga kapag nasa presensya Tayo ng ating panginoon. Mas malinaw ang ating isipan dahil ginagabayan Tayo ng salita ng Diyos. Maghirap man Tayo ngunit malayo Tayo sa kapahamakan. Wala pala tayong ibang kailangan kungdi ang PANGINOON LANG.
Manghina man ang ating katawan at ang ating isipan, ngunit ang Diyos ang ating kalakasan. Siya lang ang bahagi natin sa Buhay na ito. Mas mabuti sa atin ang manatili sa presensya ng ating panginoon. Palagi natin hanapin ang presensya nya. Huwag tayong lalayo sa ating Panginoon.
Psalm 16:11 KJV
[11] Thou wilt shew me the path of life: In thy presence is fulness of joy; At thy right hand there are pleasures for evermore.
These following verses also encouges us mga Kapatid
Awit 27:14-15
Awit 84:10-12
Awit 90:1-2
Biyaya at kapayapaan ay sumainyong palagi 😊