26/08/2024
Topic: Pagtitiis na May Kagalakan
Key text:
Nawa'y palakasin kayo sa buong kapangyarihan, ayon sa kalakasan ng Kanyang kaluwalhatian, para sa lahat ng katatagan at pagtitiyaga na may galak.Colosas 1 : 11
📘Palakasin sa buong kapangyarihan." Hindi ito kapangyarihang magsalita ng mabilis na mga salita, na makasasakit at makasusugat sa iba at makapipinsala sa atin ng higit sa lahat, na mahihiya tayo kapag iniisip natin pagkatapos kung ano ang ating sinabi.
📘Pagtitiyaga na may galak." Nasaan ka man, maaari kang matubos, at ang paghamak ay dumating sa iyo. Kung aking sisimulang hanapin ang isa sa ikasanlibong bahagi ng nasabi laban sa akin, mawawalan ako ng panahong gawin ang iba pang bagay. Aking sinabi, "Alam ng Diyos ang lahat tungkol dito, at hahayaan Siya ang bahala dito." Hindi ako nababahala sa kung ano ang sinasabi ng ibang tao tungkol sa akin. Kung mawawalan ako ng pagpipigil sa sarili, at bubulalas ng may pagkagalit, sa paggawa nito ako ay magbibigay ako sa mga tao ng mga dahilan upang sabihing ang paratang ng aking mga taga - akusa ay tama ...
📘Hindi tayo kailanman dapat mawalan ng pagpipigil sa ating sarili. Lagi nating alalahanin ang ating sakdal na Huwaran. Kasalanang magsalita ng walang pasensya at naiinis o makaramdam ng galit ---- kahit tayo ay hindi nagsasalita. Dapat tayong lumakad ng karapat - dapat, na nagbibigay ng tamang pagkatawan kay Cristo. Ang pagsasalita ng isang galit na salita ay parang batong tumama : mabilis itong nagpapaningas ng galit na damdamin. Huwag maging katulad ng sumabog na kastanyas.
📘Kung ang iba ay walang pasensya, mainisin, at mapagreklamo, dahil ang sarili ay hindi napagtagumpayan, simulang umawit ng ilang mga awitin ng Sion. Samantalang nagtatrabaho si Cristo sa upuan ng karpintero kung minsan ang iba ay papaligid sa Kanya, susubukan Siyang mawalan ng pasensya ; ngunit sisimulan Niyang umawit ng ilan sa magagandang awit, at bago nila matanto kung ano ang kanilang ginagawa sila ay nakisama na sa Kanya sa pag - awit na para bang naimpluwensyahan sila ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu, na naroroon.
📘Nais ng Diyos na tayo ay maging mapagtiis sa kabagabagan at pagdurusa, na panatag na mamahinga sa Kanyang malakas na bisig ng walang hanggang pag - ibig, na naniniwalang gumagawa Siya para sa atin sa lahat ng oras. Pribilehiyo nating magalak sa Panginoon. Purihin natin Siya ng higit. Sa ating kagalakan ipinapakita natin na ang ating buhay ay nakatago kay Cristo sa Diyos, na sa Kanya ay nakasusumpong tayo ng pinakamapalad na pakikisama, at sa pamamagitan ng Kanyang biyaya mayroon tayong buhay na ugnayan sa langit.