24/03/2020
Paano lalabanan ang salot na COVID 19 bilang Mananampalatayang Apostoliko? Narito ang mga espiritual at practical na mga tips upang mapagtagumpayan ang anumang salot na dumarating sa paligid.
Batid natin na ang salot na ito ay worldwide na, at maaring ideklara ng WHO na pandemic kung patuloy itong lalaganap at hindi agad masusugpo. Ito ay nagdudulot ng takot at pangamba sa maraming mga tao, dahil na rin sa mga advisories ng mga bansa.
Malalaman natin sa kasaysayan ang mga salot na pumatay ng mga milyon-milyon tao, isa dito ay ang bubonic plague na tinawag na Black Death noong ika labintatlobg siglo. At itong nakalipas na dekada ay may mga salot na lumaganap sa ilang panig ng mundo, tulad ng Mers Cov, Sars, H1N1 Flu, Covid at iba pang mga sumisira at umaatake sa respiratory system ng tao.
Papaano natin ito haharapin bilang mananampalataya? Una dapat nating alamin kung ano ang sinasabi ng Biblia tungkol sa mga salot. Sa pamamagitan ng karunungan at kaalaman sa Salita ng Diyos tayo ay makikipagbaka. Ito ang ating sandata, ang tabak ng Espiritu (Efeso 6:17) at ito'y hindi ukol sa laman, kundi sa harapan ng Diyos ay may kapangyarihang gumiba ng mga kuta (2 Cor. 10:4). Sinabi ng Diyos, "Ang aking bayan ay napapahamak dahil sa kakulangan sa kaalaman." (Hosea 6:4). Alamin natin kung saan nangagaling ang mga salot at ano ang layunin nito ayon sa Biblia? Sa twinang mababasa ang salot o peste sa Biblia, ito ay nagaganap bunga ng rebelyon sa Diyos (Levitico 26:21), katigasan ng puso (Exodo 9:12-14), pagsuway (Deut. 28:15-62), pagsamba sa diyos-diyosan (Revelation 9:20), at ang pagdagragdag sa mga hula sa Biblia (Reveelation 22:18). Samakatuwid, ito ay bunga ng kasalanan.
At dahil sa kasalanan, ang tao ay nagiging vulnerable sa mga salot at sumpa ng kasalanan. Kung kaya, paulit-ulit na ipinapangaral ang mensahe ng pagsisisi at pagbabalik loob sa Diyos upang alisin ng Diyos ang salot at pagalingin ang mga bansa.
Ang katigasan ng puso ng Paraoh sa panahon ni Moises kung bakit isinugo ng Diyos ang 10 salot sa Ehipto. Ang pinakamalaking salot ay ang kamatayan ng lahat ng panganay sa buong Ehipto.
Ang mga salot na ito na tiyak na magaganap sa mga huling panahon dahil ito ay inihula na mangyayari bilang palatandaan ng pagbabalik ni Cristo (Mateo 24:1-8).
Ang mga sumusunod na pitong payo ay makatutulong upang malabanan at mapagtagumpayan ang mga salot:
Una, pagsisihan ang lahat ng kasalanan, aminin na tayo ay nagkasala at may desisyon na sumunod at maglingkod sa Diyos. Nais ng Diyos na maibalik ang ating tunay na ugnayan at relasyon sa Kanya sa pamamagitan ng pagbabalik-loob sa Kaniya. Ang pagsisisi ay pagtalikod sa kasalanan at pasunod sa Kanya. Ito ay pagbabago ng pag-iisip, buhay, direction at destination.
Ikalawa, tiyaking may maayos na ugnayan sa Diyos. Ang mga pangako ng proteksyon at pag-iingat ay nasa magandang ugnayan o relasyon sa Diyos. Sinabi sa Mga Awit 91, "Kaniyang ililigtas ka . . . sa mapamuksang salot."(v3), "Kaniyang tatakpan ka ng Kaniyang bagwis..."(v4), "...hindi ka matatakot sa kakilabutan sa gabi, ni sa pana man na humihilagpos kung araw (v5); "O sa salot na dumarating sa kadiliman, ni sa paggiba man na sumisira sa katanghaliang tapat."(v6), "Isang libo ay mabubuwal sa iyong tabi, at sangpung libo sa iyong kanan; nguni't hindi lalapit sa iyo."(v7).
Sapagka't ginawa mo ang Panginoon na iyong kanlungan! Iyong ginawa ang Kataastaasan na iyong tahanan; Walang masamang mangyayari sa iyo, ni anomang salot ay lalapit sa iyong bahay.
Sapagka't Siya'y magbibilin sa Kaniyang mga anghel tungkol sa iyo, upang ingatan ka sa lahat ng iyong mga lakad.
Iyong yayapakan ang leon at ang ulupong: ang batang leon at ang ahas ay yuyurakan mo ng iyong mga paa. Sapagka't iyong inilagak ang iyong pagibig sa Kanya, kaya't ililigtas ka Niya: ilalagay ka Niya sa mataas, sapagka't nalalaman mo ang pangalan Niya. Ika'y tatawag sa Kanya, at Siya'y sasagot sa iyo; Siya'y sasaiyo sa kabagabagan: at Kaniyang ililigtas ka, at pararangalan ka. Bibigyan ka Niya ng mahabang buhay at ipakikita syo ang Kaniyang pagliligtas (v 9-16).
Ikatlo, huwag matakot. Ang pagkatakot ay opposite ng pananampalataya at avenue ng demon possesion. Tandaan, hindi tayo binigyan ng espiritu ng pagkatakot kundi ng kapangyarihan (Gawa 1:8; 2 Tim. 1:7). Sinabi ng Panginoon na tiyakin nating hindi tayo matatakot o mangangamba sapagka't kinakailangang ito'y mangyari datapuwa't hindi pa ang wakas datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang "pasimula ng kahirapan."(Mateo 24:6-8). Kung nagugulimihanan, alalahin ang mga pangako ng Panginoon tungkol sa kapangyarihan ng Espiritu Santo at Kaniyang pag-iingat.
Ikaapat, tiyakin nating tayo ay tumanggap ng kaloob ng Espiritu Santo upang mapabilang sa Kaniyang katawan (1 Cor. 12:13). Ang sinumang walang Espiritu ni Cristo ay hindi kay Cristo (Roma 8:9). Kahit kasapi ka sa lahat ng relihiyon, kung wala kang Espiritu ni Cristo na nanahan sa iyong katawan bilang Kaniyang templo ay hindi ka pa rin kay Cristo (1 Cor. 6:19). Ito ang selyo ng iyong katubusan (Efeso 1:13) sa pamamagitan ng Kaniyang mahal na dugo. Binayaran ang iyong mga kasalanan ng Kaniyang mahal na dugo (1 Cor. 6:20). Ang dugo ng Panginoon ang siyang mag-iingat sa atin sa lahat ng salot.
Ang ika-sampu at pinakamabigat na salot na dumating sa Ehipto ay ang kamatayan ng mga panganay sa Israel. Ang tanging nakaligtas at naingatan sa salot na ito ay ang bayan ng Diyos - ang mga Israelita. Dahil iniutos ng Panginoon kay Moises na sila ay magkatay ng kordero at kukuha sila ng dugo nito, at ilalagay sa dalawang haligi ng pinto at sa itaas ng pintuan, sa mga bahay na kanilang kakainan. Sapagka't sinabi ng Panginoon, ako'y dadaan sa lupain ng Egipto sa gabing yaon, at aking lilipulin ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto, maging tao at maging hayop; at gagawa ako ng kahatulan laban sa lahat ng mga dios sa Egipto, ako ang Panginoon. At ang dugo ay magiging sa inyo'y isang tanda sa mga bahay na inyong kinaroroonan: at pagka aking nakita ang dugo, ay lalampasan ko kayo, at walang salot na sasainyo, na papatay sa inyo, sa pananakit ko sa lupaing Egipto. (Exodo 12:7-12).
Ang kordero ay tipo ni Cristo at ang kaniyang dugo ang magliligtas sa atin sa mga salot na darating. Walang dapat ikatakot kung ikaw ay isa sa mga tinubos sa pamamagitan ng Kaniyang mahal na dugo (Gawa 20:28).
Ikalima, maging pantas. Sinabi ni Jesus, mangagpakatalino nga kayong gaya ng mga serpente at mangagpakatimtimang gaya ng mga kalapati (Mateo 10:16). Bagamat, tayo ay may pangako ng proteksyon mula sa mga salot, hindi natin dapat abusuhin o i-overdo ito. Sinabi ng Panginoon na ang mga palatadaan ng mga sumasampalataya, sa aking pangalan sila ay magpapalayas ng mga demonyo, ipapatong nila ang kanilang kamay sa mga may sakit, at sila'y magsisigaling, at kung "makahawak" sila ng serpente, o "makainom" ng lason ay hindi sila masasaktan (Marcos 16:15-18). Hindi sinabi ng Panginoon na "iinom ng lason", kundi "kung makainom" hindi rin sinabi na "hahawak ng serpente", kundi "kung makahawak ng ulupong" tulad ng nangyari kay Pablo sa Melita na natuklaw siya ng ulupong ngunit hindi siya nasaktan.(Gawa 28:3-5). Ibig sabihin, huwag nating sadyain na humawak ng serpente o uminom ng lason. Huwag din nating sadyain na ma expose sa salot (maliban kung ikaw ay health worker), o magpabaya o magsawalang bahala sa mga bagay na makatutulong sa atin upang maka-iwas sa mga banta ng salot.
Ika-anim, ayusin ang lifestyle. Alalahanin natin na tayo ay dapat mamuhay ayon sa buhay na nais ng Panginoon, mapayapa, masaya, malusog at may contentment. Iwasan natin ang mga bagay na makadudulot ng paghina ng ating immune system. Di ka nga umiinom ng alak, nagsisigarilyo o nagbibisyo pero nagpupuyat ka naman palagi at nagpapabaya sa iyong kalusugan at personal hygiene. Sobrang expose mo naman sa mga gadgets at devices na may radiation. Kinakain ang mga di dapat kainin. Dapat mamuhay tayo ng balanseng buhay, alam natin na lahat ng bagay na sobra ay masama. Alalahanin ang regulation at moderation.
Ika-pito, manalangin palagi, regular na magpuri at sumamba sa Diyos. Ang Diyos lamang ang dapat tumanggap ng putong (korona) ng pagpupuri at pagsamba.
God bless - Pr. Picar