08/10/2025
We are created to worship our creator. Worship Is your primary purpose on earth.
Nilikha ka ng Diyos para sa kanyang sarili. Hindi ka naririto para sa iyo; narito ka para sa Diyos. Nandito ka para bigyan siya ng kasiyahan at ginagawa mo iyon sa pamamagitan ng pamumuhay ng pagsamba at tapat na paglilingkod.
We were made to worship God and bring pleasure to him. We have an assignment on this world that is more than taking care of us and our needs.
Ang sabi sa Revelations 4:11, “Thou art worthy, O Lord, to receive glory and honour and power: for thou hast created all things, and for thy pleasure they are and were created.”
We can express clearly our worship to God by obeying Him in everything that He has commanded us to do for His pleasure and glory. Ganito ang attitude ni King David. Ang sabi niya sa Psalm 119:33-34, “Panginoon, ituro nʼyo sa akin ang inyong mga tuntunin, at habang nabubuhay itoʼy aking susundin. Bigyan nʼyo ako ng pang-unawa sa inyong kautusan, at itoʼy buong puso kong susundin at iingatan.”
Nakangiti at natutuwa ang Diyos kapag tayoy sumusunod sa kanya ng buong puso. Nangangahulugan iyon na gagawin natin ang anumang hilingin ng Diyos nang walang pag-aalinlangan o pag-aatubili. Hindi ito ipagpapaliban at sasabihing, “Ipagdadasal ko ito at gagawin ko na lang later.” Bagkos, ginagawa mo ito nang walang pagkaantala. Every parent knows that delayed obedience is really disobedience.
Sa totoo lang, hindi tungkulin ng Diyos na ipaliwanag niya ang dahilan o bawat reason kung bakit niya tayo inuutusan at kung bakit ito ang kanyang pinagagawa sa atin. Understanding can wait, but obedience can’t. Ang agarang pagsunod ay magtuturo sa atin ng higit patungkol sa Diyos kaysa sa lifetime of Bible discussions. Sa katunayan, hindi natin maiintindihan ang ilang utos hangga't hindi natin muna sinusunod ang mga ito. Ang pagsunod ay nagbubukas ng pang-unawa. (Obedience unlocks understanding.)
Kadalasan sinusubukan nating magbigay sa Diyos ng partial obedience. We want to select and choose the commands we obey. Gumagawa tayo kung minsan ng isang listahan ng mga utos na gusto natin at sinusunod ang mga iyon habang binabalewala ang mga utos niya na sa tingin natin ay hindi makatwiran, mahirap, mahal, o hindi sikat. May nagsasabi na “Magsisimba ako pero hindi ako magti-tithe”. Babasahin ko ang aking Bible ngunit hindi ko mapapatawad ang taong nanakit sa akin. Yet partial obedience is disobedience.
Ang sabi sa Psalm 100:2, “Paglingkuran ninyo nang may kagalakan ang Panginoon. Lumapit kayo sa kanya na umaawit sa tuwa.” Wholehearted obedience is done joyfully, with enthusiasm.
Malinaw ang Salita ng Diyos na hindi natin makakamit ang salvation dahil sa ating mga gawa. Makakamit lang ito sa pamamagitan ng pananalig natin sa biyaya ng Diyos, hindi sa ating pagsisikap. Ngunit bilang mga anak ng Diyos maaari tayong magdulot ng kasiyahan sa kanya sa pamamagitan ng pagsunod. Anumang gawain ng pagsunod ay isa ring gawain ng pagsamba.
Ang sabi ni James sa ating mga Christians, “We please God by what we do and not only by what we believe” (James 2:24).
Why is obedience so pleasing to God? Because it proves that we really love him. Ang sabi ni Jesus, “If you love me, you will obey my commandments” (John 14:15).
As I wind up with this insight, let’s take this heart-searching question:
· Paano ko ba malalaman kung ang Diyos ang nagsasabi sa akin na gawin ang isang bagay?
· In what areas of our lives have we shown partial obedience to God?
· Am I giving Him my full obedience to His commands?
· Ang akin bang pagsunod ay itinuturing kong isang gawain ng pagsamba?
*****
Heavenly Father, help us to be obedient children, and help us also to express our obedience as an act of worship. You have proclaimed that if we love You, we will keep Your commandments. Give us the ability to do whatever you ask us to do. Enable us to always be conscious that our full and wholehearted obedience is done joyfully, with enthusiasm . You are worthy, O Lord, to receive glory and honor and power, for in the name of Jesus Christ we pray, Amen!🙏🙏🙏