24/05/2026
𝑴𝑶𝑵𝑫𝑨𝒀 𝑫𝑬𝑽𝑶𝑻𝑰𝑶𝑵 𝑻𝑶 𝑺𝑻. 𝑨𝑵𝑵𝑨 𝑺𝑪𝑯Ä𝑭𝑭𝑬𝑹 𝑪𝑯𝑨𝑷𝑳𝑬𝑻 𝑶𝑭 𝑺𝑻. 𝑨𝑵𝑵𝑨 𝑺𝑪𝑯Ä𝑭𝑭𝑬𝑹
In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit.
Amen.
I believe in God,
Our Father,
(On the 24 beads, pray this prayer: )
Saint Anna Schaeffer, in your infirmities, you shared in the Passion of Our Lord Jesus,
Pray for us and those who are poor the sick and the suffering. Amen.
Concluding Prayer, pray this invocation:
Most Sacred Heart of Jesus, I trust in You.
[repeat three times]
𝐏𝐀𝐍𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍 𝐊𝐀𝐘 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐀 𝐀𝐍𝐍𝐀 𝐒𝐂𝐇𝐀𝐄𝐅𝐅𝐄𝐑
O Santa Anna Schäffer, namuhay ka bilang isang dukha, naratay sa banig ng karamdaman, nagdusa sa loob nang mahabang panahon ngunit sa kabila nito, hinayaan mong mamayani sa iyong buhay ang pagkamatiisin, pagkamataimtimin sa panalangin at maalab na debosyon sa Banal na Eukaristiya at kay Inang Maria. Nagbunsod ang mga ito sa iyo upang mula sa iyong higaan ay makapagpatatag ka ng pananalig, makapaghilom ng pusong makasalanan at makapagbigay pag-asa sa mga nawawalan nito. Lumalapit kami sa iyo, Santa Anna, upang iyong ipakiusap sa Diyos ang aming kahilingan
(sambitin ang kahilingan).
Inilalapit din namin sa iyo ang aming kapwa lalo na yaong mga dukha, mga may sakit at mga dumaranas ng paghihirap. At nawa sa aming paglapit sa iyo, maranasan namin ang pag-ibig ng Diyos sa panahon ng paghihirap upang tulad mo, makapagbigay saksi kami sa pag-asa na mula sa Ebanghelyo. Amen.
𝐏𝐀𝐍𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍 𝐒𝐀 𝐒𝐄𝐍𝐓𝐄𝐍𝐀𝐑𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐈𝐁𝐄𝐑𝐒𝐀𝐑𝐘𝐎 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐍𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐊𝐀𝐌𝐀𝐓𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐍𝐈 𝐒𝐓𝐀. 𝐀𝐍𝐍𝐀 𝐒𝐂𝐇𝐀𝐄𝐅𝐅𝐄𝐑
O Sta. Anna Schaeffer,
isang daang taon na nang tinawag ka ng Diyos sa Kanyang Tahanan.
Isang daang taon na ng iyong kamatayan, ngunit nasa piling ng Diyos kaylanman.
Na sa kabila ng iyong kamatayan, buhay mo’y nananatiling buhay.
Na sa kabila ng iyong katahimikan, mensahe mo’y umaalingawngaw kahit saan.
Na sa kabila ng iyong pagkahimlay sa hukay, panalangin mo sa ami’y nakikilakbay.
Lumalapit kami sa iyo, Santa Anna, upang kami’y ihanda…
Turuan mo kaming matuto mula sa kwento ng iyong buhay, upang Diyos ay papurihan.
Turuan mo kaming dinggin ang iyong mensahe upang harapin ang paanyaya ng pananampalataya.
Turuan mo kaming makilakbay sa iyo upang makita ang pag-asa sa aming buhay.
Na sa pagdiriwang namin ng Anibersaryo ng iyong banal na kamatayan,
isapuso’t isabuhay nawa namin ang iyong pagmamahal: “Jesus, sa Iyo ako nabubuhay!”
Santa Anna Schaeffer, kaibigan at kalakbay naming mga dukha, ng mga may sakit at ng mga dumaranas ng paghihirap sa buhay, ipanalangin mo kami. Amen.