16/06/2025
DALAWANG MINUTONG PAGNINILAY ARAW ARAW
Salin sa Pilipino
Hunyo 16, 2025
[9] "Kaya manalangin kayo ng katulad nito: ‘Ama naming nasa langit, sambahin nawa kayo ng mga tao."
Mateo 6:9 ASND
PAGMUMUNI MUNI:
Bakit magkakabit ang panalangin sa Diyos bilang aking Ama ayon kay HESUS?
Bakit dapat kong matutunan kung paano manalangin?
Paano makakaroon ng epekto ang panalangin sa aking buhay?
HAKBANG SA PAGKILOS:
Binigyan tayo ni HESUS ng isang huwarang panalangin sa Mateo 6:9–13—hindi lang para ulit-ulitin, kundi para matutunan natin kung paano tayo makikipag-usap sa Diyos. Ang panalangin ay hindi lang tungkol sa pagbigkas ng tamang salita—ito ay tungkol sa pagkilala kung sino ang aking kinakausap at kinaka-ugnay, ang Diyos na aking Ama.
1. Kilalanin: Ang Diyos ay aking Ama at aking Hari. Ang Kanyang pangalan ay banal at karapat-dapat sa aking buong paggalang (1 Corinto 10:31). Ako ay Kanyang anak sa pamamagitan ni HESUS (Galacia 3:26). Ang tunay na panalangin ay nagsisimula sa pagkilala kung sino Siya—ang makapangyarihan, perpekto, at karapat-dapat sa papuri. Pararangalan ko Siya sa aking mga salita at gawa.
2. Ituwid Muli: Tinutulungan ako ng panalangin na muling ituwid ang aking puso sa kalooban ng Diyos. Tulad ni HESUS, gusto kong sabihin, "Hindi ang kalooban ko, kundi ang kalooban Mo ang mangyari" (Lucas 22:42). Ang Kanyang mga plano ay mas mahusay kaysa sa akin. Ititigil ko na igiit ang sarili kong kagustuhan at magtitiwala na ang Kanyang kalooban ang pinakamabuti para sa akin.
3. Umasa: Naglalaan ang Diyos para sa lahat kong pangangailangan— kalakasan sa bawat araw , kapatawaran, at proteksyon (Mateo 6:11-13). Hindi lang Siya handang tumulong; gustung-gusto Niyang gawin ito (Mateo 7:11), kaya magtitiwala ako sa Kanya sa halip na mag-alala. Patatawarin ko ang iba at magtitiwala sa Kanyang paggabay sa bawat hamon na aking kahaharapin.
Sa tuwing ako ay nananalangin, hindi lang ako nangungusap— ako ay lumalapit sa Diyos na nakakakilala at nagmamahal sa akin. Ngayon, pipiliin kong makipagniig sa Diyos na ating Ama!