Our Lady Of Fatima Chapel - Payatas

Our Lady Of Fatima Chapel - Payatas “My Immaculate Heart will be your refuge and the way that will lead you to God.”

04/01/2026

A star rose, and the world found its Savior—Christ revealed to all nations, drawing every heart to His light and love.

As we celebrate the Epiphany of the Lord, may we, like the Wise Men, seek Jesus with faith, offer Him our best, and allow His presence to transform our lives as witnesses of His grace to the world.



Happy Birthday po! Fr. Nestor Taroy Jr., FDP
28/12/2025

Happy Birthday po! Fr. Nestor Taroy Jr., FDP

Maligayang kaarawan, Padre Nestor!

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa iyong tapat na paglilingkod at sa biyayang inyong ibinabahagi, lalo na sa pamamagitan ng musika na patuloy na nagpapayaman sa aming pananampalataya.

Nawa’y pagpalain kayo ng Panginoon ng mabuting kalusugan at patuloy na inspirasyon.


27/12/2025
14/12/2025

REMINDER FOR CATHOLICS THIS SIMBANG GABI
(THE PROPER ATTIRE INSIDE THE CHURCH)

Simbang Gabi, or "Night Mass," is a cherished nine-day Catholic tradition in the Philippines, serving as a spiritual preparation for Christmas and a beautiful expression of our faith and devotion to Our Lord Jesus Christ. As the Church is a house of prayer and the dwelling of the Holy Spirit, it must be treated with reverence and respect, especially during Holy Mass. We are called to come with humble hearts, wearing modest attire that honors the sanctity of the Eucharist and the sacred space—this is not a fashion show, but a time for prayer and reflection. Remember, what truly matters is your sincere devotion and love for God, and all are welcome—regardless of their circumstances—because the Church invites everyone to encounter Christ’s grace through prayer and community.

14/12/2025
Bilang paghahanda sa nalalapit na kapaskuhan, narito ang ilang mga munting paalala upang mas maging maligaya ang ating p...
14/12/2025

Bilang paghahanda sa nalalapit na kapaskuhan, narito ang ilang mga munting paalala upang mas maging maligaya ang ating pagdalo sa pagdiriwang ng Simbang Gabi.

Third Sunday of Advent (Gaudete Sunday) (Rose 🩷)UNANG PAGBASAIsaias 35, 1-6a. 10Pagbasa mula sa aklat ni propeta IsaiasA...
14/12/2025

Third Sunday of Advent (Gaudete Sunday) (Rose 🩷)

UNANG PAGBASA
Isaias 35, 1-6a. 10

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Ang ulilang lupaing malaon nang tigang ay muling sasaya,
mananariwa at mamumulaklak ang ilang.

Ang dating ilang ay aawit sa tuwa, ito’y muling gaganda tulad ng mga Bundok ng Libano at mamumunga nang sagana, tulad ng Carmelo at Saron.

Mamamasdan ng lahat ang kaningningan at kapangyarihan ng Panginoon.

Inyong palakasin ang mahinang kamay, at patatagin ang mga tuhod na lupaypay, ito ang sabihin sa pinanghihinaan ng loob:

“Huwag kang matakot, laksan mo ang iyong loob,
darating na ang Panginoong Diyos, at ililigtas ka sa mga kaaway.”
Ang mga bulag ay makakikita, at makaririnig ang mga bingi;
katulad ng usa, ang pilay lulundag, aawit sa galak ang mga p**i.

Ang mga tinubos ng Panginoon ay babalik sa Jerusalem,
masiglang umaawit ng pagpupuri.
Paghaharian sila ng kaligayahan.
Lungkot at dalamhati ay mapapalitan ng tuwa at galak magpakailanman.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10

Halina, Panginoong D’yos
upang kami ay matubos.

Ang maaasahang lagi’y Panginoon,
panig sa naaapi, ang Diyos na hukom,
may pagkaing handa, sa nangagugutom.

Halina, Panginoong D’yos
upang kami ay matubos.

Pinalaya niya ang mga nabihag;
isinasauli, paningin ng bulag;
lahat ng inapi ay itinataas,
ang mga hinirang niya’y nililingap.

Halina, Panginoong D’yos
upang kami ay matubos.

Isinasanggalang ang mga dayuhang
sa lupain nila’y doon tumatahan;
tumutulong siya sa balo’t ulila,
masamang balangkas pinipigil niya.

Halina, Panginoong D’yos
upang kami ay matubos.

Walang hanggang Hari, ang Diyos na P**n!
Nabubuhay lagi ang Diyos mo, Sion!

Halina, Panginoong D’yos
upang kami ay matubos.

IKALAWANG PAGBASA
Santiago 5, 7-10

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol Santiago

Kaya nga’t magtiyaga kayo, mga kapatid, hanggang sa pagdating ng Panginoon. Tingnan ninyo ang magsasaka. Buong tiyaga niyang hinihintay ang mahalagang bunga ng kanyang bukirin, at ang pagpatak ng una at huling ulan. Dapat din kayong magtiyaga. Tibayan ninyo ang inyong loob, sapagkat nalalapit na ang pagdating ng Panginoon.

Huwag kayong maghinanakitan, mga kapatid, upang hindi kayo hatulan ng Diyos, sapagkat malapit nang dumating ang Hukom. Mga kapatid, tularan ninyo ang mga propetang nagsalita sa ngalan ng Panginoon. Buong tiyaga silang nagtiis ng kahirapan.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Isaias 61, 1

Aleluya! Aleluya!
Espiritu ng Maykapal
nasa akin upang hat’dan
ang mga dukha ng aral.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 11, 2-11

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon: Nabalitaan ni Juan Bautista, na noo’y nasa bilangguan, ang mga ginagawa ni Kristo.

Kaya’t nagsugo si Juan ng kanyang mga alagad at ipinatanong sa kanya, “Kayo po ba ang ipinangakong paririto, o maghihintay pa kami ng iba?” Sumagot si Hesus, “Bumalik kayo kay Juan at sabihin sa kanya ang inyong narinig at nakita: nakakikita ang mga bulag, nakalalakad ang mga pilay, gumagaling ang mga ketongin, nakaririnig ang mga bingi, muling nabubuhay ang mga patay, at ipinangangaral sa mga dukha ang Mabuting Balita. Mapalad ang taong hindi nag-aalinlangan sa akin!”

Pag-alis ng mga alagad ni Juan, nagsalita si Hesus sa mga tao tungkol kay Juan: “Bakit kayo lumabas sa ilang? Ano ang ibig ninyong makita? Isa bang tambo na inuugoy ng hangin? Ano nga ang ibig ninyong makita? Isang taong may maringal na kasuutan? Ang mga nagdaramit ng maringal ay nasa palasyo ng mga hari! Ano nga ba ang ibig ninyong makita? Isang propeta? Oo. At sinasabi ko sa inyo, higit pa sa propeta. Sapagkat si Juan ang tinutukoy ng Kasulatan: ‘Narito ang sugo ko na aking ipinadadalang mauuna sa iyo; ihahanda niya ang iyong daraanan.’ Sinasabi ko sa inyo: sa mga isinilang, wala pang lumilitaw na higit na dakila kay Juan Bautista; ngunit ang pinakaaba sa mga taong pinaghaharian ng Diyos at dakila kaysa kanya.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN

Ama ng lahat ng kasiyahan, dinggin Mo kami!

Para sa lahat ng Katoliko sa buong mundo: Nawa ang Adbiyento ay maging bukal ng biyaya at pag-asa habang pinananabikan natin ang pagdiriwang ng Kaarawan ng Panginoon. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa at lahat ng iba pang pinunong espirituwal: Nawa mapukaw nila sa atin ang tiwala’t pananalig habang nagsisikap silang tumugon sa maraming hamon ng ating panahon. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng nalilito’t di makakita ng kahulugan sa kanilang gawai’ t pagdurusa: Nawa ang tapat nating pagtulong ay magdulot ng kailangan nilang liwanag at pampasigla. Manalangin tayo!

Para sa mga sumusunod sa mga maling mesiyas ng pakinabang, kasikatan, kasiyahan, at kapangyarihan: Nawa maisip nilang si Hesus lamang ang ganap na makatutugon sa pinakahahangad nila. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng biktima ng digmaan at ibang anyo ng karahasan sa Ukraine, Iraq, Palestina, Israel, Syria, at iba pang panig ng mundo: Nawa ang espiritu ng kapatirang dulot ni Hesukristo ay maging bukal ng kasiyahan at kaligtasan para sa kanila. Manalangin tayo!

Para sa ating lahat: Nawa ang kagalakan ng ating pananabik sa pagbabalik ng Panginoon ay magdulot ng tunay na pagba- bago sa ating buhay Kristiyano. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga sariling kahilingan. Manalangin tayo!

O Diyos Ama, kahabagan Mo ang maraming nagtitiis ngayon ng iba’t ibang anyo ng kahirapan. Ipadama Mo ang nakagiginhawang pamamalagi ng Iyong Anak na si Hesus, pagkat siya lamang ang aming pag-asa at kaligtasan, at nabubuhay at naghahari nang walang hanggan.

Amen!

🩷

GrahamGiggles: Express Joy in Sharing and Caring! ✨A sweet fundraising activity by Fioretti Di Don Orione, where all of ...
11/12/2025

GrahamGiggles: Express Joy in Sharing and Caring! ✨
A sweet fundraising activity by Fioretti Di Don Orione, where all of the proceeds will go to the elderly of our chosen charity institutions this Christmas season.
Indulge in our delightful flavors:
🍰 Cheesy de Fruta
🥭 Mango Graham
🍪 Oreo Graham
And help us spread even more love through our donation drive:
Gift One Lolo or Lola This Christmas 🎁 — Your kindness will bring comfort, joy, and hope to our dear elderly.
Your generosity means so much to us.
May God bless you and your family always.
Merry Christmas! ✨


22/11/2025

Happening Now:
MDPPOYM - YOUTH CAMP 2025 at St. Orione Luigi Seminary

Maligayang kapistahan, Ina ng Divina Probidensiya! Aming Mahal na Ina, Ipanalangin mo kami!
20/11/2025

Maligayang kapistahan, Ina ng Divina Probidensiya!

Aming Mahal na Ina, Ipanalangin mo kami!

"𝐇𝐨𝐰 𝐠𝐨𝐨𝐝 𝐚𝐧𝐝 𝐩𝐥𝐞𝐚𝐬𝐚𝐧𝐭 𝐢𝐭 𝐢𝐬 𝐰𝐡𝐞𝐧 𝐆𝐨𝐝’𝐬 𝐩𝐞𝐨𝐩𝐥𝐞 𝐥𝐢𝐯𝐞 𝐭𝐨𝐠𝐞𝐭𝐡𝐞𝐫 𝐢𝐧 𝐮𝐧𝐢𝐭𝐲."— 𝐏𝐬𝐚𝐥𝐦𝐬 133:1Kami ang 𝐅𝐚𝐭𝐢𝐦𝐚 𝐘𝐨𝐮𝐭𝐡 𝐌𝐢𝐧𝐢𝐬𝐭𝐫𝐲 ng M...
19/11/2025

"𝐇𝐨𝐰 𝐠𝐨𝐨𝐝 𝐚𝐧𝐝 𝐩𝐥𝐞𝐚𝐬𝐚𝐧𝐭 𝐢𝐭 𝐢𝐬 𝐰𝐡𝐞𝐧 𝐆𝐨𝐝’𝐬 𝐩𝐞𝐨𝐩𝐥𝐞 𝐥𝐢𝐯𝐞 𝐭𝐨𝐠𝐞𝐭𝐡𝐞𝐫 𝐢𝐧 𝐮𝐧𝐢𝐭𝐲."
— 𝐏𝐬𝐚𝐥𝐦𝐬 133:1

Kami ang 𝐅𝐚𝐭𝐢𝐦𝐚 𝐘𝐨𝐮𝐭𝐡 𝐌𝐢𝐧𝐢𝐬𝐭𝐫𝐲 ng Mother of Divine Providence Parish Orionine Youth Ministry, ay handa nang sumalya sa isang espesyal na lakbay na puno ng saya, pag-asa, at kwento ng kabataan.

𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗖𝗮𝗺𝗽 𝟮𝟬𝟮𝟱
𝗦𝗔𝗟𝗬𝗔: 𝗦𝗮𝗺𝗮-𝘀𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗟𝗮𝗸𝗯𝗮𝘆, 𝗦𝗮𝗺𝗮-𝘀𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴-𝗮𝘀𝗮
🗓️𝗡𝗼𝘃𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿 𝟮𝟮–𝟮𝟯, 𝟮𝟬𝟮𝟱
📍𝗦𝗮𝗶𝗻𝘁 𝗟𝘂𝗶𝗴𝗶 𝗢𝗿𝗶𝗼𝗻𝗲 𝗦𝗲𝗺𝗶𝗻𝗮𝗿𝘆

Sabay-sabay nating mararanasan ang tuwa, dasal, at kwentuhan na huhubog sa atin bilang pamilyang naglalakbay na may pag-asa.
𝙏𝙖𝙧𝙖, 𝙎𝘼𝙇𝙔𝘼 𝙣𝙖 ✨






Address

Fatima Chapel, Mother Of Divine Providence Parish, P34X+3X5, Metro Manila
Quezon City
1119

Opening Hours

6am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Our Lady Of Fatima Chapel - Payatas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share