KASAYSAYAN NG KAPILYA NG STO. ROSARIO
Noong taong 1982, ang pook na ito na wala pang pangalan ay isa masukal na lugar na kakauting tao pa lamang ang nanahan dito na nagmula pa sa iba’t – ibang lalawigan. Tahimik ang lugar, malamig pa ang simoy ng hangin, at ang tanging maririning mo lamang ay ang mga huni ng ibon, ang lagaslas ng tubig sa gilid ng palay. Ang mga naninirahan dito ay simple at payak
ang pamumuhay, iilan lamang ang may trabaho at ang tanging pagtatanim ng palay, mais, kamoteng kahoy, at mga gulay ang mapagkunan ng kanilang ikinabubuhay. Ang tubig na sa isang balon nagmula ang siyang pinagkukunan ng inumin at pang gamit sa bahay. Sa gabi ay napakadilim pa ng paligid, tanging ilaw ng lampara lamang ang tumatanglaw sa mga kabahayan. Di naglaon, nadagdagan at dumadami na ang naninirahan dito. May nabuong NGO’s na siyang tumatayong nangangalaga nang kapayapaan at kaayusan sa lugar, sa katauhan nina Ginoong Romeo Talosig at Avelino Ocampo, at iba pang kasama nito. Kapanahunan noon ni Alkalde Gragido Simon Jr., itinalaga niya si G. Domigo Canero, bilang kapitan. Sa buong nasasakupan ng pook, nagtalaga rin ng mga opisyal dito, si G. Romeo Talosig bilang Ex-o at mga purok lider, pinagbaha-bahagi ito sa pitong purok: area 1 ay si G. Ernesto Silvestre, area 3 Gng. Minda Fowler, area 4 G. Danny Pedrosa, area 5-A Gng. Lucia Soriano, area 5-B, Gng. Rosa Tamor, area 6-A G. Arturo Bugarin Sr., area 6-B G. Gil Ilustre at sa area 7 naman ay si G. Vic Hermosa. Maayos na naisulong ang pamamalakad kahit payak ang kalagayan ng mga tao. Nagsumikap ang mga opisyal na magtayo ng Day Care Center na siyang ginagawang pagdadarausan ng pagpupulong, aktibidades at mga silid aralan ng mga kabataan. Mapalad ang lugar na ito sa pagkakaroon ng unang g**o na kumalinga sa mga batang maralita sa katauhan ni Gng. Estelita Satera. Pinagdugtung-dugtong ng mga plywood, kahoy, at yero ang ginamit na materyales upang mabuo lamang ang istraktura, ang mga upuan ng mga bata ay putol putol na kahoy na pinagtagpi-tagpi upang magamit na upuan ng mga mag-aaral. Naging masikip ang mga opisyal, nagkaroon pa ng karagdagan maliit na silid sa gawing kaliwa upang magamit na piitan upang madispilina ang mga taong gumagawa nang hindi mabuti at labag sa batas. Lumipas ang mga taon marami na ang mga taong nagnanais magkaroon ng dalanginan ang nasabing lugar at napagisipan ng mga namumuno na kailangan na magkaroon ng maging sentro ng pananampalataya. Dahil ang karamihan sa kanila ay may debosyon kung kaya’t naisip nil ana magkaroon ng imahen upang magsilbing inspirasyon at ihango sa pangalan ng Kapitan na si Domingo Canero, kung kaya’t ang patron na nais nila ay ang patron ng Sto. Domingo. Patuloy na dumarami ang mga taong nakikisimpatya at nakikiisa sa mga gumaganap na lider dahil dito sila ay naghanap ng ng donor ng Poonat hindi sila nabigo. Nakilala nila si Ginoong Teodoro Vergara, isang negosyante na kalapit bahay lamang. SIya ay nangakong magbibigay ng kanilang hinihiling. Naging masigasig ito lingid sa aming kaalaman siya pala ay nagpapagawa ng rebulto sa malayong pook ng Paete, Laguna. Ipinagkaloob niya sa mga taong humiling ang nasabing rebulto at sa laking gulat at tuwa ay nagpasya agad sila na ito’y pabasbasan sa Antipolo, sa Parokya ng Nuestra Seniora De Buenaviaja. Pagdating nila doon ay wala ng misa ipinaiwan na lamang ito upang sa susunod na misa ay mapabasbasan na. Sa lanilang pagbabalik, ipinatawag agad nila si Gianang Alice Villafranca Omega upang tingnan ang larawan at tumambad sa kanila ang lawaran na taliwas sa kanilang inaasahan na ito’y kanilang ipinamalita
Upang masagot ang di inaasahang pangyayari nagsadya si G. Avelino Ocampo sa pinakamalapit na Parokya, ang Parish of Holy Spirit. Ipinaliwanag sa kura paroko na ito’y larawan ng Birheng Maria sa katauhan ni Sto. Rosario na ang magiging kapistahan nito ay sa buwan ng oktubre na sa panahong iyo ay nalalapit na ito. Kung kaya’t itinakda kaagad ang kauna-unahang kapistahan ng Sto. Rosario noong ika-18 ng Okrubre, 1986 sa pangunguna at nagdaos ng banal na misa ang kura paroko ng Holy Spirit na noo’y si Rev. Roy Rosales. Dito na rin nagsimula ang ating pagsasakop sa Parokyang ito at maraming mga aktibidades na nakaakit sa bawat isa kung kaya’t nagkaroon ng iba’t – ibang organisasyon ng mga sinamahan ang mga taga Sto. Rosario katulad ng Legion of Mary, Apostolado ng Panalangin at ang pagsama sa Charismatic Prayer Group at iba pa. Patuloy ang pagdami ng mga tao sa pook kasabay ang pagdami ng mga nanampalatay gayundin ang mga namumuno na naisasalin din ang tungkulin sa bawat nagnanais simula kay G. Romero Talosig na di naglaon ay Gng. Alice Villafranca Omega at sa taong 1993 ay itinataga si Gaudiosa Castro na kilala sa tawag na Sister Diosa. Sa kabila ng aming matiwasay na pagsasama sa ilalim ng Holy Spirit Parish hindi naming inaakala na magkakaroon ng pagbabago sa dahil daw sa katayuan ng lugar ng Parokya na dapat sumasakop sa kapilya ng ay ang Parokya ng Mabuting Pastol ang lugar na nasasakupan ng National Government Center hindi ito lingid sa kaalamn na bagong kura paroko noon ng Holy Spirit na si Fr. Reu Bungay na ayon dito ay hindi niya ipapaubaya ang Sto. Rosario na makuha ng ibang Parokya. Ngunit di naglaon ay napapayag na rin kaming mga namumuno sa matiyagang paliwanag ng mga madre na sina yumaong Sr. Anita Bello ICM at Sr. Simon Coene ICM. Madalas ang kanilang paanyaya na dumalo ang mga lider sa mga pag-aaral at paghubog sa aming mga namumuno upang matutuhan ang pamamalagad pamparokya. Nagpatuloy ang pag-usad ng panahon sa gabay pa rin ng mga pari at madreng CISM. Maraming Programa inilunsad kasama na rito ang programang pag-iimpok at naging aktibo ito, di nag laon upang magkaroon pa ng maraming serbisyo ito’y ginawa ng kooperatiba na kung tawagin ay Mabuting Pastol Multi Purpose Cooperative hanggang sa kasalukuyan ay nariyan parin. Sa taong 1995 sinubukang yanigin muli ng mga sibikong lider ang katatagan ng mga namumuno nang mga sibikong lider ay nagdala ng materyales at ang tinuran ay magtayo sila sa harap ng kapilya ng isang Health Center. Salamat na lamang sa mga taong handing ipaglaban ang ating kristyano may katuwang upang ipaglaban na di matuloy ang nasabing proyekto sa pamamagitan ni Gng. Winnie Baguis at grupong El Shaddai na sa panahong iyon ay naging aktibo sa kapilya, sila ang gumawa ng paraan kasama ang ibang layko upang ito’y mapigilan. Isa pang kabutihan ng Diyos na ipnagkaloob sa pamayan ng Sto. Rosario ay ang pagkakaroon naming ng isang pari na tumutulong upang mapalaki ng bahagya ang kapilya sa katauhan ni Fr. Elgar Bautista, CICM. Malakas ang charisma niya sa sa tao at handing tumulong at isa kami sa kanyang tinutulong upang magkaroon ng extension ang lugar na aming dalanginan. Dahil sa pangyayaring iyon nagalit sa pamunuan ng Sto, Rosario ang kura parokro na si Rev. Fransico Guivaerta na siyang kura paroko ng Mabuting Pastol kung kami ay napapaloob dahil sa hindi naming pagpaalam, na para samin ay wala naming masama dahil pari din naman ang nanguna sa pagpapagawa nito. Nguti hindi nagtagal ang nagsabing usapan ay naayos din. Lumipas ang taon papalit – palit ang pari gayon din ang mga taong nagsisilbi sa kasalukuyan kami ay nanatili sa Parokya ng San Jose ang Tagapagtaggol. Sa kasalukuyan ang Sto. Rosario Chapel ay nasa lalim ng Parokya ni San Jose ang “Tagapagtanggol” sa pangunguna ni Rev. Jerome Ponce, OFM at ang kapilya ay sa pamamahala ni Gng. Rosalina Organisa. Bilang karagdagan Ipinagdiriwang ang kapistahan ng Birhen ng Santo Rosario tuwing ika-3 linggo sa buwan ng oktubre.