SILP-Catechetical Ministry

SILP-Catechetical Ministry The Catechetical Ministry is the ministry of Children's serving for our Lord in San Isidro Labrador.

"Mag-ibigan kayo gaya ng pag-ibig ko sainyo" wika ni Hesus.Bago lumisan ang Panginoon upang bumalik sa kaniyang kaharian...
05/05/2024

"Mag-ibigan kayo gaya ng pag-ibig ko sainyo" wika ni Hesus.

Bago lumisan ang Panginoon upang bumalik sa kaniyang kaharian sa langit, ang kaniyang mga alagad, at tayo bilang alagad ay kaniyang tinagubilinan na mag-ibigan kahalintulad ng kaniyang pag-ibig sa atin. Ang pag-ibig na marunong mag sakripisyo, pagmamahal na walang kapantay, at walang hinihintay na kapalit.

Gayon din, ang pag-ibig sa isang kaibigan ay napakabusilak. Ito ay hindi nag-ugat sa obligasyon o pangangailangan, bagkus ito ay busilak na mula sa iyong puso. Halintulad nito ay ang pag-ibig na iniuukol sa atin ng Panginoon, pag-ibig na walang tinatangi, pag-ibig na puro, sa kabila ng bawat nating kamalian at kahit na tayo ay paminsang naliligaw ng landas. Tayo ay mga kaibigan ni Kristo dahil ang pagmamahal natin ay tulad ng pagmamahal ni Kristo

~ Pagninilay ni Reb. Pd. Qhriz Santos





๐Ÿ“ทโœ๏ธ: Marissa Santiago

๐™ผ๐šŠ๐š™๐šŠ๐š™๐šŠ๐š•๐šŠ๐š ๐šŠ๐š—๐š ๐š–๐š๐šŠ ๐š—๐šŠ๐š—๐š’๐š—๐š’๐š ๐šŠ๐š•๐šŠ ๐š”๐šŠ๐š‘๐š’๐š ๐š‘๐š’๐š—๐š๐š’ ๐š—๐š’๐š•๐šŠ ๐šŠ๐š”๐š˜ ๐š—๐šŠ๐š”๐š’๐š๐šŠSa kabila ng kahinaan, takot, at pagdadalawang isip ng mga apost...
07/04/2024

๐™ผ๐šŠ๐š™๐šŠ๐š™๐šŠ๐š•๐šŠ๐š ๐šŠ๐š—๐š ๐š–๐š๐šŠ ๐š—๐šŠ๐š—๐š’๐š—๐š’๐š ๐šŠ๐š•๐šŠ ๐š”๐šŠ๐š‘๐š’๐š ๐š‘๐š’๐š—๐š๐š’ ๐š—๐š’๐š•๐šŠ ๐šŠ๐š”๐š˜ ๐š—๐šŠ๐š”๐š’๐š๐šŠ

Sa kabila ng kahinaan, takot, at pagdadalawang isip ng mga apostol, si Hesus ay nagbigay sa kanila ng kapatawaran sa pamamagitan ng pagbibigay ng kapayapaan at espirito santo. Kaya naman, h'wag nawa tayong magkaroon ng mahinang pananampalataya sa Panginoon. Siya ay ating Panginoong muling nabuhay, makita man natin ito sa ating mga mata o hindi, maipasok man natin ang ating daliri sa butas ng kaniyang tagiliran o hindi, huwag nawa tayong mag-alinlangan sa ating Panginoon.

~ Pagninilay ni Reb. Pd. Hercules Sambajon





๐Ÿ“ทโœ๏ธ: Marissa Santiago

Good Friday | Prusisyon ng Santo Entiero   ๐Ÿ“ทโœ๏ธ: Marissa Santiago
29/03/2024

Good Friday | Prusisyon ng Santo Entiero





๐Ÿ“ทโœ๏ธ: Marissa Santiago

Ngayong ika-limang linggo ng kuwaresma, ipinaaalala sa atin ang katagang "Let Go and Let God". Ating isuko sa Panginoon ...
17/03/2024

Ngayong ika-limang linggo ng kuwaresma, ipinaaalala sa atin ang katagang "Let Go and Let God". Ating isuko sa Panginoon ang mga bagay na ating pinangangambahan, sapagkat siya'y ating kasangga sa ano mang hamon. Malalo pa't ang Diyos ay may tipan sa atin, ang lumang tipan na nagpapakita ng kasunduan ng Diyos at ng Tao. At ang Bagong Tipan na siyang nagpapalalim sa ating kasunduan sa Panginoong Diyos.

Kung ating isusuko ang ating sarili sa Panginoon, ang kaniyang presensiya ay dadalhin tayo sa tunay na kaligayahan-ang tunay na buhay. Sa pagdurusa o tagumpay, sa kaligayahan o kahirapan ang kaluwalhatian ng Diyos ay ating nadarama at patuloy na madarama kung ating isusuko sakaniya ang ating sarili.

~Pagninilay ni Reb. Pd. Qhris Santos

๐Ÿ“ทโœ๏ธ: Marissa Santiago


Ngayong linggo, atin itong ginugunita bilang linggo ng Kagalakan, sapagkat ito ay pagpalamalas na may katiyakan ang pagd...
10/03/2024

Ngayong linggo, atin itong ginugunita bilang linggo ng Kagalakan, sapagkat ito ay pagpalamalas na may katiyakan ang pagdating ng kaligtasan at hindi magtatagal ay magaganap na ang pangakong pagliligtas ng Diyos para sa sangkatauhan. Papalapit na ang muling pagkabuhay ng Panginoon kaya naman lumalabas na ang bahid ng kagalakan at katuwaan.

Wala na tayong mahihiling pa sa Panginoon, kaniya nang ibinigay sa atin ang kaniyang bugtong na anak. Sapagkat, Kung ang sarili niyang anak ay nakaya niyang ibigay, ano pa kaya ang hindi niya kayang ibigay sa atin na makabubuti sa atin? kaya naman, h'wag tayong mawalan ng pag-asa. Dumating si Kristo bilang liwanag na siyang tatanglaw sa atin upang tayo ay makatahak sa landas tungo sa kaligtasan. H'wag tayong padaig sa dilim, sa kasamaan, o kasalanan. Itaguyod natin ang buhay ng kabanalan na siyang itinuro sa atin ng Panginoon. Hindi kapahamakan o kaparusahan ang hangad ng diyos sa ating lahat kundi kaligtasan at buhay na walang hanggan.

~ Pagninilay ni Reb Pd Hercules Sambajon

๐Ÿ“ทโœ๏ธ: Marissa Santiago



Ang ikatlong lingggo nang kuwaresma ay nagpapaalala sa atin ng pagiging totoong tao at totoong Diyos ng Panginoong Hesuk...
03/03/2024

Ang ikatlong lingggo nang kuwaresma ay nagpapaalala sa atin ng pagiging totoong tao at totoong Diyos ng Panginoong Hesukristo. Gayon din, ating pinagninilayan sa linggong ito ang pagsamba natin sa Panginoon bilang kalooban ni Hesukristo sa atin.

Ang puso ng ikatlong linggo na ito ay ang pagtuturo sa atin sa kung ano ang maaring maibunga ng pagninilay at pagsamba sa Panginoon. Ito ay ang pagkatuto natin sa direksyon ng pagsamba, pagkakaroon natin ng kaalaman sa kagustuhan ng panginoon, pagkakaroon ng pagnanais na kamuhian ang kasamaan at palaganapin ang kabutihan, at malaman ang puso ni Hesus.

Sa patuloy nating pagsisimba, nawa patuloy na maging totoo at ganap ang ating paniniwala at pagtugon Panginoon.

~ Pagninilay ni Reb. Pd. Qhris Santos

๐Ÿ“ทโœ๏ธ: Marissa Santiago



Ang panalangin na may kababaan ng loob at may pagsunod sa kanaisan ng Panginoon ay ang panalanging kinalulugdan ng Diyos...
11/02/2024

Ang panalangin na may kababaan ng loob at may pagsunod sa kanaisan ng Panginoon ay ang panalanging kinalulugdan ng Diyos.

Sino sa panahon ngayon ang mga ketongin? Ito ngayon ay hindi lamang ang mga may sakit, ito rin ay mga taong napapabayaan, nalulungkot, at nahihirapan. At dahil dito, nawa ay maging tulad tayo ni Hesus, na hindi natakot mahawaan kundi kaniyang mas piniling tumulong at bigyan ng pag-asa ang taong ketongin na nangangailangan, dahil iyan ang kagustuhan ng Diyos.

Ating tandaan, Dahil sa ating mga kasalanan tayo ay nagiging katulad ng taong may ketong, kaya naman nawa tayo ay lumapit, magpakababa, at dumalangin ng awa at pagpapagaling ng Panginoon. Nawa ay magkaroon tayo ng pusong mapagpakumbaba upang lumapit sa ating Panginoon at upang kaniya tayong kalugdan.

~ Pagninilay ni Reb Pd. Hercules Sambajon





๐Ÿ“ทโœ๏ธ: Marissa Santiago

Hindi ibibigay sa atin ng Diyos ang problema kung ito ay hindi natin kayang masolusyonan. Ang Panginoon ay mayroong tatl...
04/02/2024

Hindi ibibigay sa atin ng Diyos ang problema kung ito ay hindi natin kayang masolusyonan.

Ang Panginoon ay mayroong tatlong bagay na nais ipaalala sa atin bilang kaniyang mga disipolo. Una, Lahat ng tao ay dumaranas ng pagdurusa o problema. Ngunit pinapaalala sa atin na huwag nating tingnan ang isang problema bilang problema, tingnan natin ito bilang pagsubok at oportunidad na umunlad. Ikalawa, palagian nawa nating makita ang biyaya ng diyos sakabila ng marami nating pagdurusa. Alalahanin nating magnilay at intindihin ang kaniyang mga pamamaraan.
Ikatlo, Matapos nating tanggapin ang biyaya ng Diyos, ang susunod nating hakbangin ay marapat na ating ipamahagi ito sa iba. Ang regalo at biyayang mula sa Panginoon ay gawin nating regalo at biyaya para sa ating kapwa.

~ Pagninilay ni Reb. Pd. Qhris Santos





โœ๏ธ๐Ÿ“ท: Marissa Santiago

Tayo ay inaanyayahan ng Panginoon na siya ay mas kilalanin at alamin kung ano nga ba ang ating hinahanap. Tayo ay kaniya...
14/01/2024

Tayo ay inaanyayahan ng Panginoon na siya ay mas kilalanin at alamin kung ano nga ba ang ating hinahanap. Tayo ay kaniyang inaanyayahan na manahan sakaniya, kilalanin ang kaniyang pagiging Diyos, maranasan ang kaniyang pagiging Diyos. at magkaroon ng malalim na ugnayan sa kaniya bilang ating Panginoon.

Ang resulta ng anyayang ito ay ang pagnanais ng Panginoon na ibahagi natin sa iba ang Hesus na ating nakiklala, upang ito ay makilalala din ng iba at maranasan din nila ang pag-ibig at pagpayapa sa piling ng Kristong Hesus. sa ganitong gawi, ito ay ang maging kahulugan ng ating buhay. Tandaang maitatago lamang natin si Kristo sa ating buhay kung siya ay ibabahagi natin sa iba lalo na sa mga lubos na nangangailangan sakaniya .

~ Pagninilay ni Reb. Pd. Hercules Sambajon

๐Ÿ“ทโœ๏ธ: Marissa Santiago



Ngayong huling araw ng taong 2023, ating ginugunita ang kapistahan ng banal na Pamilya (Holy Family). Ang pamilya ni Hes...
31/12/2023

Ngayong huling araw ng taong 2023, ating ginugunita ang kapistahan ng banal na Pamilya (Holy Family). Ang pamilya ni Hesus na siyang ating modelo sa pag-ibig para sa ating ama at ina.

Sa huling araw ng taon, ipinaaalala sa atin ang bilin ng Panginoon. Para sa mga anak sundin ninyo ang inyong mga magulang sapagkat iyan ay kinalulugod ng Panginoon. Para sa ama at ina, ibigin ninyo ang inyong pamilya kahalintulad ng pag-ibig ni Maria at Jose sa kanilang banal na pamilya.

Ating alalahanin na sa pamilya magsisimula ang unang katekesis, kung saan matutunan ng mga anak ang mga bagay na may patungkol sa Panginoon. Ang pananalangin, ang pagsisimba, at ang isa sa sa sampong
utos ng Panginoon na igalang mo ang iyong ama at ina. Upang maging matibay ang isang pamilya, kinakailangang ito ay naka-ugnay sa Diyos. Huwag tayong padadaig sa mga bagay na sumusubok na pagwatak-watakin ang ating pamilya. Panatilihin nating sagrado ang ating pamilya, kahalintulad ng pamilyang mula sa nazareth.

~ Pagninilay ni Reb. Pd. Hercules Sambajon

โœ๏ธ๐Ÿ“ท: Marissa Santiago



โแดฌโฟแต แดพแตƒหขแตแต’ แตƒสธ โฟแตƒแตแต‡โฑแต‡โฑแตแตƒสธ หขแตƒ แตƒแต—โฑโฟ โฟแต แต–แตƒแตแตแตƒแตแตƒแต—แตƒแต’โฟแต สฐแต˜แตโฑโฟแต—แต’ แตƒแต— แต–แตƒแตโฟโฑหกแตƒสธแตƒโฟ แตƒโฟแต แตแตแตƒ แตแตƒสฐแตƒสฐแตƒหกแตƒแตแตƒโฟแต แต‡แตƒแตแตƒสธ หขแตƒ แตƒแต—โฑโฟแต แต–แตƒหกโฑแตโฑแตˆ.โž โป แดฐ...
24/12/2023

โแดฌโฟแต แดพแตƒหขแตแต’ แตƒสธ โฟแตƒแตแต‡โฑแต‡โฑแตแตƒสธ หขแตƒ แตƒแต—โฑโฟ โฟแต แต–แตƒแตแตแตƒแตแตƒแต—แตƒแต’โฟแต สฐแต˜แตโฑโฟแต—แต’ แตƒแต— แต–แตƒแตโฟโฑหกแตƒสธแตƒโฟ แตƒโฟแต แตแตแตƒ แตแตƒสฐแตƒสฐแตƒหกแตƒแตแตƒโฟแต แต‡แตƒแตแตƒสธ หขแตƒ แตƒแต—โฑโฟแต แต–แตƒหกโฑแตโฑแตˆ.โž โป แดฐแตƒแต›โฑแตˆ แถœแตƒแตแต‰สณแต’โฟ

Tunay na ang kapaskuhan ay may hatid na kakaibang kasiyahan sa puso at buhay ng bawat isa, sa kabila ng anumang pinag daraanan. Nito lamang ika-19 ng Disyembre 2023, ginanap ang Christmas Party ng Catechetical Ministry.

Ang Christmas Party ng Catechetical Ministry ay sinimulan sa pamamagitan ng munting catechesis, na patungkol sa pagpapabatid sa mga kabataan patungkol sa kahalagahan ng ating paggunita sa araw ng kapanganakan ng Panginoong Hesukristo.

Ngayong kapaskuhan, atin itong ipagdiwang ng may ngiti, pag-ibig, pakikibahagi, at pagbabahagi sa kapwa sa ating mga puso. Ating buksan ang ating mga tahanan para sa pagdating ng mesiyas na siyang tagapag ligtas.

Mula sa ๐˜Š๐˜ข๐˜ต๐˜ฆ๐˜ค๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ต๐˜ช๐˜ค๐˜ข๐˜ญ ๐˜”๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ด๐˜ต๐˜ณ๐˜บ, ipagdiwang natin ang kapaskuhan ng ligtas at masagana. ๐™ˆ๐™–๐™ก๐™ž๐™œ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™จ๐™ ๐™ค sa ating lahat!!โœจ

๐Ÿ“ทโœ๏ธ: Marissa Santiago

Address

Philan Drive, Pasong Tamo
Quezon City
1107

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SILP-Catechetical Ministry posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share