Every village Every home Evangelistic mission

Every village Every home Evangelistic mission Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Every village Every home Evangelistic mission, Religious organisation, caliraya Street, Quezon City.

ANOTHER STORY OF OUR STREET PREACHING MINISTRY at Novaliches Public Market Quezon City-(04/07/2022-8AM)Nagagalak sa puso...
07/04/2022

ANOTHER STORY OF OUR STREET PREACHING MINISTRY at Novaliches Public Market Quezon City-(04/07/2022-8AM)

Nagagalak sa puso na sa tuwing nangangaral kami may mga tao na nagpatotoo na silay nakikinig sa aming pangangaral.
May isang matandang babae, pagkatapos ng aming pangangaral lumapit sa amin at nagpatotoo na siya ay matagal nang naka upo at nakikinig sa aming pangangaral, pagkatapos ng aming kunting kwentuhan ay nabigla kami ng humingi siya ng mga babasahin, nagkataon na wala kaming na imprenta, tiyempo naman na dumating ang aking kaibigan kapatid sa pananampalataya at nais sanang ipakita yung na-imprenta na gospel tracts upang sana makatulong sa amin, kaya yun na ang aming naibigay sa matandang babae. Kwento niya ipazezerox din niya pagkatapos mabasa at ipamimibay sa iba. Nakakatuwa sa puso na may mga taong katulad nila na nagnanais na maging kabahagi sa gospel tracts distribution.
Salamat sa JUALAN FAMI.Y na nagnanais makatulong sa pag imprenta ng gospel tracts upang aming magagamit sa tracts distribution ministry nitong darating na holy week, patu.oy kayong pagpalain ng ating Panginoon.

Samahan niyo kami sa inyong palaginb pananalangin. Sa Diyos ang papuri!

ANOTHER STORY OF OUR STREET PREACHING MINISTRY-03/31/2022-8AM(Novaliches Public Market, Quezon City)Ang pangangaral sa p...
31/03/2022

ANOTHER STORY OF OUR STREET PREACHING MINISTRY-03/31/2022-8AM
(Novaliches Public Market, Quezon City)

Ang pangangaral sa pampublikong lugar minsan akala mo walang nakikinig sa sayo, lalo na sa palengke, abala ang lahat sa pamimili. Habang ako'y patuloy na nagpepreach napansin ko yung ibang vendors na nakikinig at nakatingin sa amin. Ilan sa mga nakaupo sa bangketa nakikinig sa aming ipinapangaral, ilan sa mga mamimili na napadaan ay na appreciate yung aming ginawang pangangaral, may ilan naman nagaabot ng kanilang donasyon, pero hindi namin tinatanggap dahil hindi naman kami nangangaral upang humingi ng donasyon. Ang tanging layunin namin sa pangangaral ng ebanghelyo ng Diyos ang maipaabot ang magandang balita ng Diyos sa tao, ang aral ng kaligtasan. Isa pa sa nagdagdag sa amin ng inspirasyon ay yaong mga salitang nagpapalakas sa amin mula sa kapatid sa pananampalataya.
Tunay na kumikilos ang Panginoon sa bawat pagkakataon para sa ikaliligtas ng bawat tao na walang tunay na kaugyan sa kaniya, kaya naniniwala kami at tayo na hindi maging sayang yung panahon na aming iginugol dito sa ministeryong ito. Instrumento lamang kami ng Diyos para sa kaniyang gawaing pagliligtas.

Challenge ko mga kapatid lalo na sa mga mangangaral ng Diyos na huwag po natin ikahiya ang pangangaral, humayo po tayo, pumunta tayo sa mataong lugar, magbahay-bahay. Huwag lang po tayo makita sa pulpito, tayo ang mangunguna at magpakita ng magandang halibawa na dapat tularan din ng mga kapatid upang lalo pa silang mahikayat sa gawain, ang daklang misyon na ipinagkatiwala sa atin ng Diyos.
Maging kabahagi tayo sa pagbabago ng gobeyerno, abutin natin ang taong naligaw ng landas, akayin sa panginoong Jesus.

Muli po, maraming salamat sa lahat ng mga nanalangin at nakiisa sa aming ministeryong ginagampampanan.

Naway patuloy kaming biyayaan ng panginoon ng kalakasan at pinansyal na pangangailangan upang lubos na nakatuon ang isip sa pangangaral ng salita ng Diyos. Pag tayoy nagkakaisa sa pananalangin at magtulungan sa anomang pangangailangan tunay na mayroong tayong pagtatagumpay.

Sa Diyos ang papuri!!

Another story of our STREET CHILDREN MINISYRY-(03/12/2022)Pinapasalamatan ko ang ating Panginoon sa kaniyang pagtugon sa...
12/03/2022

Another story of our STREET CHILDREN MINISYRY-(03/12/2022)

Pinapasalamatan ko ang ating Panginoon sa kaniyang pagtugon sa pangangailangan upang mabigyan ng snacks ang mga bata pagkatapos ng kanilang pagaaral.
Salamat sa Jualan family, Camarino family for contributing the snacks our children, at kay ma'am Myra Soberano Zunega for donating us 3 boxes of Zest-O.

Salamat din sa aking anak Glairha Mikkah Ambollo for celebrating her 18th birthday with these children.
Sya talaga may gusto na magpakain sa mga bata bilang kaniyang simpleng pasasalamat sa kaniyang kaarawan, nakapamigay kami ng 80 poxes of spageteefor for these children.

Tunay na pag ginusto mo may paraan, pag sinimulan mo may mga taong handang tumulong sa abor ng kanilang makakaya.

Panalangin natin ang nga kabataang ito na lumaki na ipinamumuhay ang panginoong Jesus na kanilang tinanggap sa kanilang buhay.
Naway hindi lamang ang mga batang ito ang maakay sa paaban ng ating Panginoong Jesus kundi pati ang kanilang magulang.

Ang ganda ng impact ng ating ginagawang pagtuturo kanilang community, may ilang nagulang na sila pa mismo nagpupumilit na makaattend ang kanilang mga anak at nagugustuhan ang aming ginagawa.

Samahan niyo sa inyong panalangin, at kung kinakausap kayo ng Panginoon upang maging kabahagi sa pagtugon sa pangangailan na maaring makakain ng mga bata pagkatapos ng aming pagtuturo ay maaring kayong makipag communicate sa amin. Sa ngayon kumalago ang bilang ng aming mga bata, sa ngayon nasa isabg na nga bata ang active na umaattend sa aming pagtuturo.

Purihin ang pangalan ng ating Panginoon!!!

Mark 10:13-16
[13]And they brought young children to him, that he should touch them: and his disciples rebuked those that brought them.
[14]But when Jesus saw it, he was much displeased, and said unto them, Suffer the little children to come unto me, and forbid them not: for of such is the kingdom of God.
[15]Verily I say unto you, Whosoever shall not receive the kingdom of God as a little child, he shall not enter therein.
[16]And he took them up in his arms, put his hands upon them, and blessed them.

Tayo ba ay katulad ng mga magulang na nagnanais ilapit ang mga bata kay Jesus? O katulad tayo ng mga disipolo na naging hadlang upang huwag silang makalapit kay Jesus?
Tandaan natin, sinomang lumalapit sa ating panginoong Jesus ay makakasumpong ng kaligtasan, kapayapaan, kapatawaran, kasaganaan, kapahingahan, katugununan sa mga pangangailangan, katagumpayan at maraming pang iba.

Kung mayroon lang mabigat na pinagdadaanan sa buhay lumapit ka kay Jesus at ihayag mo sa kaniya ang iyong mga kahilingan.

STREET CHILDREN MINISYRY (03/05/2022PM)(May this post serves as your inspiration)Another story of our street children mi...
10/03/2022

STREET CHILDREN MINISYRY (03/05/2022PM)

(May this post serves as your inspiration)

Another story of our street children ministry.

Iba yung galak sa puso na makita mo ang mga bata na nakikinig ng mga turo ng salita ng Diyos. Ilang mga magulang natutuwa at sila pa mismo ang nagdadala ng kanilang anak upang umatend sa pagtuturo, nagpapasalamat dahil sa panahon na ibinigay namin para sa kanilang mga anak.

Kahit sa gilid ng kalsada tuloy ang programa. Naakaka bless na kahit sakrepisyo talaga sa oras, at finansyal para gawain ng panginoon naging makabukuhan naman ito sa buhay mga bata. Tiyak kung loloobin ng panginnon na magtuloytuloy ang ministeryong ito malaki ang pagbabago na mangyayari sa buhay ng mga kabataang ito. Higit sa ipigpapasalamat namin ang kaligtasan na naibahagi sa kanila.

Samahan nyo kami sa inyong panalangin, at naway pagkalooban tayo ng Diyos ng maayos laging pangangatawan at pinansyal na pangangailangan upang magawa namin ang ministeryong ito.

STREET PREACHING MINISTRY(Kiko Camarin Public Market- 03/07/2022)(May this post serves as your inspiration)Purihin ang a...
10/03/2022

STREET PREACHING MINISTRY
(Kiko Camarin Public Market- 03/07/2022)

(May this post serves as your inspiration)

Purihin ang ating Panginoon nagawa namin ang paghahayag ng kaniyang ebanghelyo, nakapamigay ng gospel tracts at pinagpray ang bawat mga vendors na nagnanais ipanalangin.
Nakakagalak na makita ang amga taong tinatanggap ang ipinamimigay naming gospel tracs at binabasa ang mga ito. Nagawa namin ang aming bahaging ipangaral ang kaniyang salita at naway sa pagkilos ng banal na Espiritu ang mga nakarinig nakakabasa ng gospel tracs ay tumanggap sa Panginoong Jesu-Cristo bilang tagapagligtas ng kanilang buhay.
Samahan nyo kami ng inyong panalangin at lumawak pa ang maabot ng aming misyong paghahayo at maraming maliligtas.

Romans 10:1-4,9-10,13-15,17
[1]Mga kapatid, ang nais ng aking puso at ang aking panalangin sa Dios ay patungkol sa kanila, upang sila'y mangaligtas.
[2]Sapagka't sila'y pinatotohanan ko na may mga pagmamalasakit sa Dios, datapuwa't hindi ayon sa pagkakilala.
[3]Sapagka't sa hindi nila pagkaalam ng katuwiran ng Dios, at sa pagsusumakit na maitayo ang sariling kanila, ay hindi sila napasakop sa katuwiran ng Dios.
[4]Sapagka't si Cristo ang kinauuwian ng kautusan sa ikatutuwid ng bawa't sumasampalataya.
[9]Sapagka't kung ipahahayag mo ng iyong bibig si Jesus na Panginoon, at sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay siyang maguli ng Dios sa mga patay ay maliligtas ka:
[10)Sapagka't ang tao'y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas.
[13]Sapagka't, Ang lahat na nagsisitawag sa pangalan ng Panginoon ay mangaliligtas.
[14]Paano nga silang magsisitawag doon sa hindi nila sinampalatayanan? at paano silang magsisisampalataya sa kaniya na hindi nila napakinggan? at paano silang mangakikinig na walang tagapangaral?
[15]At paano silang magsisipangaral, kung hindi sila nga sinugo? gaya nga ng nasusulat, Anong pagkaganda ng mga paa niyaong mga nagdadala ng masasayang balita ng mga bagay na mabuti!
[17]Kaya nga ang paniniwala'y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo.

Address

Caliraya Street
Quezon City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Every village Every home Evangelistic mission posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share