John Mark United Methodist Church

John Mark United Methodist Church our church is an open door home and sanctuary for all people�

09/06/2022

John Mark UMC Online Prayer Ministry

08/06/2022

JOHN MARK UMC Online Prayer Ministry

31/01/2022

Join us to celebrate the National Bible Month today thru an Online & Public Bible reading today.. Let us continue to share the Holy Word of our Almighty God..

12/11/2021

John Mark UMC Online Daily Prayer Ministry

28/10/2021

Magiting na Sundalo
Oktubre 28, 2021

Basahin: Hukom 6:1, 11-16 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Jeremias 15-17; 2 Timoteo 2

Nagpakita sa kanya ang anghel ng Panginoon at sinabi, “Ikaw, magiting na sundalo, ang Panginoon ay sumasaiyo.” -Hukom 6:12

Aktibo ang labing walong taong gulang na si Emma sa paglalagay ng mga bagay tungkol kay Jesus sa kanyang social media account kahit na minsan ay maraming tao ang pumupuna sa kanyang ginagawa. Pinupuna siya ng iba dahil sa kanyang pisikal na anyo at ang iba nama’y nagsasabing hindi siya matalino dahil sa kanyang labis na dedikasyon sa Panginoon. Pero kahit na masakit ang kanyang mga nababasa at naririnig, patuloy pa rin siya sa kanyang ginagawa.

Gayon pa man, may mga pagkakataon pa rin na naaapektuhan siya sa mga panlalait ng iba at pinaniniwalaan ang mga ito. Kapag nakakaramdam siya ng panghihina ng loob dahil sa panghahamak sa kanya, ipinapanalangin niya ang mga taong gumagawa nito sa kanya at nagbubulay siya ng salita ng Dios. Sa tulong ng Banal na Espiritu, muling lumalakas ang kanyang loob.

Tulad ni Emma, hinarap rin ni Gideon ang kanyang napakalupit na mga kaaway–ang mga Midianita (HUKOM 6: 1-10) Kahit na tinawag siya ng Dios na magiting na sundalo, hindi pa rin maiwasan ni Gideon na pagdudahan ang sarili at isipin ang kanyang mga kahinaan (TAL. 11-15). Ilang beses ding pinagdudahan ni Gideon na tutulungan sila ng Dios pero dumating ang pagkakataon na mas pinairal niya ang kanyang pananampalataya sa Dios.

Kapag nagtitiwala tayo sa Panginoon, paniniwalaan natin na ang sinasabi Niya tungkol sa atin ay totoo. Kahit marami ang humahamak sa atin, laging nariyan ang Panginoon upang lumaban para sa atin. Makakalakad tayo na parang magiting na sundalo na ginagabayan ng Kanyang pag-ibig at kagandahang-loob.

Panginoon, tulungan N’yo kaming alalahanin ang Inyong pag-ibig at kagandahang-loob sa tuwing hinahamak kami ng iba. Amen

27/10/2021

Sumama sa Pagtulong
Oktubre 27, 2021

Basahin: Marcos 2:13-17 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Jeremias 12-14; 2 Timoteo 1

Naparito Ako hindi upang tawagin ang mga taong matuwid sa kanilang sariling paningin, kundi ang mga makasalanan. -Marcos 2:17

Isang grupo ng pampublikong manggagamot sa San Franciso ang nagbigay ng libreng konsultasyon at mga gamot para sa mga tao sa lansangan na nalulong sa bawal na gamot. Ang programang ito ay isang tugon sa lumalalang bilang ng mga gumagamit ng bawal na gamot na nakatira sa lansangan. Dahil dito, hindi na nila kailangang gumastos ng pamasahe para magpagamot.

Ang kabutihang-loob ng mga manggagamot na pumunta sa lansangan para tulungan ang mga lulong sa bawal na gamot ay nagpapaalala sa atin ng pagtulong ni Jesus sa panahon ng ating pangangailangan. Sa Marcos 2:16-17, tinanong ng mga Pariseong tagapagturo kung bakit kumakain si Jesus na kasama ang mga maniningil ng buwis at mga makasalanan. Sumagot naman si Jesus, “Ang mga taong walang sakit ay hindi nangangailangan ng doktor, kundi ang mga may sakit. Naparito Ako hindi upang tawagin ang mga taong matuwid kundi ang mga makasalanan.”

Kung itinuturing natin na tayo’y parang may sakit din dahil sa makasalanan tayo at nangangailangan ng doktor (ROMA 3:10), mas makikita natin kung gaano kabuti ng ating Panginoong Jesus.

Handa Siyang kumain na kasama ng mga maniningil ng buwis at mga makasalanan na tulad natin. Gaya naman ng mga manggagamot sa San Francisco, itinalaga tayo ng Panginoon upang maipahayag ang Magandang Balita ng kaligtasan sa mga nangangailangan.

Sino sa palagay mo ang nangangailangan ng gamot na mula kay Hesus?

Salamat po Panginoong Jesus dahil tinutugon Ninyo ang aking pangangailangan kahit ako’y isang makasalanan. Amen

25/10/2021

Pag-isahin
Oktubre 25, 2021

Basahin: Mangangaral 4:9-12 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Jeremias 6-8; 1 Timoteo 5

Madali kang matalo kung nagiisa ka, pero kung may kasama ka, mahirap kayong talunin. Tulad din ng lubid na may tatlong pilipit na hibla, mahirap itong malagot. -Mangangaral 4:12

Binigyan ako ng aking kaibigan ng halaman na inalagaan niya ng mahigit na apatnapung taon. Ang halaman na ito na kasing-tangkad ko ay nagbubunga ng malalaking dahon mula sa tatlong magkakahiwalay na tangkay. Paglipas ng ilang araw, bumaliko ang mga tangkay dahil sa bigat ng mga dahon. Naglagay ako ng mga pangsuporta upang maituwid ang mga tangkay.

Mga ilang araw matapos kong matanggap ang halaman, nakakita naman ako ng katulad nito sa isang tindahan. Mayroon din itong tatlong magkakahiwalay na tangkay pero pinagbuhol-buhol ang mga ito at pinag-isa upang mas tumibay. Hindi na nito kailangan ng anumang pangsuporta.

Tulad ng mga tangkay ng aking halaman na bumaliko, hindi rin magiging matibay ang samahan ng dalawang tao na magkasama nga sa loob ng maraming taon pero hindi naman nagkakaisa o nagtutulungan. Pero ang samahan naman na may pagkakaisa tulad ng pinagbuhul-buhol na tangkay ay may mas matibay at matatag na samahan sa tulong ng Dios. Ang pagsasamang ito ay tulad ng isang lubid na may tatlong pilipit na hibla na mahirap malagot (MANGANGARAL 4:12).

Tulad ng mga halaman, ang pagsasama ng mag-asawa o magkaibigan ay nangangailangan ng mabuting pangangalaga. Ang Dios ang mangangalaga sa bawat pagsasama sa pamamagitan ng pagkakaloob Niya ng pag-ibig at kagandahangloob. Iyon ang higit na kailangan upang maging masaya ang pagsasama at laging nagkakaisa. Ang Dios ang nararapat na maging sentro ng anumang relasyon.

Panginoon, Kayo po nawa ang maging sentro sa relasyon ko sa aking pamilya at mga kaibigan. Amen

15/10/2021

Sama-samang Pananalangin
Oktubre 15, 2021

Basahin: 2 Corinto 1:8-11 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Isaias 45-46; 1 Tesalonica 3

Sa tulong ng inyong mga panalangin. -2 Corinto 1:11

Madalas magtipon si Samuel Mills at ang apat niyang kaibigan para ipanalangin sa Dios na magsugo pa Siya ng mas marami pang tao na magpapalaganap sa Magandang Balita ng pagliligtas ni Jesus. Isang araw noong taong 1806, nang pauwi na sila galing sa isang pagtitipon para manalangin, naabutan sila ng bagyo at sumilong sa lugar na pinag-iimbakan ng mga dayami o haystack. Simula noon, tinawag na ang kanilang gawain na Haystack Prayer Meeting na kalauna’y naging gawaing pangmisyon sa buong mundo. May itinayo ring monumento para dito na makikita sa Williams College sa America bilang pagpapaalala sa atin kung ano ang kayang gawin ng Panginoon sa pamamagitan ng panalangin.

Nagagalak ang Panginoon sa tuwing nagsasama-sama ang Kanyang mga anak upang manalangin na parang isang pamilya, nakakaisa sa layunin at nagtutulungan sa pasanin.

Ang sama-samang pananalangin ay sama-samang paglilingkod sa Dios.

Kinilala rin ni Apostol Pablo ang malaking naitulong ng panalangin ng iba para sa kanya noong siya’y dumaranas ng paghihirap. Sinabi ni Pablo, “Iniligtas Niya kami sa malagim na kamatayan, at patuloy Niya kaming ililigtas. At umaasa kami na patuloy Niyang gagawin ito sa tulong ng inyong mga panalangin. Sa ganoon, marami ang magpapasalamat sa Dios dahil sa mga pagpapalang tatanggapin namin mula sa Kanya bilang sagot sa mga panalangin ng marami” (2 CORINTO 1: 10-11).

Sama-sama tayong manalangin upang mapapurihan din natin ang Dios dahil sa Kanyang kabutihan. Hinihintay Niya tayong lumapit sa Kanya upang sa pamamagitan nati’y magawa Niya ang Kanyang napakagandang layunin.

Ang sama-samang pananalangin ay sama-samang paglilingkod sa Dios. Amen

See you tonight for our Online Midweek Worship and Prayer Night at 6:30 pm..Ang ating Online Daily Prayer Ministry every...
14/10/2021

See you tonight for our Online Midweek Worship and Prayer Night at 6:30 pm..

Ang ating Online Daily Prayer Ministry every thursday ay gaganapin during our Midweek Worship 😊😊 God bless us all!

13/10/2021

Pinatatag Ng Awitin
Oktubre 14, 2021

Basahin: Salmo 59:1, 14-17 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Isaias 43-44; 1 Tesalonica 2

Ngunit ako ay aawit tungkol sa Inyong kapangyarihan. Tuwing umaga aawit ako nang may kagalakan tungkol sa Inyong pag-ibig. Sapagkat Kayo ang aking kanlungan sa oras ng kagipitan. -Salmo 59:6

Nang tinulungan ng mga taga-France ang mga Jewish refugee upang magtago sa mga N***s noong World War II, umawit sila sa kagubatan upang malaman ng mga refugee na ligtas na silang lumabas sa kanilang mga tinataguan. Ang mga matatapang na taong ito ng Le Chambon-sur-Lignon ang tumugon sa panawagan ni Pastor Andre Trocme at ng kanyang asawa upang kumupkop sa mga refugee sa pamamagitan ng ‘La Montagne Protestante.’ Ang ginawa nilang pag-awit at pagkalinga ay nagligtas sa napipintong kamatayan ng 3,000 Jewish refugees.

Tulad ng mga taga-France, si David ay umawit din sa kabila nang pagpapadala ng kaaway niyang si Saul ng mga mandirigma sa kanyang tahanan. Ang kanyang awit ay bilang pasasalamat niya sa Dios na kanyang kanlungan sa panahon ng panganib. Nagagalak si David at nasambit niya ang ganito, “Ngunit ako ay aawit tungkol sa Inyong kapangyarihan.

Tuwing umaga aawit ako nang may mga kagalakan tungkol sa Inyong pag-ibig. Sapagkat Kayo ang aking kanlungan sa oras ng kagipitan.” (SALMO 59:16). Umawit si David upang ipakita ang kanyang pagtitiwala sa Panginoon, “Kayo ang aking kanlungan at Dios na sa akin ay nagmamahal” (TAL. 17).

Ang pag-awit ni David at ng mga taga-Le Chambon ay nagaanyaya sa atin upang papurihan ang Panginoon sa kabila ng mga alalahanin at pagsubok na ating dinaranas. Tunay naman na tutugon ang ating mapagmahal na Dios sa pamamagitan ng pagpapatatag sa ating mga puso.

Aming Dios, patatagin N’yo ang aming puso at punuin ito ng papuri sa Inyo. Sa pamamagitan nito, mapapawi ang aming takot at sasamba kami sa Inyo. Amen

Sulit na PaghihintayOktubre 13, 2021   Basahin: 1 Tesalonica 1:1-10 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Isai...
13/10/2021

Sulit na Paghihintay
Oktubre 13, 2021

Basahin: 1 Tesalonica 1:1-10 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Isaias 41-42; 1 Tesalonica 1

Hinihintay natin nang may pananabik ang pagbabalik ng Tagapagligtas, ang Panginoong JesuCristo. -Filipos 3:20

Makikita ang isang estatwa ng asong si Hachiko sa labas ng Shibuya Train station sa Japan. Kinilala ang asong ito dahil sa pagiging tapat sa kanyang amo. Matapat na sinasamahan ni Hachiko ang amo nito sa pagsakay sa tren tuwing umaga at sinusundo rin niya tuwing hapon.

Isang araw, hindi nakabalik sa istasyon ng tren ang amo niya dahil pumanaw siya habang nasa trabaho. Pero sa loob ng mahigit siyam na taon hanggang sa mamatay, patuloy na pumupunta sa istasyon ng tren si Hachiko tuwing hapon kahit pa hindi maganda ang panahon. Umaasa at naghintay pa rin ito sa pagbabalik ng kanyang amo.

Tulad ni Hachiko, naging tapat din ang mga taga-Tesalonica. Pinuri ni Pablo ang kanilang mabubuting gawa na bunga ng kanilang pananampalataya, ang kanilang pagsisikap na bunga ng kanilang pag-ibig at ang kanilang katatagan na bunga ng matibay na pag-asa sa pagbabalik ni Jesus (1 TESALONICA 1: 3). Sa kabila ng mga oposisyon, tinalikuran nila ang dati nilang buhay at naglingkod sa Kanya habang nananabik sa Kanyang pagbabalik (TAL. 9-10).

Ang pag-asa sa pangako ng Panginoon at ang Kanyang pag-ibig ang nagsilbing inspirasyon ng mga taga-Tesalonica upang magpatuloy sa pananampalataya sa kabila ng mga paghihirap na dinanas nila. Para sa kanila, wala nang hihigit pa sa buhay na nakay Cristo. Kamangha-manghang malaman na ang Espiritu Santo na gumabay sa kanila (TAL. 5) ang siya ring gumagabay sa atin ngayon upang matapat na paglingkuran ang Panginoon habang naghihintay sa Kanyang muling pagbabalik.

Panginoon, tulungan N’yo po kami na maging matatag at huwag mawalan ng pag-asa habang naghihintay kami sa Inyong pagbabalik! Amen

12/10/2021

Isulat Ang Pangalan
Oktubre 12, 2021

Basahin: Isaias 40:25-31 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Isaias 39-40; Colosas 4

Inilabas Niya isaisa ang mga iyon habang tinatawag Niya ang kanilang pangalan. -Isaias 40:26

Sa aklat na Love Letters from God ni Glenys Nellist, hinihikayat niya ang mga bata na makipag-usap sa Panginoon sa mas personal na paraan. Ang mga pambatang librong ito ay may mensahe mula sa Dios na mayroong espasyo para sa pangalan ng bata na maaaring isulat sa pahina ng bawat kuwento mula sa Biblia. Sa pamamagitan nito ay ipinaaalam sa mga bata na nais ng Panginoon na magkaroon sila ng relasyon sa Kanya at kinakausap Niya ang mga ito sa pamamagitan ng mga kuwento sa Biblia.

Nang bumili ako ng librong ito para sa aking pamangkin, isinulat ko ang kanyang pangalan sa bawat simula ng pahina ng libro. Nang makita niya ito, nasabi niya, “Mahal din ako ng Dios!” Isang kagalakan para sa atin na malaman ang lubos na pagmamahal sa atin ng Manlilikha.

Nang kausapin ng Dios ang mga Israelita sa pamamagitan ni Propeta Isaias, pinatingin Niya sila sa langit at tiniyak na ang Dios ang may likha sa mga bituin (ISAIAS 40:26). Inilabas Niya isa-isa ang mga bituin habang tinatawag ang kanilang pangalan at wala ni isang nawala sa mga ito. Ito ay nagpapaalala sa atin na kagaya ng mga bituin, kilala tayong lahat ng Dios, minamahal Niya tayo at may layunin Siya sa bawat isa sa atin.

Habang inaalala natin ang pag-ibig na ipinakita ng Dios at ang Kanyang mga pangako na mababasa sa Biblia, isipin natin na para din sa atin mismo ang mga ito. Pagtiwalaan natin ang pagmamahal ng Panginoon tulad ng isang bata at maaari din nating sabihin na “Mahal din ako ng Dios.”

Panginoong Dios, salamat po sa katiyakan na alam Ninyo ang aming mga pangalan at minamahal N’yo ang bawat isa sa amin. Amen

Address

Quezon City
1123

Telephone

+639452250941

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when John Mark United Methodist Church posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to John Mark United Methodist Church:

Share