22/05/2026
“Kumusta ka na?”
Kamusta spiritual life mo?
Nakakapag-pray ka pa ba?
May quiet time pa ba kay Lord,
o puro worries na ang nasa dashboard?
Sa cellgroup, active ka pa ba?
O tahimik ka nang nawawala?
Nakangiti ka pa rin ba tuwing worship,
o pagod na ang puso sa bawat hardship?
Physically, okay ka lang ba?
Nakakapagpahinga ka pa?
Baka lagi ka nang puyat at pagod,
habang dala-dala ang problems sa likod.
Emotionally… kumusta puso mo?
May nakakausap ka pa ba totoo?
O sanay ka nang sabihing “okay lang”
kahit deep inside, gusto mo nang sumigaw minsan.
At finances… kaya pa ba?
Hindi madali ang buhay, ‘di ba?
Bills dito, responsibilities doon,
pero nawa di nawawala ang faith mo.
God is always there, Hindi ka nag-iisa
Nandito kami, We care for you
We pray for you, We believe in you
Tara usap tayo!
Hindi mo kailangan lumayo
Kahit anong bigat mas magaan
kapag may kasama.
Love & Pray
-JCAC Freedom ❤️