29/04/2026
Magandang araw po, mga kapatid sa pananampalataya.
Malugod po namin kayong inaanyayahan sa darating na Bayanihan sa Mayo 1, 2026, na gaganapin sa Tuy, Batangas. Layunin po ng gawaing ito na maihanda at masimulan ang pagtatatag ng kauna-unahang Grace Gospel Church sa Tuy, Batangas.
Sa tulong ng Diyos at sa pakikiisa ng CLAG Men, tayo po ay may buong pagtitiwala na maisasakatuparan ang gawaing ito.
Ang halagang limandaang piso (₱500) na ambag ng bawat isa ay malaking tulong po para sa gawain. Para naman po sa mga hindi makadadalo—malapit man o malayo—maaari pa rin po kayong magpaabot ng inyong suporta sa pamamagitan ng GCash sa numerong ito:
09226356711
Mangyaring magpadala po ng screenshot ng inyong transaksyon bilang kumpirmasyon.
Maraming salamat po, CLAG Men.
Pagpalain po kayo ng Diyos.