30/03/2026
SKK Pagsamba 2026: Walang Humpay na Pagsamba; Habang-buhay na sukli sa Pag-ibig Niya!
Paksa: Pananalig sa gitna nang pagsubok; Si Jose na anak ni Jacob
Teksto: Genesis 50: 20
Sentrong Paksa: Ang pagsunod sa Diyos, katapatan sa kabila ng matinding pagsubok, at kapangyarihan nang kapatawaran.
Tudlain: Pagkatapos ng mensahe ang Kongregasyon ay matutunan ang:
1. Pagtitiwala sa Diyos
2. Pagbangon mula sa pagsubok
3. Pagpapatawad
Tanong: Hanggang saan ang iyong pananalig sa Diyos?
Si Jose (anak ni Jacob) ay isang mahalagang patriyarka sa Lumang Tipan na kilala bilang "mapanaginipin" na ipinagbili ng kanyang mga kapatid bilang alipin ngunit naging makapangyarihang gobernador ng Ehipto. Dahil sa kanyang katapatan sa Diyos at kakayahang magbigay-kahulugan sa mga panaginip, iniligtas niya ang Egipto at ang kanyang pamilya mula sa matinding taggutom.
I. Si Jose ay may tunay na Pananampalataya sa Diyos.
a. Binenta ng mga kapatid – Genesis 37: 28 Kaya't nang may dumaraang mga mangangalakal na Midianita, iniahon nila si Jose at ipinagbili sa halagang dalawampung pirasong pilak. At si Jose'y dinala ng mga Ismaelita sa Egipto.
b. Pinaratangan nang asawa ni Potifar – Genesis 39: 7 – 10
7 Dumating ang panahon na pinagnasaan siya ng asawa ni Potifar. Sinabi nito, “Sipingan mo ako.”
8 Tumanggi si Jose at ang sabi, “Panatag po ang kalooban ng aking panginoon sapagkat ako'y narito. Ginawa niya akong katiwala, 9 at ipinamahala niya sa akin ang lahat sa bahay na ito, maliban sa inyo na kanyang asawa. Hindi ko po magagawa ang ganyan kalaking kataksilan at pagkakasala sa Diyos.” 10 Hindi pinapansin ni Jose ang babae kahit araw-araw itong nakikiusap na sumiping sa kanya.
c. Pinakulong si Jose – Genesis 39: 19, 20
19 Nagalit si Potifar nang marinig ang sinabi ng asawa, 20 kaya't ipinahuli niya si Jose at isinama sa mga bilanggong tauhan ng Faraon.
Kung naranasan mo ang parehong sitwasyon kay Jose sa buhay mo. Magtutuloy ka pa ba sa pagtitiwala sa Diyos?
II. Si Jose ay ibinangon ng Diyos.
a. Ang Pagsama ng Diyos kay Jose. Genesis 39: 21 – 23
21 Ngunit si Jose ay hindi pinabayaan ni Yahweh. Ang bantay ng bilangguan ay naging napakabait sa kanya. 22 Si Jose ay ginawa niyang tagapamahala ng lahat ng mga bilanggo, at siya ang tanging nagpapasya kung ano ang gagawin sa loob ng bilangguan. 23 Hindi na halos nakikialam ang bantay ng bilangguan sa ginagawa ni Jose, sapagkat si Yahweh ay kasama nito at pinagtatagumpay siya sa lahat niyang gawain.
TIMELESS TRUTH #1:
Kapag kasama mo ang Diyos kahit ang Mabigat na sitwasyon ay magaan dalahin.
b. Ang Paglaya ni Jose sa bilangguan. Genesis 41: 14, 15
14 Ipinatawag agad ng Faraon si Jose. Nang mailabas na sa bilangguan, siya'y nag-ahit, nagbihis at kaagad humarap sa hari. 15 Sinabi ng Faraon sa kanya, “Ako'y nanaginip ngunit walang makapagsabi sa akin ng kahulugan niyon. Nabalitaan kong mahusay kang magpaliwanag ng mga panaginip.”
c. Si Jose ay naging Tagapamahala ng Ehipto. Genesis 41: 37 – 46
37 Nagustuhan ng Faraon at ng kanyang mga kagawad ang panukala ni Jose. 38 Sinabi nila, “Bakit pa tayo hahanap ng iba, samantalang nasa kanya ang Espiritu ng Diyos?” 39 Kaya't sinabi ng Faraon kay Jose, “Ang Diyos ang nagpakita sa iyo ng lahat ng ito, kaya't wala nang hihigit pa sa iyo sa karunungan at pang-unawa. 40 Ikaw ang pamamahalain ko sa buong bansa, at susundin ka ng lahat. Ang aking trono lamang ang hindi mapapasaiyo. 41 At ngayon, inilalagay kitang gobernador ng buong Egipto!” 42 Inalis ni Faraon sa kanyang daliri ang singsing na pantatak at isinuot iyon kay Jose; binihisan niya ito ng damit na lino at sinabitan ng gintong kuwintas sa leeg. 43 Ipinagamit kay Jose ang pangalawang sasakyan ng hari, at binigyan siya ng tanod pandangal na nauuna sa kanya at sumisigaw, “Lumuhod kayo!” Sa gayon, ipinailalim sa kanya ang pamamahala sa buong Egipto. 44 Sinabi ng Faraon kay Jose, “Ako ang Faraon at ikaw ang aking pangalawa, ngunit kung wala kang pahintulot, walang sinuman sa Egipto na makakagawa ng anuman.” 45 Binigyan niya si Jose ng bagong pangalan: Zafenat-panea. At ipinakasal sa kanya si Asenat na anak ni Potifera, ang pari sa Heliopolis. Bilang gobernador, pinamahalaan ni Jose ang buong lupain ng Egipto.
46 Tatlumpung taon si Jose nang magsimulang maglingkod sa Faraon. Pagkaalis niya sa harapan ng hari, nilibot niya ang buong Egipto.
III. Si Jose ay naging instrumento ng Diyos para iligtas ang Israel.
Genesis 47:13-15
13 Nang maubos na ang pagkain sa buong Canaan at Egipto, at ang mga tao’y hirap na hirap na sa gutom, 14 kay Jose bumibili ng pagkain ang lahat. Iniipon naman ni Jose ang pinagbilhan at dinadala sa kabang-yaman ng Faraon. 15 Dumating ang panahong wala nang maibayad ang mga tao, kaya’t sinabi nila kay Jose, “Mamamatay kami ng gutom, bigyan mo kami ng pagkain.”
Genesis 50: 20 Masama nga ang inyong ginawa sa akin, subalit ipinahintulot iyon ng Diyos para sa kabutihan, at dahil doo'y naligtas ang marami ngayon.
TIMELESS TRUTH #2:
Ang Diyos ay kayang lumikha nang magandang bagay sa gitna nang pangit na mga pangyayari sa buhay ng tao.
Konklusyon:
Ang Pananampalataya sa Diyos at Integridad sa sarili ay humahantong sa Katagumpayan sa ating buhay.