26/08/2026
KILALA MO PA BA ANG SARILI MO?
Sa mundong puno ng trends, pressure, expectations, at walang katapusang paghahabol, minsan hindi na natin napapansin na unti-unti na nating nakakalimutan kung sino talaga tayo.
We chase what is popular.
We compare our lives with others.
We change ourselves to fit in.
We measure our worth through likes, achievements, appearances, and approval.
Pero sa kakahabol natin sa kung ano ang uso at kung ano ang gusto ng mundo, kilala mo pa ba ang sarili mo?
Hindi lahat ng bagay na trending ay para sa iyo. Hindi lahat ng hinahabol ng iba ay kailangan mong habulin. At hindi mo kailangang baguhin ang buong pagkatao mo para lamang maging katanggap-tanggap.
Minsan, kailangan nating huminto, mag-disconnect, at makinig muli sa ating sarili.
Ano ba talaga ang gusto mo?
Ano ang mahalaga sa iyo?
Ano ang pinaniniwalaan mo?
At higit sa lahat, sino ka kapag wala nang audience na kailangan mong pagbigyan?
You were never meant to live your life as a copy of someone else's.
Know yourself. Accept yourself. And allow God to remind you who you truly are.