22/08/2023
BAKIT TINATAWAG NA "REYNA" SI BIRHEN MARIA? (Mary the Queen)
sabi ng ibang sekta...
" nakasulat ba yan sa biblia na si 'Maria ay Reyna' para tawagin nyung reyna? o imbentong aral na naman yan ng mga pari nyo?"
yan lagi ang mga argumentong tanong na laging madidinig sa ibang sekta, tulad ng mga Born Again Baptist etc, kesho imbento lang daw kasi hindi daw mababasa sa biblia word-for-word na si "Maria ay Reyna", o tinawag na "Reyna" mang lang sa biblia ay wala din, (ang problema sa kanila, the way na kung paano sila gumamit ng biblia ay MALI, literal at word-for-word ang gustong mabasa sa biblia para lang masabing totoo at dapat paniwalaan.)
hindi ganyan kung paano gumagamit ng biblia ang simbahang Catholica. si inang birheng Maria ay reyna, dahil yan ay NAKABASE sa biblia, ("nakabase" does not mean na dapat literal na mabasa word-for-word ang "reyna si Maria" [hindi po ganun], kundi kung ano ang punto ng pagiging Reyna sa biblia[old testament], ay syang taglay at connectado kay Maria sa New Testament ng biblia)
■ SAGOT #1
Si Maria ay Reyna, o inang Reyna sa langit, dahil sa KORONA na nakasuot sa kanya sa langit,
Eh hindi ba’t pag may korona ay isang tanda at nagpapatunay ng pagigigng Reyna(pag babae) at Hari(pag lalaki)
Jeremiah 13:18 (Magandang Balita Biblia)
“Sinabi ni Yahweh kay Jeremias, “Sabihin mo sa HARI at sa kanyang INANG REYNA na bumabâ na sa kanilang trono sapagkat naalis na sa kanilang ulo ang magaganda NILANG KORONA.”
Sa talatang yan, pinababa sa pwesto(trono) ang hari at inang Reyna, pero hindi yan ang pinaka point natin, ang point dyan is…
- ang pagiging hari at Reyna ay may "korona", hindi sila matawag na hari at Reyna kung walang korona
- 2nd, malinaw na binanggit “inang Reyna”. Meaning, ang nanay ng Hari ay pwedeng maging Reyna.
Kuuuuung ang pagkakaaroon ng korona ay tanda ng pagiging Reyna(inang Reyna), o at Hari.
Si Maria ba ay walang korona?
(Revelation 12:1,5 – Magandang Balitan Biblia)
[1] “Kasunod nito'y lumitaw SA LANGIT ang isang kakaibang palatandaan: ISANG BABAING nadaramtan ng araw at nakatuntong sa buwan, at ang ulo'y MAY KORONANG binubuo ng labindalawang (12) bituin.”
[5] “Ang BABAE ay NAGSILANG NG SANGGOL NA LALAKI, na nakatakdang maghari sa lahat ng bansa sa pamamagitan ng tungkod na bakal. Ngunit may umagaw sa bata at dinala ito sa Diyos, sa kanyang trono.”
Ano daw? Sa langit ay may isang BABAE na may KORONA.
Sino itong babaeng ito? ito ay walang iba kundi si Maria, dahil sa verse[5] nakasaad na ang bababeng iyon ay nagbigay(past tense) silang o nanganak ng isang BATANG LALAKI na mag hahari sa lahat ng nasyon gamit ng tungkod na bakal, eh sino naman itong batang lalaki? sya ay walang iba kundi si Jesus, sya lang naman ang maghahari sa lahat, mababasa sa (1 Timothy 6:15)"...King of Kings...", at mamumuno sa lahat gamit ang tungkod, mababasa sa (Revelation 2:25)"…He shall rule them with a rod…", kaya kung si Jesus yang batang lalaki, THEREFORE, ang ina nyang si Maria ang tinutukoy na BABAE na may korona sa (Revelation 12:1)
Ngayon heto ang logic
- Kung si Maria ang tinutukoy na BABAENG may korona sa langit, base sa (Revelation 12:1)
- at Kung ang pagkakakroon ng Koronong suot suot ay tanda ng isang pagiging Reyna, base sa (Jeremiah 13:18)
- THEREFORE. Ang tawaging Reyna si Maria o Mary the queen ay walang mali, at nararapat lang dahil nakabase ito sa biblia.
■ SAGOT #2:
Si Maria ay Reyna, dahil sa anak nyang si Jesus ay hari, kaya sya ay inang Reyna, dahil nung mga panahong iyon lalo na sa Old Testament, kadalasan ang nanay ng mga Hari ang nagiging Reyna,
Tulad ng halimbawa ni haring Jeconiah, ang kanyang nanay ay tinawag na "reyna"
Jeremiah 29:2 (New American Bible)
“This was after KING JECONIAH AND THE QUEEN MOTHER, the courtiers, the princes of Judah and Jerusalem, the artisans and the skilled workmen had left Jerusalem. “
Tulad ng halimbawa ni Haring Belsazar , ang kanyang nanay ay tinawag na "Reyna".
Daniel 5:10 (Magandang Balita Biblia)
" Ang INANG REYNA ni HARING BELSAZAR ay pumasok sa bulwagan nang marinig niya ang pag-uusap ng anak niyang hari at ng mga tagapamahala nito. Sinabi niya, “Mabuhay ang anak kong hari. Huwag kang mabagabag at mamutla sa takot."
hindi lang sa (Jeremiah 29:2), (Daniel 5:10) at (Jeremiah 13:18) na may binanggit na INANG REYNA, kundi marami pang mga talata(verse) sa libro ng “Kings” sa biblia na kung saan sila David at Solomon hindi kelan man nagging Reyna ang kanilang asawa, dahil marami nga silang asawa, (may mga kabit pa nga) kahit pa may bukod tanging pinakamamahal pa silang babae sa mga asawa nila eh kelan man ay hindi nagging Reyna ang isa sa mga iyon, bagkus ang nagiging Reyna ay ang kanilang NANAY.
Tulad ng halimbawa ni haring Solomon.
1 Hari 2:19 (Magandang Balita Biblia)
“ Kaya't pumunta SI BATSHEBA kay Haring Solomon upang sabihin ang kahilingan ni Adonias. Tumayo ANG HARI upang siya'y salubungin, yumuko sa kanya, at saka naupo sa kanyang trono. NAGPAKUHA NG ISA PANG TRONO, inilagay sa kanyang kanan at DOON PINAUPO ANG INA.”
Ano daw? Nung dumating ang kanyang inang si Batsheba, nagbigay galang ang hari sa kanyang ina sa pagyuko, at BINIGYAN ang ina ng isa pang TRONO.
Eh hindi ba’t ang pagkakaroon ng TRONO ay tanda ng isang pagiging Reyna o hari? Balik ulit tayo.
Jeremiah 13:18 (Magandang Balita Biblia)
“ Sinabi ni Yahweh kay Jeremias, “Sabihin mo sa HARI at sa kanyang INANG REYNA na bumabâ na SA KANILANG TRONO….”
Kaya si haring Solomon, ang ina nyang si Batsheba ay isang Reyna.
kung sa Old Testament ang mga ina ng hari ay laging REYNA, how much more pa kaya kay birheng Maria? lalo na’t ang anak nyang si Jesus ay hari, hindi lang hari kundi hari ng mga hari.
1 Timoteo 6:14-15 (Magandang Balita Biblia)
[14] sundin mong mabuti nang may katapatan ang mga iniutos sa iyo hanggang sa PAGBABALIK NG PANGINOONG JESU-CRISTO.
[15] SIYA'Y Darating sa panahong itinakda ng mapagpala at makapangyarihang Diyos, HARI NG MGA HARI, at Panginoon ng mga panginoon.”
kaya si Maria ay nararapat lang at tama lang na tawaging REYNA dahil sa anak nyang hari.
Ngayon heto ang logic
- kung ang ina ng mga Hari ay nagging Reyna, base sa (1 Hari 2:19), (Jeremiah 13:18), (Jeremiah 29:2), (Daniel 5:10)
- at kung si Cristo ay hari, hari ng mga hari, base sa (1 Timothy 6:15)
- at kung ang ina ng hari ay syang Reyna din, base sa (Jeremiah 13:18)
- THEREFORE. Ang tawaging Reyna si Maria o Mary the queen ay walang mali at nararapat lang dahil yan nakabase sa biblia.
■OBJECTION
[ NAKUHA NYO SA PAGANO YANG PAG TAWAG NYUNG REYNA NG LANGIT KAY MARIA,
HISTORICALLY, ANG MGA PAGANO NUON SA BABYLONIA AY MAY DIOSA NA NAG NGANGALANG "ISHTAR" NA TINATAWAG NILANG REYNA SA LANGIT AT KANILANG SINASAMBA.
NAKASULAT DIN YAN SA BIBLIA, KINIWENTO NI JEREMIAS PATUNGKOL SA DIOSANG REYNA SA LANGIT NA PINAGHAHANDUGAN AT SINASAMBA NG MGA PAGANONG BABYLONIAN NUON....
Jeremias 44:18-19 (Ang Biblia)
[18] Nguni't mula nang aming iwan ang pagsusunog ng kamangyan SA REINA NG LANGIT, at ipagbuhos siya ng mga inuming handog, kami ay nangailangan ng lahat na bagay, at kami ay nangalipol ng tabak at ng kagutom.
[19] At nang kami ay magsunog ng kamangyan SA REINA NG LANGIT at ipagbuhos siya ng mga inuming handog iginawa baga namin siya ng munting tinapay UPANG SAMBAHIN SIYA, at ipinagbuhos baga namin siya ng mga inuming handog, na wala ang aming mga asawa?”
SO GANUN DIN KAYO, NA GAWING REYNA SI MARIA SA LANGIT AY KAHALINTULAD NG MGA PAGANO NUON SA BABYLONIA ,
KAYA INFLUENCIA YAN NG MGA PAGANO NA HINDI NANINIWALA SA TUNAY NA DIOS. KAYA KAYONG MGA KATOLIKO MGA PAGANO!!!! ]
SAGOT:
ang pagtawag na Reyna kay inang birheng Maria ay SAGOT sa pekeng dius-diusang(diosa) sa langit ng mga paganong babylonians na si Ishtar nuon,
malayo at magkaiba ang dalawa.
ang reynag dius-diusang(diosa) sa langit ng mga paganong babylonian AY PEKE.
eh sa biblia, ang totoong reyna sa langit(hindi diosa) ay si inang birheng Maria.
(Revelation 12:1,5 – Magandang Balita Biblia)
[1] “Kasunod nito'y lumitaw SA LANGIT ang isang kakaibang palatandaan: ISANG BABAING nadaramtan ng araw at nakatuntong sa buwan, at ang ulo'y MAY KORONANG binubuo ng labindalawang (12) bituin.”
[5] “Ang BABAE ay NAGSILANG NG SANGGOL NA LALAKI, na nakatakdang maghari sa lahat ng bansa sa pamamagitan ng tungkod na bakal. Ngunit may umagaw sa bata at dinala ito sa Diyos, sa kanyang trono.”
Ano daw? Sa langit ay may isang BABAE na may KORONA.
Sino itong babaeng ito? ito ay walang iba kundi si Maria, dahil sa verse[5] nakasaad na ang bababeng iyon ay nagbigay(past tense) silang o nanganak ng isang BATANG LALAKI na mag hahari sa lahat ng nasyon gamit ng tungkod na bakal, eh sino naman itong batang lalaki? sya ay walang iba kundi si Jesus, sya lang naman ang maghahari sa lahat, mababasa sa (1 Timothy 6:15)"...King of Kings...", at mamumuno sa lahat gamit ang tungkod, mababasa sa (Revelation 2:25)"…He shall rule them with a rod…", kaya kung si Jesus yang batang lalaki, THEREFORE, ang ina nyang si Maria ang tinutukoy na BABAE na may korona sa (Revelation 12:1)
Ngayon heto na ang logic
- Kung si Maria ang tinutukoy na BABAENG may korona sa langit, base sa (Revelation 12:1)
- at Kung ang pagkakakroon ng Koronong suot suot ay tanda ng isang pagiging Reyna, base sa (Jeremiah 13:18)
- THEREFORE. Ang tawaging Reyna si Maria sa langit, o Mary the queen ay walang mali, at nararapat lang dahil nakabase ito sa biblia, at SAGOT sa pekeng reyna sa langit ng mga pagano na si Ishtar.