17/08/2021
Magandang Araw sa inyong lahat mga kapatid!
Ang ating Dios ay tapat at mabuti sa atin sa iba't ibang kaparaanan at ang Kanyang sagot sa ating mga panalangin ay ang ilan sa mga patunay nito. Dahil dito nais po natin sa ating Iglesia na lalo pang mag-alab at magningas ang ating buhay pananalangin at makita na nagiging bahagi ito ng ating araw-araw na pamumuhay.
Kung kaya't sa pangunguna ng Prayer Ministry, ang bawat isa po ay inaanyayahan na maki-isa sa ating 30 Days of Prayer and Fasting. Ito po ay sisimulan natin sa August 25 (Day 1) hanggang sa September 23 (Day 30)
Ang nasabing gawain ay para I-accomplish ang dalawang napakahalagang layunin na ito.
1. Una sa lahat, ay upang likhain nito sa ating mga puso at kaluluwa ang isang malalim at matinding pagkagutom at pagkauhaw sa Presensya ng Panginoon.
Ang pag-aayuno ay isang gawain o disiplinang espiritwal na kung saan ay ating isinasakripisyo, isinasalang-alang o isinasantabi ang isang bagay, o kaya naman ay ipinagpapaliban natin ang isang gawain na may halaga sa atin. Maaring ito ay pagliban sa pagkain ng isang meal (either lunch, dinner or even breakfast) upang sa mga oras na iyon na sa halip na tayo ay kumakain, ay naglalaan tayo ng panahon na makipagusap sa Dios sa panalangin. Ang ilang mga bagay pa o gawain na maaari nating isantabi o ipagpaliban ay ang panunuod ng TV, o pag babrowse ng FB at iba pang social media sites/accounts, o paglalaro ng online o video games, o mahabang oras ng pagtulog, atbp. At sa pagliban natin sa mga bagay na ito ay lubos nating maunawaan at masabi natin sa huli na tanging Dios, ang presensya Niya, at ang relasyon natin sa Kanya ang tangi at higit na mahalaga sa ating buhay kaysa sa mga bagay na ito.
Indeed praying and fasting help us long more and desire more of God in ourlives over everything. (Matt. 9:14)
2. Ang pangalawang layunin ay ka-sing halaga ng una, ito ay upang likhain din nito sa ating mga puso ang pagnanais na tayo ay patuloy na makapaglingkod sa Kanya at maihanda tayo sa pagtupad ng Kanyang mga kalooban sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang mga pinag-uutos. At ang pinaka mahalaga sa mga ito ay ang makita natin ang ating mga sarili, ang ating Iglesia at mga miyembro nito na tayo ay nagiging tapat na alagad ni Kristo na natututo at nagsisikap na gumawa din ng mga magiging tapat na alagad ni Kristo.
Ang Prayer Ministry ay naniniwala na malaki ang bahagi o magagawa ng pag-aayuno at pananalangin para sa katuparan ng dalawang layunin na ito. Ang ating Dios din mismo ang nagtalaga na maging instrumento ito upang mapangyari ang isang bagay na ating hinihiling sa Kanya ayon sa Kanyang Kalooban. O mapangyari ang anomang bagay na mahirap gawin or impossible for us to make it happen but God can by means of this. (Mark 9:29) For with Him nothing will be impossible. (Luke 1:37)
Naniniwala po tayo na ang dalawang layunin na ito ay Kalooban ng Dios para sa ating mga buhay at sa Kanyang Iglesia and He is more than able and willing to accomplish and answer this for us who ask in faith and with hunger and thirst for Him, done through prayer and fasting.
Kaya't mga kapatid, ating inaanyayahan ang bawat isa na makibahagi sa isang napakahalagang gawaing ito.
Note:
The Prayer Ministry will post within this week the complete details of instructions on how are we going to do this special activity that we are planning to do in the coming days.
As of the moment,
You can refer to the link below if you want to look for a more comprehensive discussion on Prayer and Fasting for your guide as we prepare ourselves for this activity.
https://www.faithward.org/fasting-and-prayer-guide
You can also browse back and read the short article written by p.russ about prayer and fasting posted last March 31, 2020 in our AHC Group page.
- Prayer Ministry
Fasting and prayer can spur deep spiritual growth. This guide lays out the value of fasting and offers tips to do it safely.