19/06/2025
“For the mountains may depart and the hills be removed, but My steadfast love shall not depart from you, and My covenant of peace shall not be removed,” says the Lord, who has compassion on you. Isaiah 54:10
Tuwing tinatanong si Tess ng mga kakilala kung nasaan ang kanyang mister, hindi na siya nagkakaila. “Sumakabilang-bahay,” ang madalas na sinasagot niya. Isang araw kasi, naglaho na lang nang parang bula ang kanyang asawa. Later on, nabalitaan niya na may iba na itong kinakasama.
Hindi lang si Tess ang nakaranas na iwan at ipagpalit ng asawa; kahit ang mga taong nasa “in a relationship” ang status ngayon, next month, baka makita mong wala na ang kanilang display picture ng ka-relationship niya at unfollowed na nila ang isa’t isa sa social media. Nakakalungkot na may mga pag-iibigang kumukupas at nawawala.
Iba ang pag-ibig ng Diyos. Sinabi ng Diyos sa mga taga-Jerusalem sa pamamagitan ni Prophet Isaiah, “Maguguho ang mga bundok at ang mga burol ay mayayanig, ngunit ang wagas na pag-ibig ko’y hindi maglalaho, at mananatili ang kapayapaang aking ipinangako.”(Isaiah 54:10)
Kahit na nabihag ang mga taga-Jerusalem at dumanas ng matinding kahihiyan at paghihirap, hindi sila pinabayaan ng Diyos. Sa halip ay pinangakuan pa Niya na palalayain sila at ire-restore. Pagkaraan nga ng maraming taon matapos silang mabihag ng Babylon, napalaya ang mga Judio sa pamamagitan ni Cyrus the Great of Persia.
Kung may problema man tayo ngayon at dumadanas ng paghihirapa, hindi ibig sabihin ay iniwan na tayo ng Diyos. When we feel like our lives are falling apart, God is the one keeping us together. And when we put our trust in Him, we can have peace even in the midst of troubles.
Mahal tayo ng Diyos; hindi Siya mawawala sa buhay natin na parang bula. Ang pag-ibig Niya kailanman ay hindi maglalaho. Pangako Niya ‘yan. At Siya na ngako ay tapat.