CMI - YFC

CMI - YFC League Of Victorious Evangelists

15/06/2025

Daily Devotion
By: Bro Genesis Raiz Ortega

Scripture:
‭Efeso 6:11-12
[11] Gamitin nʼyo ang lahat ng kagamitang pandigma na ibinigay sa inyo ng Dios para malabanan nʼyo ang mga lalang ng diyablo.

[12] Sapagkat ang kalaban natin ay hindi mga tao kundi masasamang espiritu sa himpapawid – mga pinuno, may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang namamayani sa mundong ito.

Observation:
Ang mga verses na ito ay paalala sa atin ng Panginoon na dapat nating suotin ang Armor Of God upang mayroon tayo ng depensa mula sa gawa ni satanas. Ang labanan na ito ay nangyayari sa ating isipan kaya dapat nating bantayan ang ating isip mula sa hindi magandang bagay.

Application:

Suotin natin ang Armor of God upang hindi tayo maapektuhan sa mga gawa ng kaaway tulad ng mga tukso. Isa ring paraan upang mapalakas natin ang ating pananampalataya at magkaroon tayo ng malakas na buhay espirituwal ay ang paglalaan natin ng oras sa Diyos, magbasa tayo ng Bible at umawit ng mga worship songs upang magkaroon tayo ng oras para sa Diyos.

Prayer:
Purihin ka po Lord Diyos na makapangyarihan sa lahat. Salamat sa patnubay mo at ang paggabay ng Holy Spirit. Muli po kaming humihingi ng kapatawaran sa mga nagagawa naming kasalanan. Salamat Lord sa mga paalala Mo sa amin na dapat naming bantayan ang aming Buhay espirituwal at maglaan ng oras para sa Iyo. Hiling ko po Lord na sana ay magkaroon po kami lagi sa Inyo ng oras upang lumakas ang aming pananampalataya. In Jesus Name amen.

16/04/2025

Daily Devotion
By: Bro Genesis Raiz Ortega

Scriptures:
‭Kawikaan 16:32
Higit na mabuti ang taong mapagpasensya kaysa sa taong makapangyarihan. Higit na mabuti ang taong nakakapagpigil sa sarili kaysa sa taong nakakasakop ng isang lungsod.

Observation:

Nabasa natin sa verse na ito na mahalaga na maging mapagpasensya tayo at mas mainam na nakokontrol natin ang ating Sarili Lalo na kung sobra ang ating emosyon.

Application:

Sa tuwing sobra ang ating emosyon, kapag tayo ay sobrang Galit, nakakagawa na tayo ng masama at nakakapagsalita na tayo ng Hindi maganda. Kapag sobrang saya, Hindi na tayo nakakapagdesisyon ng Tama. Kapag sobrang lungkot naman, na d depress na tayo at nakakapag-isip ng hindi maganda. Kontrolin natin ang ating mga Sarili upang Hindi Tayo makagawa ng mali.

Prayer:

Purihin ka po Lord, Diyos na makapangyarihan sa lahat. Kami po ay humihingi ng kapatawaran sa lahat ng bagay na aming ginawa. Salamat po sa mga biyaya na aming natatanggap sa bawat Araw. Salamat po sa pagpapaalala na kontrolin namin ang aming mga Sarili upang Hindi kami makagawa ng mali. Tulungan niyo po kami na maging matuwid. In Jesus Name. Amen.

14/03/2025

Daily Devotion
By: Bro Genesis Raiz Ortega

Scripture:
‭Santiago 1:5
Kung mayroon mang nagkukulang sa inyo sa karunungan, humingi siya sa Dios at ibibigay ito sa kanya nang walang pagmamaramot at panunumbat.

Observation:

Nabasa po natin sa verse na iyan na sa Diyos po tayo dapat na humingi ng karunungan para sa anumang bagay na ating gagawin. Sa Diyos nanggagaling ang karunungan.

Application:

Kapag mayroon tayong hindi na intindihan sa ating buhay, kapag mayroon tayong mga problema at hindi tayo makapagdesisyon, humingi tayo ng tulong at karunungan sa Kaniya.

Prayer:
Purihin ka po Lord, Diyos na makapangyarihan sa lahat. Patawarin Niyo po kami sa aming mga nagagawang mga pagkakasala, sa isip sa salita o sa gawa. Salamat sa pangkakataon na ito na natuto na naman po kami sa Inyong mga Salita at napaalalahanan Niyo po kami na sa Inyo po dapat kami humingi ng karunungan para sa anumang bagay na aming gagawin. Sana po Lord ay gabayan Niyo po kami sa aming pang araw araw na pamumuhay. In Jesus Name Amen.

19/01/2025

Daily Youth Devotion
By: Genesis Raiz Ortega

Scriptures:

‭1 Thessalonians 5:17

Pray unceasingly.

Observation:

Nabasa po natin sa verse na ito na huwag tayong tumigil sa ating pananalangin sa Diyos. Hindi natin dapat na kinakalimutan ang pag darasal.

Application:

Ang isang Kristiano ay marunong mag dasal. Walang Kristiano ang hindi marunong manalangin. Dapat na sa paggising palang ay nananalangin na tayo, sa ating pagkain ay dapat na nananalangin tayo, at ganun din sa ating pagtulog. Pero ang pagdarasal ay walang bilang, ibig sabihin, kung ano ang ating gagawin, pupunta tayo sa paaralan, sa trabaho, may gagawin tayo, dapat na humingi tayo ng gabay sa Diyos.

Prayer:

Purihin ka po Lord, Dios na makapangyarihan sa lahat. Patawarin Niyo po kami sa aming mga nagagawang kasalanan, namalayan man po o hindi, lubos po kaming humihingi ng kapatawaran. Salamat dahil ipinaalala Mo sa amin na lagi dapat kaming nananalangin kahit na anong gawain ang aming sisimulan. Sana po ay hindi namin makalimutang manalangin at humingi ng gabay sa Inyo sa anumang gawain na aming sisimulan. In Jesus Name, Amen.

14/11/2024

Daily Devotion
By: Bro Genesis Raiz Ortega

Scripture:

‭Kawikaan 11:25 ASND‬
[25] Ang taong mapagbigay ay magtatagumpay sa buhay; ang taong tumutulong ay tiyak na tutulungan.

Observation:
Ang nabasa natin na verse ay nagpapaalala sa atin na ang paggawa natin ng mabuti ay may gantimpala sa Diyos gaya na lamang ng nakasaad sa verse na ito. Ang mapagbigay ay magiging successful at ang matulungin din naman ay tutulungan.

Application:

Kapag mayroon tayong pagkakataon upang tumulong sa ibang tao at kaya naman natin silang tulungan, tulungan natin sila dahil mayroong tayong kakayahan upang tumulong sa ating kapwa.

Prayer:

Purihin ka po Lord, Diyos na makapangyarihan sa lahat. Patawarin po Ninyo kami sa aming mga nagagawang pagkakamali sa isip, sa salita, o sa gawa. Salamat sa pagkakataon na ito upang ako ay makapagbahagi ng Inyong Salita na magsisilbi sa aming paalala upang maging matulungin sa kapwa namin. Dalangin ko po na ang lahat sana ng aming matututunan sa Bibliya ay maisabuhay sana namin. In Jesus Name, Amen.

20/10/2024

Daily Devotion
By: Bro Genesis Raiz Ortega

Scripture:
‭Proverbs 27:17 NIV‬
[17] As iron sharpens iron, so one person sharpens another.

Observation:
Sa verse na ito, nabasa natin na pinapatalim ng bakal ang kapwa niya bakal gaya ng ginagamit nating sharpening steel na panghasa sa kusilyo. Ganoon din naman sa tao, nagkaroon tayo ng mga kaalaman dahil sa mga taong ating kinakausap.

Application:

Kapwa tao rin natin ang maaaring makakapagdag ng ating kaalaman patungkol sa Bibliya katulad ng ating mga Pastor na nagtuturo sa atin ng mga katuruan sa Bibliya.

Prayer:

Purihin ka po Lord, Diyos na makapangyarihan sa lahat. Patawarin Niyo po kami sa aming mga nagagawang pagkakamali.
Salamat po dahil natuto po kami sa verse na aming binasa na maaari rin po kaming makapulot ng kaalaman sa pamamagitan ng pakikinig sa isang pastor. Hiling ko po na sana ay lahat ng aming mapapakinggan mula sa isang pastor ay amin po itong magamit sa aming buhay. In Jesus Name Amen.

14/08/2024

Daily Devotion
By: Bro Genesis Raiz Ortega

Scriptures:

Proverbs 16:3

Share your plans with the Lord, and you will succeed.

Observation:

Nakalagay sa verse na ito na ang ating mga plano ay mag succeed kung sasabihin natin ito sa Panginoon.

Application:

Sabihin natin sa Panginoon ang ating mga plano at magtiwala tayo sa Kanya upang ang ating mga plano sa buhay ay magtagumpay at ang kalooban ng Diyos ang masusunod.

Prayer:

Purihin ka po Lord, Diyos na makapangyarihan sa lahat. Patawarin Niyo po kami sa aming mga nagagawang kasalanan. Salamat muli Panginoon sa pagkakataon na ito na ibinigay Mo sa akin upang makapag share ng Inyong mga Salita. Hinihiling ko sa Inyo na tulungan Niyo po kami at mas lalo pang palakasin ang aming pananampalataya sa Inyo, yun lamang po In Jesus Name Amen.

16/07/2024

Daily Devotion
By: Bro Genesis Raiz Ortega

Scripture:
Joshua 1:9

Be strong and courageous. Do not be frightened, and do not be dismayed, for the LORD your God is with you wherever you go.

Observation:

Napansin natin sa verse na ito na ang sinabi ay 'wag tayong matakot at dapat ay lagi tayong maging matapang.

Application:

Lagi nating tandaan na lagi nating Kasama ang Diyos at walang sinuman ang maaaring makasakit sa atin dahil kasama natin Siya (Romans 8:31). At 365 na beses na naitala sa bible ang salitang "Huwag Kang Matakot", kung sa loob ng isang taon ay mayroong 365 na araw, araw-araw nating gamitin ang bawat beses na ginamit sa bible ang salitang "wag kang matakot".

Prayer:

Purihin ka po Lord, Diyos na makapangyarihan sa lahat. Patawarin Niyo po kami sa aming nagawang kasalanan. Namalayan man po namin o hindi ay patawarin niyo po kami. Salamat sa pagkakataon na ito na ibinigay Mo sa amin upang lumakas ang aming mga loob upang hindi namin makalimutan na huwag kaming matakot at tatagan namin ang aming mga loob dahil hindi Mo gusto na namumuhay kami na may mga takot sa aming buhay. Hiling ko po sa Inyo na bigyan Niyo po kami ng kapayapaan sa aming mga puso dahil sa Inyo lang po namin 'yan matatagpuan. In Jesus name Amen.

22/06/2024

Youth Devotion
By: Bro Genesis Raiz Ortega

Scripture:
Proverbs 1:17 "Surely in vain the net is spread in the sight of any bird."

Observation:
Sa verse na ito, mapapansin natin na kalokohan daw na mag-set ng slisang trap sa harapan ng isang ibon. Ito ay isang metaphor na ang ibig sabihin ay may mga taong pinipili na gumawa ng mali kahit na alam nila ang consequences ng ginagawa nilang kasalanan.

Application:

Wag na nating gawin ang bagay na alam naman nating mali at alam natin ang mga consequences ng mga ito.

Prayer:

Purihin ka po Lord, Diyos na makapangyarihan sa lahat. Patawarin niyo po kami sa lahat ng aming nagawang kasalanan, namalayan man po namin o hindi ay ipagkaloob niyo po samin ang kapatawaran sa aming mga kasalanan. Salamat sa pagpapaalala sa amin ng verse na ito na hindi dapat kami gumawa ng mali kahit na alam namin ang kabayaran ng kasalanan na iyon. Salamat ng marami Lord. In Jesus name Amen.

16/06/2024

Youth Devotion
By: Bro Genesis Raiz Ortega

Scripture:

Luke 4:4 King James Version (KJV)
And Jesus answered him, saying, It is written, That man shall not live by bread alone, but by every word of God.

Observation:

Nakalagay po sa verse na ito na hindi lang po dapat tayo kumakain ng mga physical food, kumain din po tayo lagi ng spiritual food na Salita ng Diyos.

Application:

Mababasa po natin sa bible ang Salita ng Diyos na pagkain ng ating kaluluwa. Huwag nating kalimutang magbasa ng Bible dahil sa pagbabasa ng Bible ay ang Diyos naman ang nangungusap sa atin. Sa pamamagitan ng prayer ay kinakausap natin ang Diyos, sa pagbabasa naman ng Bible ay kinakausap naman tayo ng Diyos kaya wag natin kalimutang magbasa ng Bible.

Prayer:

Purihin ka po Lord, Diyos na makapangyarihan sa lahat. Patawarin ninyo po kami sa aming nagawang kasalanan. Salamat po sa verse na ito na ipinaalala niyo po sa amin na hindi lamang po kami nabubuhay sa pagkain ng physical food na kailangan ng aming pisikal na pangangatawan pero kailangan at hindi po dapat namin kaligtaan ang pagkain ng aming mga kaluluwa sa pamamagitan ng pagbabasa ng Bible. Thank you Lord In Jesus Name, Amen.

19/05/2024

Daily Devotion
By: Bro Genesis Ortega Raiz

Scriptures:
Matthew 19:26 But Jesus beheld their thoughts, and said unto them, With men this is impossible; but if they will forsake all things for my sake, with God whatsoever things I speak are possible.

Observation:

Nakalagay sa verse na ito na sa tao ay impossible pero sa Diyos ay lahat ng bagay ay possible dahil Siya ay ang makapangyarihang Diyos sa lahat. Walang impossible sa kaniya at tayo ay magtiwala lang sa kaniya dahil lahat ay kaya niyang magawa.

Application:

Kaya kung may mga problema tayo o mga pagsubok at mga pag-aalala, magtiwala tayo sa kaniya dahil walang impossible sa kaniya dahil kaya niya tayong iligtas Mula sa kapahamakan at mga problema.

Prayer:

Purihin ka po Lord, Diyos na makapangyarihan sa lahat. Patawarin niyo po Ako sa aking nagawang kasalanan namalayan ko man po o Hindi ay patawarin niyo po Ako. Salamat po sa Araw na ito na pinagkaloob niyo po sa akin upang makapag-share na naman po upang gamitin ninyo upang mag-share ng inyong mga salita. Hiling ko po sa Inyo na maitanim po namin sa aming puso't isipan ang verse na ito, In Jesus Name amen.

15/04/2024

Daily Devotion
By: Bro Jarell Bañez

Mateo 10:28
Huwag ninyong katakutan ang pumapatay ng katawan ngunit hindi naman nakakapatay ng kaluluwa. Sa halip, ang katakutan ninyo ay ang Diyos na may kakayahang pumuksa ng katawan at kaluluwa sa impiyerno.

Isa eto sa patunay at motibasyon sa mga tao po na huwag silang matatakot kung sila man ay patayin oh paslangin ng ibang tao gamit ang mga bagay na nakakamatay, wag sila matakot dahil sa biblya na ng galing na kahit sino mang mamatay tao ay hindi nila kayang paslangin ang iyong kaluluwa, subalit matakot sila sa Diyos na makangpayarihan na kayang puksain ang katawan at kaluluwa ng isang tao, o ng mamatay tao, marami po sa atin ay takot mamatay bakit? Dahil sila ay hindi sigurado kung sila ba ay mapupunta sa langit o impreyno, isa lang ang tanging sagot diyan at yun ay tanggapin natin ang ating Panginoon sa ating puso bilang tagapagligtas nating lahat, isa lang po ang pa alala ko sa mga makakabasa neto, once na may nag tatangka sainyong buhay huwag na huwag niyong itong katakutan dahil ang inyong katawan lang ang kanilang mapapatay at hindi ang inyong kaluluwa, at pag may nag tangka sa buhay niyo lagi lang po kayong mga darasal sa itaas dahil wala ng mas malakas pa sa kapangyarihan ng ating Panginoon

Amang makpangyarihan sa lahat na may gawa ng langit at lupa, narito po muli ako sa inyong harapan at dumudulog na sana'y lagi niyo po kameng ingatan at i iwas sa kapahamakan, sana po ay makatulong po itong devotion ko sa mga taong natatakot na patayin, yun lamang po maraming maraming salamat po

Address

Narra Street Project 3 Quezon City
Quezon City
1102

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CMI - YFC posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share