23/11/2025
๐ก๐ผ๐ฏ๐๐ฒ๐บ๐ฏ๐ฟ๐ฒ ๐ฎ๐ฏ | ๐๐ฎ๐ธ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฝ๐ถ๐๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ต๐ฎ๐ต๐ฎ๐ฟ๐ถ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐ถ๐ป๐ผ๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐๐๐ธ๐ฟ๐ถ๐๐๐ผ ๐๐ฎ ๐ฆ๐ฎ๐ป๐น๐ถ๐ฏ๐๐๐ฎ๐ป ๐ผ ๐๐ฎ๐ธ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฝ๐ถ๐๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ฟ๐ถ๐๐๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฟ๐ถ
Sa huling linggo bago matapos ang taong liturhikal, ipinagdiriwang ng Inang Simbahan ang Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari. Ito ay unang ipinagdiwang noong ๐ญ๐ต๐ฎ๐ฑ nang itatag ang kapistahan na ito ni ๐ฃ๐ฎ๐ฝ๐ฎ ๐ฃ๐ถ๐ผ ๐ซ๐ sa bisa ng kanyang ๐ฃ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐น ๐๐ป๐ฐ๐๐ฐ๐น๐ถ๐ฐ๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐ค๐๐ฎ๐ ๐ฃ๐ฟ๐ถ๐บ๐ฎ๐, na nangangahulugang "Sa una." Sinulat ito ng Santo Papa upang labanan ang lumalaganap na sekularismo at ateismo sa iba't ibang lugar, lalo na sa Russia, Mexico, at bahagi ng Europa, kung saan ang mga Kristiyano ay inuusig at inaalipusta. Ang liham na ito ay nagbibigay ng pag-asa na kahit lumipas ang mga pamahalaan sa kanilang paligid, si Kristo pa rin ang mananatiling Hari ng sanlibutan.
Ang Kapistahan ng Kristong Hari ay malalim na nakaangkla sa mga turo ng Simbahan, partikular sa Katesismo ng Simbahang Katoliko, na naglalaman ng pananaw ukol sa kaharian ng Diyos at ang awtoridad ni Kristo bilang Hari ng lahat. ๐๐๐ผ๐ป ๐๐ฎ ๐๐๐ ๐ฒ๐ฒ๐ดโ๐ฒ๐ณ๐ฐ, ๐๐ถ ๐๐ฟ๐ถ๐๐๐ผ ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐น๐ฎ๐ต๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ป๐ถ๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด, ๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐๐๐ ๐ฐ๐ฑ๐ฌ, ๐ฆ๐ถ๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ธ๐ถ๐ป๐ถ๐ธ๐ถ๐น๐ฎ๐น๐ฎ ๐ฏ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด "๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐ถ๐ป๐ผ๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐ถ๐ป๐ผ๐ผ๐ป," ๐ป๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ต๐๐น๐๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ต๐ฎ๐ต๐ฎ๐ฟ๐ถ ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ต๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ต๐ฎ๐ป.
Ang pagdiriwang na ito ay paanyaya sa bawat mananampalataya na kilalanin si Hesukristo bilang sentro ng kanilang buhay at ang tunay na Hari ng kanilang puso, budhi, at buong sanlibutan.