27/01/2022
Ang Mga Susi ng Langit at Kapangyarihang Magkalag at Magtali
Mapagpalang Huwebes ng umaga mga kapatid.(January 27, 2022)
Matthew 16:19 Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: at anomang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit; at anomang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.
Ano ang mga susi ng kaharian ng langit? Ito ba ay literal na mga susi ng kaharian ng langit?
Sa context ng talatang ito ay may dalawang punto na matutunan natin, ito ay ang ating seguridad at ang pagiging permanente ng simbahan na ipinangako ni Jesus na itatayo dahil sa pahayag ni Pedro sa identity ng Panginoon. Sa talatang ito, nagsalita ang Panginoong Jesus sa kauna-unahang pagkakataon tungkol sa iglesya na Itatayo Niya — hindi tungkol sa isang 'gusali', o kahit na isang partikular na denominasyon; ngunit sa halip, ang tinutukoy Niya ay ang mga tao na tutubusin Niya sa pamamagitan ng Kanyang sakripisyo sa krus, at tatawag sa Kaniya mula sa kawalang pag-asa at kamatayan dahil sa kasalanan. Sinabi Niya na sa dakilang kapahayagan na binigkas ni Pedro, "Itatayo ko ang Aking simbahan, at ang mga pintuang-daan ng Hades ay hindi mananaig laban dito".
At ang pangalawang punto ay ang dakilang kapangyarihang espiritwal na ipinagkaloob sa Iglesia o sa atin bilang representative ni Cristo dito sa lupa - ang mga susi ng kaharian ng langit. Sinabi ng Panginoon: "At bibigyan kita ng mga susi ng kaharian ng langit, at kung anuman ang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit, at kung anuman ang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit."
Sa talatang ito ay may dalawang importanteng katotohanan - Ang mga susi ng kaharian at kapangyarihan magtali at magkalag.
Mga kapatid ang mga susi ng kaharian ng langit ay hindi talaga literal na mga susi, kundi ito ay mga kaparaanan kung papaano makapasok sa kaharian ng langit. Ito ay ibinigay kay Pedro bilang delegated authority. Nang ang Panginoon ay babalik na sa Kanyang trono pagkatapos na mabuhay na maguli at ibigay ang huling tagubilin o ang Great Commission, na magsipaghintay sa Jerusalem hanggang sila ay malukoban ng Kapangyarihan sa kaitaasan. Silang lahat ng mga apostol at mga alagad ay naghintay sa Jerusalem ng sampung araw at sumapit ang araw ng Pentecostes, (Acts 2:1-5). Silang lahat ay nangapuspos ng Espiritu Santo at nangasalita ng ibat ibang wika. Ito naman ay ikinapagtaka ng mga hudyo sa Jerusalem, kung kaya nangaral si Pedro at ipinaliwanag ang lahat ng mga pangyayari. Nasaktan ang puso ng mga tagapakinig sa pangangaral ni Pedro at nagsitanong, "Mga Kapatid, ano ang gagawin namin?" Doon na ipinahayag ni Pedro ang mga "Susi" kung papaano makapasok sa kaharian ng langit. Ang Pagsisi, ang Bautismo sa tubig sa pangalan ni JESUS, at ang pagtanggap ng Kaloob ng Espiritu Santo(Acts 2:38). Ito ang mga susi na dapat na maganap sa atin upang makapasok sa kaharian ng langit.
Ang ikalawa ay ang kapangyarihan na magtali at magkalag. Ano ang ibig sabihin nito? Dito nagsasalita ang Panginoon sa malawak na termino. Sinabi Niya, "anuman ang iyong talian o kalagan sa lupa ay tatalian at kakalagin sa langit." Ito ay isinasagawa sa panahon na tayo ay nanalangin ng may buong awtoridad. Ang salitang "anuman" doon ay hindi nangangahulugan kung ano lang ang gusto nating talian o kalagan, kundi yung lang mga bagay na hindi labas sa kalooban ng Diyos. Hindi ang iglesia ang magliligtas o magsusugo ng sinoman sa impiyerno tulad ng pagtuturo ng ibang mga simbahan, hindi rin tayo ang nagpapatawad ng kasalanan o nagsasabi kung sino ang ligtas at kung sino ang hindi. Ang Panginoon lang ang may kapangyarihan gumawa nito.
Ang awtoridad na "magtali at magkalag" na naibigay sa atin ay laban sa Diablo at sa mga gawa nito. Ating ginagapos ang mga gawa ng diablo o mga gawa ng mga masamang espiritu sa buhay ng tao. Atin ding kinakalagan ang mabubuting espiritu o virtues upang kumilos ng malaya sa buhay ng manananpalataya.
Mga kapatid, gamitin natin ang authority na ito. Ipinagkaloob ito sa atin ng Panginoon upang maging makapangyarihan ang ating mga pananalangin.
"Panginoon, aming ginagapos ang anumang salot upang hindi makasakit sa iyong mga tunay na alagad, kinakalagan namin ang pananampalataya sa aming buhay upang ito ang maghari sa aming buhay. Amen. God bless - Pr. Picar
English Translation
The Keys of Heaven and the Power to Loose and Bind
Blessed Thursday morning brothers and sisters.
Matthew 16:19 And I will give unto thee the keys of the kingdom of heaven: and whatsoever thou shalt bind on earth shall be bound in heaven; and whatsoever thou shalt loose on earth shall be loosed in heaven.
What are the keys to the kingdom of heaven? Are these literally the keys of the kingdom of heaven? In the context of this verse we have two points to learn, namely our security and the permanence of the church that Jesus promised to build because of Peter's statement on the Lord's identity. In this verse, the Lord Jesus spoke for the first time about the church He would build - not about a 'building structure, or even a particular denomination; but instead, He is referring to the people He will redeem through His sacrifice on the cross, and will call on Him from despair and death because of sin. He said through a great confession of Peter, "I will build My church, and the gates of Hades shall not prevail against it".
And the second point is the great spiritual power bestowed on the Church, or on us as Christ's representatives here on earth - the keys of the kingdom of heaven. The Lord said: "And I will give unto thee the keys of the kingdom of heaven: and whatsoever thou shalt bind on earth shall be bound in heaven; and whatsoever thou shalt loose on earth shall be loosed in heaven."
In this verse there are two important truths - The keys of the kingdom and the power to bind and to loose.
Brethren, the keys of the kingdom of heaven are not really literal keys, but they are "ways" or "steps" to enter into the kingdom of heaven. It was given to Peter as delegated authority. When the Lord returned to His throne after the resurrection and gave the final instruction or the Great Commission, to wait in Jerusalem until they are overshadowed by the Power on high. All the apostles and disciples waited in Jerusalem for ten days until the day of Pentecost, (Acts 2: 1-5). They were all filled with the Holy Spirit and spoke in tongues. This surprised the Jews in Jerusalem, so Peter preached and explained all that had happened. The audience was touched by Peter's preaching and asked, "Brethren, what shall we do?" It was there that Peter revealed and used the "Keys" on how people could enter into the kingdom of heaven. They are Repentance, Water Baptism in the name of JESUS, and receiving the Gift of the Holy Spirit (Acts 2:38). These are the keys that must be fulfilled in us to enter the kingdom of heaven.
The second is the power to bind and loose. What does this mean? Here the Lord speaks in broad terms. He said, "Whatever you bind or untie on earth will be bound and loosed in heaven." This is done at a time when we are praying with full authority. The word "whatever" there does not mean that we just can do what we want to bind or loose, but only those things that are not outside the will of God. It is not the church that will save or send anyone to hell like what other churches teach, nor do we forgive sins or say who is saved and who is not. Only the Lord has the power to do this.
The authority to "bind and loose" given to us is against the Devil and his works. We bind the works of the devil or the works of evil spirits in human life. We also release good spirits or virtues to move freely in the life of the believer.
Brethren, let us use this authority. The Lord has given it to us to make our prayers powerful.
"Lord, we bind any plague so as not to offend your true disciples, we release faith in our lives so that it may reign in our lives. Amen. God bless - Pr. Picar