Lingkod ng Dambana ng Parokya ni San Jose, "Ang Tagapagtanggol"

Lingkod ng Dambana ng Parokya ni San Jose, "Ang Tagapagtanggol" The official page and social media platform of the Ministry of Altar Servers of San Jose, Ang Tagapagtanggol Parish. Pax et Bonum! Joanne A.

Holy Mass Schedule:
Daily Mass: Monday to Saturday at 6:00 PM
Sunday Masses: 6:00 AM, 7:30 AM, 9:00 AM, 6:00 PM

Sacraments: For details on Baptism, Confirmation, Holy Communion, Confession, or Matrimony, visit the Parish Office Tuesday to Sunday from 8:00 AM to 5:00 PM. Official Records: To request records or services, contact Ms. Maghacot at +63 909 733 9925 or [email protected]. Thank you for reaching out and Peace be with you!

15/08/2026

Happy Fiesta St. Tarcisius!

Ikaw na tinaguriang martir ng ika-3 siglo, inialay ang buhay upang ipagtanggol ang Eukaristiya na kumakatawan kay Hesus na buhay. Ipanalangin mo kami.

After successfully accomplishing the Novena Masses for St. Tarcisius of Rome, the altar servers from San Jose, "Ang Tagapagtanggol" Parish send their warm greetings to everyone.

Viva San Tarcisio!

MALIGAYANG KAPISTAHAN NI SAN TARCISIO NG ROMA! 🙏🏻❤️NGAYONG ARAW || Ipinagdiwang ang Banal na Eukaristiya kasabay ng pagd...
15/08/2026

MALIGAYANG KAPISTAHAN NI SAN TARCISIO NG ROMA! 🙏🏻❤️

NGAYONG ARAW || Ipinagdiwang ang Banal na Eukaristiya kasabay ng pagdiriwang ng kapistahan ni San Tarcisio ng Roma, ang batang martir at patron ng mga tagapaglingkod sa Banal na Eukaristiya.

Pinangunahan ni Rev. Fr. Orly B. Jimeno, O.F.M. ang Banal na Misa, kung saan sama-samang nagkaisa ang mga mananampalataya sa panalangin at pasasalamat sa Panginoon.

Nawa’y maging huwaran sa ating lahat ang katapangan, katapatan, at wagas na pagmamahal ni San Tarcisio sa Panginoong Hesukristo at sa Banal na Eukaristiya. Sa kabila ng kanyang murang edad, buong tapang niyang ipinagtanggol at pinahalagahan ang Katawan ni Kristo hanggang sa kanyang kamatayan.

Nawa’y patuloy niyang ipanalangin at gabayan ang lahat ng mga altar server at mga naglilingkod sa Banal na Eukaristiya, upang manatili silang tapat, mapagpakumbaba, at buong pusong naglilingkod sa Panginoon at sa Kanyang Sambayanan.

San Tarcisio ng Roma, ipanalangin mo kami!
San Tarcisio, patron ng mga tagapaglingkod sa Banal na Eukaristiya, gabayan at patatagin mo kami sa aming paglilingkod. 🙏🏻

Maligayang Kapistahan, San Tarcisio ng Roma! 🤍

Ikasiyam Araw ng Nobenaryo Alay kay San Tarcisio ng Roma, Batang Martir ng Eukaristiya, Patron ng mga Abang Lingkod ng D...
14/08/2026

Ikasiyam Araw ng Nobenaryo Alay kay San Tarcisio ng Roma, Batang Martir ng Eukaristiya, Patron ng mga Abang Lingkod ng Dambana at mga Tatanggap ng Unang Banal na Komunyon.

Panalangin sa Ikasiyam na Araw:
O San Tarcisio ng Roma, batang martir ng Santisimo Sakramento, patron ng mga abang lingkod ng dambana at mga tatanggap ng unang banal na komunyon, na sa sandali ng iyong pagkamartir, ang Santisimo Sakramento ay hindi natagpuan sa iyong kamay o sa iyong kasuotan. Bagkus ang Banal na Tinapay na iyong ipinagtanggol sa pamamagitan ng iyong buhay ay naging laman ng iyong laman na bumuo kasama ng iyong katawan, ng walang batik na ostiyang inihahandog sa Diyos. Panginoon, habang kami ay naninikluhod sa iyo sa anyo ng tinapay at alak. Marapatin mong maalala namin ang paghihirap at pagpapakasakit ng iyong anak ang aming Panginoon at Diyos, upang tubusin sa sala ang buong sangkatauhan. Kagaya ng aming patron, ipagkaloob mongmamatay kami para sa iyo at para sa iyong simbahan. Paalalahanan mo kami sa tuwi-tuwina, o Panginoon, na ang pinakamatinding pagkauhaw, pagkagutom at pangangailangan ng pagmamahal na kinakailangan ng bawat tao ay matatagpuan lamang sa isang maliit na ostiya.

San Tarcisio ng Roma, Ipanalangin mo Kami

Ikawalong Araw ng Nobenaryo Alay kay San Tarcisio ng Roma, Batang Martir ng Eukaristiya, Patron ng mga Abang Lingkod ng ...
13/08/2026

Ikawalong Araw ng Nobenaryo Alay kay San Tarcisio ng Roma, Batang Martir ng Eukaristiya, Patron ng mga Abang Lingkod ng Dambana at mga Tatanggap ng Unang Banal na Komunyon.

Panalangin sa Ikawalong Araw:
O San Tarcisio ng Roma, batang martir ng Santisimo Sakramento, patron ng mga abang lingkod ng dambana at mga tatanggap ng unang banal na komunyon, na biniyayaang mag-ingat ng makalangit na yaman sa iyong mga abang kamay, na hindi nakalimot na" huwag ibigay sa mga a*o ang anumang banal, ni ihagis man ang mga perlas sa harap ng mga baboy" (Mateo 7:6) at ipagtanggol ang "Banal na Misteryo" ng kanyang buhay, ipanalangin mo ang iyong mga mahihinang kapatid. Nawa'y masambit namin na: "mas nanaisin kong mamatay" kaysa ibigay ito (Santisimo Sakramento) sa kanila" nananalangin kami sa iyo, Panginoon, na biyayaan mo kami ng grasya upang magkaroon ng malalim na pagmamahal at pagsamba para sa Banal na Eukaristiya. Sapagkat ito ang tinapay ng buhay, ito ay si Hesus mismo na aming naging kalakasan. Buksan mo ang aming puso upang malaman ang hindi maihahambing na halaga nito na magaakay sa amin sa buhay na walang hanggan.

San Tarcisio ng Roma, Ipanalangin mo Kami

Ikapitong Araw ng Nobenaryo Alay kay San Tarcisio ng Roma, Batang Martir ng Eukaristiya, Patron ng mga Abang Lingkod ng ...
12/08/2026

Ikapitong Araw ng Nobenaryo Alay kay San Tarcisio ng Roma, Batang Martir ng Eukaristiya, Patron ng mga Abang Lingkod ng Dambana at mga Tatanggap ng Unang Banal na Komunyon.

Panalangin sa Ikapitong Araw:
O San Tarcisio ng Roma, batang martir ng Santisimo Sakramento, patron ng mga abang lingkod ng dambana at mga tatanggap ng unang banal na komunyon, mahigpit mong hinawakan ng iyong mga kamay ang Banal na Sakramento sa iyong dibdib kagaya ng pagdadala ng Mahal na Birheng Maria (yumuko bahagya), sa ating panginoon sa kanyang sinapupunan. Hipuin mo kami upang sambahin si Kristo gaya ng pagsamba na iniukol mo at ni Santa Mariang Birhen (yumuko bahagya), noong kayo ay naririto pa sa lupa. Panginoon ko at Diyos ko, nawa ay magkaroon kami ng malalim na pakikipagtagpo sa iyo sa kabanalbanalang Sakramento. Marapatin mong kamtin ka naminsa aming mga puso habang nakadaupang palad ang aming mga kamay sa panalangin. Ipahintulot mo na maging katulad kami ng iyong ina at ni San Tarcisio na may pagmamahal na sumunod sa iyo sa wakas ng kanilang buhay sa lupa

San Tarcisio ng Roma, Ipanalangin mo Kami

Ikaanim na Araw ng Nobenaryo Alay kay San Tarcisio ng Roma, Batang Martir ng Eukaristiya, Patron ng mga Abang Lingkod ng...
11/08/2026

Ikaanim na Araw ng Nobenaryo Alay kay San Tarcisio ng Roma, Batang Martir ng Eukaristiya, Patron ng mga Abang Lingkod ng Dambana at mga Tatanggap ng Unang Banal na Komunyon.

Panalangin sa Ikaanim na Araw:
O San Tarcisio ng Roma, batang martir ng Santisimo Sakramento, patron ng mga abang lingkod ng dambana at mga tatanggap ngunang banal na komunyon, hinihiling namin sa iyo na ipamagitan mo yaong mga nanlalamig sa kanilang pananampalataya at doon sa mga nasa labas ng Santa Iglesia. Nawa sa pamamagitan ng iyong pamumuhay at halimbawa, ay magbagong loob ang mga nasa labas ng simbahan at patuloy na patatagin ang pananampalataya ng mga malapit ng mawalan nito. Pinipintuho namin, o Panginoon, na palambutin mo ang puso ng iyong mga anak na nahiwalay sa tunay na daan ng kaligtasan at nasa labas ng iyong simbahan. Katukin mo rin ang puso ng mga nakakalimot sa kanilang sinumpaang tungkulin bilang mga katoliko.

San Tarcisio ng Roma, Ipanalangin mo Kami

Ikalimang Araw ng Nobenaryo Alay kay San Tarcisio ng Roma, Batang Martir ng Eukaristiya, Patron ng mga Abang Lingkod ng ...
10/08/2026

Ikalimang Araw ng Nobenaryo Alay kay San Tarcisio ng Roma, Batang Martir ng Eukaristiya, Patron ng mga Abang Lingkod ng Dambana at mga Tatanggap ng Unang Banal na Komunyon.

Panalangin sa Ikalimang Araw:
O San Tarcisio ng Roma, batang martir ng Santisimo Sakramento, patron ng mga abang lingkod ng dambana at mga tatanggap ng unang banal na komunyon, sa pamamagitan ng iyong gantimpala bilang martir ng Eukaristiya, pukawin mo ang aming kamalayan tungkol sa sakripisyo ng misa na ang bawat maliliit na butil ng tinapay at bawat patak ng alak ay ang ating Panginoong Heskristo na iyong pinag-alayan ng buhay. Ipinapanalangin namin, o Panginoon, ang pagbabayad puri sa lahat ng mga hindi karapat-dapat na tumatanggap ng iyong kasantusantusang katawan at dugo. Pagkalooban mo kami, Panginoon, na nagnanais pamarisan ang kabayanihan ng mumunting si San Tarcisio na ikumpisal ang aming mga kasalananat manatiling nasa iyong grasya bago ka tanggapin sa banal na komunyon; sapagkat sa pamamagitan nito ay para ka na rin naming ipinagtanggol hindi lamang sa mga nagnanais na ikaw ay yurakan kundi sa mga hindi marapat naming pagtanggap sa iyo/sa banal na pakikinabang.

San Tarcisio ng Roma, Ipanalangin mo Kami

Ikaapat na Araw ng Nobenaryo Alay kay San Tarcisio ng Roma, Batang Martir ng Eukaristiya, Patron ng mga Abang Lingkod ng...
10/08/2026

Ikaapat na Araw ng Nobenaryo Alay kay San Tarcisio ng Roma, Batang Martir ng Eukaristiya, Patron ng mga Abang Lingkod ng Dambana at mga Tatanggap ng Unang Banal na Komunyon.

Panalangin sa Ikaapat na Araw:
O San Tarcisio ng Roma, batang martir ng Santisimo Sakramento, patron ng mga abang lingkod ng dambana at mga tatanggap ng unang banal na komunyon, nawa ay pamarisan ka namin at sariwain ang aming pakikipagkaibigan sa ating Panginoon, na matutunan na mamuhay na kasama siya sa tuwi-tuwina, na sinusunod ang landasin na kanyang itinuturo sa atin sa pamamagitan ng kanyang salita. Sa pagiging saksi ng kanyang mga santo at mga martir na ating naging mga kapatid sa pamamagitan ng sakramento ng binyag. Ipinagdarasal namin, o Panginoon, na sa pagiging saksi ng pagkamartir at buhay ng iyong mga santo,marapatin mong balang araw ay tularan namin sila. Sa pamamagitan ng malalim na pagninilay sa ebanghelyo; at sa pagkakaalam na ang Kristong ipinanganak ng Mahal na Birheng Maria (yumuko bahagya), nagpakasakit at namatay sa krus, at nabuhay na mag-uli ay ang Kristo rin na ating tatanggapin sa banal na komunyon.

San Tarcisio ng Roma, Ipanalangin mo Kami

Ikatlong Araw ng Nobenaryo Alay kay San Tarcisio ng Roma, Batang Martir ng Eukaristiya, Patron ng mga Abang Lingkod ng D...
09/08/2026

Ikatlong Araw ng Nobenaryo Alay kay San Tarcisio ng Roma, Batang Martir ng Eukaristiya, Patron ng mga Abang Lingkod ng Dambana at mga Tatanggap ng Unang Banal na Komunyon.

Panalangin sa Ikatlong Araw:
O San Tarcisio ng Roma, batang martir ng Santisimo Sakramento, patron ng mga abang lingkod ng dambana at mga tatanggap ng unang banal na komunyon, pinipintuho ka namin bilang iyong mga kapatid sa maluwalhating pananampalatayang katoliko, umaasa kami na nawa ay maialay namin ang aming kabataan para sa Panginoon at aming masayang masambit ang mga salitang iyong winika: "ang aking kabataan ang pinakamabisang sanggalang para sa Eukaristiya" hinihiling namin sa iyo, o katamis-tamisang Panginoon, na ipagsanggalang mo kami ng may pananampalatayang katulad ng sa bata upang makapiling ka namin sa iyong makalangit na kaharian. Ipag-adya mo kami sa lahat ng pang-aakit ng demonyo; sa lagim ng kahalayan, karahasan at mga bisyo na makapaghihiwalay sa amin; sa pagtanggap sa iyo sa banal na sakripisyo ng misa; bigyan mo rin kami ng katatagan upang ikumpisal sa pari ang aming mga kasalanan upang ikaw ay muli naming makatagpo.

San Tarcisio ng Roma, Ipanalangin mo Kami

Ikalawang Araw ng Nobenaryo Alay kay San Tarcisio ng Roma, Batang Martir ng Eukaristiya, Patron ng mga Abang Lingkod ng ...
07/08/2026

Ikalawang Araw ng Nobenaryo Alay kay San Tarcisio ng Roma, Batang Martir ng Eukaristiya, Patron ng mga Abang Lingkod ng Dambana at mga Tatanggap ng Unang Banal na Komunyon.

Panalangin sa Ikalawang Araw:

O San Tarcisio ng Roma, batang martir ng Santisimo Sakramento, patron ng mga abang lingkod ng dambana at mga tatanggap ng unang banal na komunyon, hinihiling namin sa iyong makapangyarihang pamamagitan ang intensyon ng banal na Papa Leon, ganoon din ang mga kahalili ng mga apostol, ang mga obispo, at ang lahat ng mga kaparian, mga relihiyoso at relihiyosa at sa itinalaga ng ating panginoon bilang kanyang kabiyak, ang banal na Simbahang Katolika. Hinihiling namin sa iyo, O Panginoon, na iadya mo ang iyong mga hinirang sa lahat ng masama upang patuloy ka nilang papurihan. Ipagkaloob mo ang biyaya ng pagsunod sa Santo Papa at sa lahat ng kanyang mga kahalili, katulad ng kay San Tarcisio habang dala-dala niya ang Banal na Eukaristiya.

San Tarcisio ng Roma, Ipanalangin mo Kami

Address

Quezon City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Lingkod ng Dambana ng Parokya ni San Jose, "Ang Tagapagtanggol" posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Lingkod ng Dambana ng Parokya ni San Jose, "Ang Tagapagtanggol":

Shortcuts

Share