30/03/2026
Hindi siya ang nasa tuktok… pero siya ang gumagalaw sa dilim.
Si Boss V — tahimik, kontrolado, at laging isang hakbang sa unahan. Siya ang nag-uutos, siya ang nagdidikta… at siya ang sinusunod.
Pero sa mundong ginagalawan niya, hindi malinaw kung saan ka lulugar.
Minsan siya ang may sala… minsan siya rin ang nagiging biktima ng sistemang mas malaki sa kanya.
May mga matang nakamasid.
May mga utos na hindi niya pwedeng tanggihan.
Sa mundong puno ng kapangyarihan, koneksyon, at lihim… hanggang saan ang kontrol mo kung may kumokontrol din sa’yo?
Sa “Side A | Side B”… hindi lahat ng nasa harap ang tunay na may hawak ng laro.
Ngayong Easter… alin ka?
April 10, 2026 | 7PM
Saint Benedict of Nursia Chapel
Get your tickets now.