23/08/2026
Sa kanyang homiliya sa Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon, binigyang-diin ni Rev. Fr. Oscar V. Lucas ang mahalagang tanong ni Jesus sa Kanyang mga alagad: “But to you, who do you say that I am?” Para kay Fr. Oscar, hindi lamang ito simpleng tanong tungkol sa pagkakakilala kay Jesus. Ang sagot natin dito ang humuhubog sa paraan ng ating pamumuhay bilang mga Kristiyano at sa paraan ng ating pakikitungo sa kapwa.
Ginamit ni Fr. Oscar ang paghahanda sa pag-aasawa upang ipaliwanag ang kahalagahan ng tunay na pagkakilala. Aniya, hindi sapat na naghahanda lamang ang magkasintahan para sa wedding ceremony. “They're not only supposed to prepare for their wedding, but they're supposed to prepare more specially for marriage.” Ipinaliwanag niya na ang wedding ay isang seremonya na maaaring tumagal lamang ng 45 minuto hanggang isang oras, samantalang ang marriage ay buhay na pagsasama ng mag-asawa na panghabambuhay. Bahagi ng paghahanda ang tunay na pagkilala sa taong pakakasalan—ang kanyang pamilya, pinagmulan, psychological at psycho-emotional state, at kung paano niya hinaharap ang conflict at crisis sa buhay.
“When you marry the person, you're not only marrying the person, but you're marrying what? The whole family.” Binigyang-diin din niya na mahalagang malaman kung paano humaharap ang isang tao sa mga pagsubok. Hindi lamang dapat handa sa masasayang panahon, kundi maging sa mga “storms of life.”
Mula rito, iniugnay ni Fr. Oscar ang kanyang mensahe sa Gospel reading mula sa Matthew 16:13–20, kung saan tinanong ni Jesus ang Kanyang mga alagad: “Who do people say that I am?” Ngunit higit na mahalaga ang kasunod na tanong: “But to you, who do you say that I am?” At sa Tagalog, sinabi ni Jesus: “Para sa inyo, kayo na lagi kong kasama, kayo na lagi kong kausap, sino ako para sa inyo?”
Ayon kay Fr. Oscar, mahalaga ang tanong na ito dahil “the answer to that question determines the kind of life the person will live in terms of his faith.” Nang sabihin ni Pedro, “you are the Christ,” ipinahahayag niya na si Jesus ang kanilang Tagapagligtas—ang nagbibigay ng kahulugan sa kanilang buhay. “You give meaning to our life. In short, you reveal to us the face of God.”
At ano ang mukha ng Diyos na ipinakita ni Jesus? “And the face of God is a God who cares. Isang Diyos na may pakialam.” Dahil ang Diyos ay may malasakit, tinatawag din tayong magkaroon ng malasakit sa isa’t isa.
Ipinaalala ni Fr. Oscar na ang tanong na “Who is Jesus for you?” ay dapat personal na pagnilayan ng bawat Kristiyano. “And the answer to that question will determine how you behave as a Christian. The answer to that question will determine the kind of relationship that we will have with one another.” Kung ang pagkakilala natin kay Jesus ay tunay, dapat itong makita sa paraan ng ating pakikitungo sa ibang tao.
Nagbabala rin siya laban sa maling pananaw sa Diyos—na para bang Siya ay isang policeman o referee na naghihintay lamang sa ating pagkakamali. “Para bang lagi lang tayong ingat na ingat, huwag magkasala kasi nakabantay ang Diyos.” Hindi rin dapat ituring ang Diyos na parang Santa Claus na nagbibigay lamang kapag naging mabuti tayo. “So, ganun ba yung Panginoon? Magbe-behave lang tayo, parang transactional spirituality. I do this so that you will do this in return. Parang negosyo lang.”
Para kay Fr. Oscar, ang pananampalataya ay hindi isang transaksyon. Ito ay isang tunay na relasyon kay Jesus na dapat magkaroon ng konkretong epekto sa ating buhay at pakikitungo sa kapwa.
Sa kanyang mensahe, binigyang-pansin din niya ang kalagayan ng Pilipinas. Bagama't maraming simbahan ang “talagang punong-puno” tuwing Linggo at ipinagmamalaki nating tayo ay isang Christian country, hinamon niya ang mga mananampalataya na tingnan kung ang ating pagkakilala kay Jesus ay tunay na nagbubunga ng malasakit sa kapwa.
“We love God. We love Jesus. But who is Jesus really for us? Does it really have that concrete effect in our relationship with one another? Is our knowledge of Jesus teaching us to care for the other people?”
Ipinaalala niya na kung nakikita natin si Jesus na parang walang pakialam sa atin, maaari rin tayong maging walang pakialam sa isa’t isa. “Deadma lang ako sa inyo, sa isat-isat. Bakit? Eh, ganon din ang Panginoon. I just doesn't care. So why should I care?” Ngunit kung kinikilala natin si Jesus bilang Diyos na may malasakit, dapat din tayong matutong magmahal at magkaroon ng malasakit sa kapwa.
“But if we see Jesus, our Lord, our God, as a God who cares, then we will begin to care for one another.” Ito, ayon kay Fr. Oscar, ang konkretong bunga ng tunay na pagkakilala kung sino ang Diyos at kung sino si Jesus sa ating buhay.
Sa huli, hinikayat niya ang mga mananampalataya na patuloy na palalimin ang kanilang pagkakilala kay Jesus at hayaan itong maging gabay sa pakikitungo sa bawat isa: “Let us pray that we may continue to grow in our true knowledge of Jesus, of our God.” At higit sa lahat, “let this knowledge really teach us on how to relate with one another, on how to treat one another.”
Dahil sa huli, ang hamon ng ating pananampalataya ay hindi lamang ang pagsasabing kilala natin si Jesus, kundi ang mamuhay ayon sa ipinakikita Niyang Diyos na may malasakit sa bawat isa. “And hopefully, we treat one another as brothers and sisters. For after all, we have one Father, one God in heaven, looking after each and every one of us.
(Ulat ni Jun Magtagnob)