Kamuning Bible Study Group

Kamuning Bible Study Group We welcome all in studying the Word of God. Understanding its true meaning and applying it in our daily lives.

Helping, caring and praying for one another is the group's main concern. Men and Women of all ages are welcome in this group.

22/12/2025

Roma 2:12-16 MBB
Ang Salita ng Diyos
12 Ito ay sapagkat ang lahat ng nagkasala na hindi sa ilalim ng kautusan ay lilipulin na hindi sa ilalim ng kautusan. Ang lahat ng nagkasala sa ilalim ng kautusan ay hahatulan sa pamamagitan ng kautusan. 13 Ito ay sapagkat hindi ang mga nakikinig ng kautusan ang matuwid sa paningin ng Diyos kundi ang mga gumagawa ng kautusan ang siyang pinapaging-matuwid. 14 Ito ay sapagkat ang mga Gentil bagaman walang kautusan, ay likas naman nilang ginagawa ang bagay na nakapaloob sa kautusan. Sa paggawa nila nito, nagiging kautusan ito para sa kanilang sarili. 15 Ipinapakita nila na nakasulat sa kanilang mga puso ang gawa ng kautusan. Nagpapatotoo rin ang kanilang budhi at sa bawat isa ang kanilang isipan ang umuusig o kaya ay nagtatanggol sa kanila. 16 Ito ay mangyayari sa araw na ang lihim ng mga tao ay hahatulan ng Diyos sa pamamagitan ni Jesucristo ayon sa ebanghelyo na ipinangaral ko.

Dito ipinapaliwanag ni Apostol Pablo ang mga katanungan ng iba lalo na sa ating henerasyon na papaano ang ating mga ninuno na hindi nakarinig ng Aral ng Mabuting Balita. Ang iiral sa kanila sa panahon ng paghuhukom ay ang konsiyensiya. Sa konsiyensiya natin malalaman ang tama o mali katulad ng pagpatay ng kapwa tao, pagnanakaw atibp. Ngunit sa mga nakarinig na ng Aral ng Batas at mga kautusan ni Kristo, at nilabag nila ang Kautusan, sila ay mahuhusgahan ng kaparusahan ng Diyos.

Kapatid, patuloy tayong magsaliksik sa mga Aral ng Diyos at tayo ay gagabayan ng Banal na Espiritu.

Mahal tayo ng Diyos!

Sa mga Prayer Requests ay padalhan ninyo kami ng mensahe at malugod namin itong itataas sa Diyos.

20/12/2025

Roma 1:16-17
Magandang Balita Biblia

Ang Kapangyarihan ng Magandang Balita
16 Hindi ko ikinahihiya ang Magandang Balita, sapagkat ito ang kapangyarihan ng Diyos para sa kaligtasan ng bawat sumasampalataya, una'y sa mga Judio at gayundin sa mga Griego. 17 Sapagkat sa Magandang Balita ay ipinapakita kung paano itinutuwid ng Diyos ang kaugnayan ng tao sa kanya. Ito ay sa pamamagitan ng pananampalataya buhat sa simula hanggang sa wakas. Tulad ng sinasabi sa Kasulatan, “Ang itinuring ng Diyos na matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya ay mabubuhay.”

Tutoo po ang sinabi ni Apostol Pablo na ang pagunawa natin sa Magandang Balita na ipinagkaloob sa atin ng ating Panginoong Jesus ay walang pinipili. Israelita o Hentil man bastat ang sumampalataya sa Kanya ay magkakaroon ng mabuting relasyon sa Diyos.

Isuko natin ang buhay natin sa Kanya at mabuhay na naaayon sa Kanyang katuwiran dahil mahal tayo ng Diyos.

Para sa inyong mga Prayer Requests ay padalhan niyo lang kami ng mensahe at malugod namin ito na itataas sa Diyos sa pamamagitan ng Panalangin,

24/10/2025

Biyernes Ika-24 ng Oktubre 2025

Mga Pagpapala sa Pagiging Masunurin
26 “Huwag kayong gagawa ng mga diyus-diyosan o magtatayo ng mga inukit na rebulto o sagradong haligi, o mga batong hinugisan upang sambahin sa inyong lupain. Ako si Yahweh, ang Diyos ninyo. 2 Igalang ninyo ang Araw ng Pamamahinga at ang aking santuwaryo. Ako si Yahweh.

3 “Kung susundin ninyo ang aking mga tuntunin at tutuparin ang aking mga utos, 4 pauulanin ko sa tamang panahon at mamumunga nang sagana ang mga punongkahoy sa kaparangan. 5 Kahit tapos na ang panahon ng pitasan ng prutas at panahon ng muling pagtatanim ay gumigiik pa kayo. Sasagana kayo sa pagkain at mamumuhay nang panatag.

6 “Maghahari ang kapayapaan sa buong lupain at walang gagambala sa inyo. Palalayasin ko ang mababangis na hayop at wala nang dirigma sa inyo. 7 Matatakot sa inyo ang inyong mga kaaway at malulupig ninyo sila sa labanan. 8 Sapat na ang lima sa inyo upang talunin ang sandaang kaaway at ang sandaan para sa sampung libong kaaway. Malulupig ninyo ang inyong mga kalaban. 9 Pagpapalain ko kayo; kayo'y uunlad at darami. Patuloy kong pagtitibayin ang ginawa kong kasunduan sa inyo. 10 Ang inyong ani ay sobra-sobra at tatagal sa mahabang panahon. Sa katunayan, sa dami ng inyong aanihin ay ilalabas ninyo ang mga luma upang maimbak lamang ang mga bagong ani. 11 Maninirahan ako sa kalagitnaan ninyo at hindi ko kayo pababayaan. 12 Ako'y inyong kasama saanman kayo magpunta; ako ang magiging Diyos ninyo at kayo naman ang magiging bayan ko. 13 Ako si Yahweh, ang Diyos ninyo, ang siyang naglabas sa inyo sa Egipto. Pinalaya ko na kayo kaya't wala na kayong dapat ikahiya kaninuman.
Levitico 26 : 1 - 13 MBBTAG

Pinangako ng Diyos sa mga taga Israel na kung sila ay susunod sa Kaniyang mga mga Utos ay mayroon siyang gantimpala sa kanila.

Dahil tayo ay nilikha niya at kinikilala siya bilang Diyos, kasama tayo sa mga pagpapala niya kung tayo ay susunod sa kamyamg utos at kaparusahan sa mga taong ayaw sumunod sa Kanya.

Sumunod tayo sa Kanyang mga kautusan at iwasan natin na gumawa ng mga kasuklam suklam na bagay sa Mata ng Diyos!

Sa mga Prayer Requests ay maari ninyo kaming padalhan ng mensahe sa page na ito at malugod naming itataas ito sa ating Panginoon.

10/07/2025

Huwebes Ika-10 ng Hulyo 2025

Sa araw pong ito, ipinapanalangin namin ang bawat Pamilya. Na ang bawat Pamilya ay nakatuon sa Diyos at ang bawat magulang ay maturuan ang mga anak nila ng magandang asal na kaaya aya sa Diyos. Na ang mga anak ay maging masunurin sa mga magulang at maayos kaagad ang anumang hidwaan na namamagitan sa mga miyembro ng pamilya.

Sa mga Prayer Requests ay maaari ninyo kaming padalhan ng mensahe at malugod naming ipapanalangin sa Diyos ang inyong mga kahilingan.

Mahal Tayo ng Diyos!

27/06/2025

Biyernes Ika-27 ng Hunyo 2025

Amin pong pinapanalangin ang lahat ng may matinding dinaranas sa buhay. Ang Diyos natin ay buhay at inaantay lang tayo na lumapit sa Kanya upang mabigyan kayo ng kapayapaan.

Sa mga Prayer Requests, maaari ninyo kaming padalhan ng mensahe.

13/06/2025

Levitico 20:6
Magandang Balita Biblia
6 “Ang sinumang sumasangguni sa mga kumakausap sa mga espiritu ng mga namatay na o sa mga manghuhula ay kasusuklaman ko at ititiwalag sa sambayanan.

Mahigpit na ipinagbabawal ng Diyos ang mga taong kumakausap ng espiritu ng mga namatay ganun din sa mga manghuhula.

Kung ginagawa ninyo ang mga bagay na ito ay talikuran na ninyo ang mga ganitong kaugalian. Manumbalik tayo sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesus at magbibigay siya ng kapayapaan sa inyong buhay.

May oras pa para manumbalik sa kanya.

Mahal Tayo ng Diyos!

Sa mga Prayer Requests ay maari ninyo kaming padalhan ng mensahe dito sa page upang maitaas namin ang inyong kahilingan sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin.

Address

95 K-2nd Street Kamuning
Quezon City
1103

Telephone

+639222667883

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kamuning Bible Study Group posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share