BatangPastol

BatangPastol isang Kristo nasa atin

15/02/2023

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Tulong ng Diyos”

Pebrero 10, 2023. Paggunita kay Santa Escolastica, dalaga.

MABUTING BALITA
Marcos 7, 31-37
Ang Mabuting Balita ng Panginoong ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, pagbalik ni Hesus mula sa lupain ng Tiro, dumaan siya sa Sidon, at nagtuloy sa Lawa ng Galilea, matapos tahakin ang lupain ng Decapolis. Dinala sa kanya ang isang lalaking bingi at utal at ipinamanhik nila na ipatong sa taong ito ang kanyang kamay. Inilayo muna siya ni Hesus sa karamihan, at isinuot ang kanyang mga daliri sa mga tainga nito. Pagkatapos, lumura at hinipo ang dila nito. Tumingala si Hesus sa langit at nagbuntong-hininga, at sinabi sa tao, “Effata,” ibig sabihi’y “Mabuksan!”

At nakarinig na ito, nawala ang pagkautal at nakapagsalita na nang malinaw. Sinabi ni Hesus sa mga tao na huwag ibalita ito kaninuman; ngunit kung kailan sila pinagbabawalan ay lalo naman nilang ipinamamalita ito. Sila’y lubhang nanggilalas, at ang wika, “Anong buti ng lahat ng kanyang ginawa! Nakaririnig na ang bingi, at nakapagsasalita ang p**i!”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Full Readings: https://www.awitatpapuri.com/2023/02/10/biyernes-pebrero-10-2023/

Tungkol kay Santa Escolastica mula sa “Our Parish Priest” Blog: http://ourparishpriest.blogspot.com/2015/01/saints-of-february-santa-escolastica.html

Pagninilay:

Maligayang paggunita po kay Santa Escolastica! Ang tungkol po sa kanyang buhay ay mababasa sa link bago ang pagninilay na ito. Binuksan ng Panginoon ang tainga ng lalaki at siya ay nakarinig. Matapos ay nawala ang pagka-utal at nakapagsalita siya ng malinaw. Hindi lamang ito sa literal na pagiging p**i at bingi ngunit hanggang ngayon maging sa espirituwal na pagkap**i at bingi, tayo ay maaring pagalingin ng Diyos.

Gaano ba kahirap sumunod sa Diyos? Lagi ba nating alam ang kalooban Niya? At kung alam ba natin, nauunawaan ba natin nang lubos at tayo ay laging nakakasunod? Dahil tayo’y mga makasalanan, madalas tayong magkamali. Ang natural sa atin ay ang sundin ang sarili kaysa sa Diyos. Sa ganitong paraan tayo nabibingi sa paraang espirituwal. Kaya kailangan natin ng grasya ng Diyos upang malagpasan ito.

Madalas, ang malakas sa ating espirituwal na pandinig ay ang sarili lamang na interes at gusto sa buhay subalit pagdating sa Diyos, para tayong walang naririnig o naiintindihan. Kaya itong pagalingin ni Hesus. Kaya Niya tayong panibaguhin. Kaya Niyang tayo’y mas punuan pa ng pag-ibig upang makita ang tunay na importante sa buhay at masunod ito.

Kaya naman sa Diyos natin hihilingin ang grasya na ito. Una muna nating dapat gawin ay maamin sa sariling tayo ay nabibingi at nap**ipi sa espirituwal na paraan. Alam dapat natin ang ating mga tungkulin na hindi nagagawa. Kung tayo’y nagkukulang sa Diyos, bumalik agad tayo sa sakramento ng kumpisal, sa Banal na Misa at gawin ang tama.

Tayo’y hihilumin ng Diyos. Walang paninisi, puro pag-ibig lamang at paghihintay na tayo’y laging bumangon mula sa madalas na pagkakadapa. Lahat ng ito’y sa tulong din ng Mahabaging Diyos. Amen. +

Pagnilayan po natin ito. Amen. +
Pagpalain po tayong lahat ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos, at ipagsanggalang nawa Niya tayo laban sa tukso at masasama ngayon at magpakailanman. Amen. +

Pagninilay ni: F.M.M.J.
Pinagmulan ng Pagbasa: Tagalog Mass Readings © Awit at Communications

Lower Nawasa Chapter
01/12/2022

Lower Nawasa Chapter

Address

#7 Roses Street West Fairview Quezon City
Quezon City
1118

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BatangPastol posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to BatangPastol:

Share