23/11/2024
RAMOS CHRISTIAN PRESBYTERIAN CHURCH ✨❤
18th Anniversary 🎉
Scripture:Mga Awit 46:1-11
[1]Ang Diyos ang ating lakas at kanlungan, at handang saklolo kung may kaguluhan.
[2]Di dapat matakot, mundo'y mayanig man, kahit na sa dagat ang bundok matangay;
[3]kahit na magngalit yaong karagatan, at ang mga burol mayanig, magimbal.
[4]May ilog ng galak sa bayan ng Diyos, sa banal na templo'y ligaya ang dulot.
[5]Ang tahanang-lunsod ay di masisira; ito ang tahanan ng Diyos na Dakila, mula sa umaga ay kanyang alaga.
[6]Nangingilabot din bansa't kaharian, sa tinig ng Diyos lupa'y napaparam.
[7]Nasa atin ang Diyos na Makapangyarihan, ang Diyos ni Jacob na ating kanlungan.
[8]Anuman ang kanyang ginawa sa lupa, sapat nang pagmasdan at ika'y hahanga!
[9]Maging pagbabaka ay napatitigil, sibat at palaso'y madaling sirain; baluting sanggalang ay kayang tupukin!
[10]Sinasabi niya, “Ihinto ang labanan, ako ang Diyos, dapat ninyong malaman, kataas-taasan sa lahat ng bansa, sa buong sanlibuta'y pinakadakila.”
[11]Nasa atin ang Diyos na Makapangyarihan; ang Diyos ni Jacob na ating kanlungan!
KUNG ANG DIYOS AY PANIG SAATIN, SINO ANG MAKAKALABAN SAATIN?
Speaker: Bro Jules Diawa