Sanctuario Del Espiritu Santo- ICABF Brazilian Catholic Church

Sanctuario Del Espiritu Santo- ICABF Brazilian Catholic Church ICABF Brazilian Catholic Church

26/04/2026

"MAKINIG SA MABUTING PASTOL: KAYA'T MANALANGIN"

APRIL 26, 2026

19/04/2026

April 19, 2026

"NANG TAGPUIN NG AWA ANG ALAALA"

12/04/2026

APRIL 12, 2026

"PAGPAGATAWAD"

04/04/2026

MULING MABUHAY

04/04/2026

ANG PASKO NG MULING PAGKABUHAY

Pagpapabasbas ng Bagong Apoy at pagsisindi ng Kandila ng Muling Pagkabuhay tanda ng liwanag at pag-asa ni Kristo. 🕯️🙏
04/04/2026

Pagpapabasbas ng Bagong Apoy at pagsisindi ng Kandila ng Muling Pagkabuhay tanda ng liwanag at pag-asa ni Kristo. 🕯️🙏

Sa pagdiriwang ng Muling Pagkabuhay ni Hesus tayo ay inaanyayahan na sama-samang magnilay, manalangin, at magalak sa liw...
04/04/2026

Sa pagdiriwang ng Muling Pagkabuhay ni Hesus tayo ay inaanyayahan na sama-samang magnilay, manalangin, at magalak sa liwanag ng Kanyang tagumpay laban sa kamatayan. 🌅🙏

Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa ating banal na gawain ngayong April 4, 2026 | 4:00 AM

Paunawa sa lahat ng dadalo:
• Ang mga lalaki ay magmumula sa outpost
• Ang mga babae ay magsisimula sa Block 18 dulo
• Magdala ng sariling kandila bilang simbolo ng ating pananampalataya at liwanag na hatid ni Kristo sa ating buhay

Sa bawat sindi ng kandila, nawa’y mag-alab din ang ating puso sa pagmamahal, pag-asa, at pananalig sa Diyos. Sama-sama nating ipagdiwang ang tagumpay ng buhay laban sa dilim.

04/04/2026
04/04/2026

"TAKOT KABA SA DILIM - O SA LIWANAG "

APRIL 4, 2026

Malugod po naming inaanyayahan ang lahat na makiisa sa “Ang Magdamagang Pagdiriwang sa Pasko ng Muling Pagkabuhay”— isan...
03/04/2026

Malugod po naming inaanyayahan ang lahat na makiisa sa “Ang Magdamagang Pagdiriwang sa Pasko ng Muling Pagkabuhay”— isang banal at makabuluhang pagdiriwang na nagpapaalala sa atin ng liwanag, pag-asa, at bagong buhay na hatid ng muling pagkabuhay ng ating Panginoong Hesukristo.

Sa gabing ito ng pananalangin at pagninilay, sama-sama nating sariwain ang Kanyang sakripisyo at tagumpay laban sa kamatayan. Ito ay pagkakataon upang muling palalimin ang ating pananampalataya, magpasalamat sa Kanyang walang hanggang pag-ibig, at magsimula muli na may dalang pag-asa at lakas ng loob.

Inaanyayahan din po namin ang bawat isa na magdala ng kandila, tubig, asin, at langis upang mapabasbasan. Ang mga ito ay sumisimbolo sa liwanag na gumagabay sa atin, sa paglilinis at pagpapala sa ating mga tahanan, at sa patuloy na presensya ng Diyos sa ating pang-araw-araw na buhay.

🕯️ Ang kandila ay simbolo ng liwanag ni Kristo na patuloy na nagniningning sa gitna ng dilim.
💧 Ang tubig ay paalala ng paglilinis at bagong simula.
🧂 Ang asin ay tanda ng proteksyon at pagpapanatili ng kabutihan.
🫒 Ang langis ay sumisimbolo ng pagpapala, paggaling, at lakas mula sa Panginoon.

Nawa’y dalhin natin ang mga biyayang ito sa ating mga tahanan at gamitin bilang paalala na ang Diyos ay laging kasama natin sa bawat yugto ng ating buhay.

Halina’t sama-sama tayong mag-alay ng panalangin, pasasalamat, at papuri. Sa ating pagkakaisa, mas mararamdaman natin ang tunay na diwa ng Pasko ng Muling Pagkabuhay—ang tagumpay ng liwanag laban sa dilim at ng pag-asa laban sa pangamba.

📍 Magkita-kita po tayo sa ating simbahan
🕗 Oras ng Misa: 8:00 PM

Magdala ng kandila. Magdala ng pananampalataya. Magdala ng pag-asa.
Kita-kits po tayo! 🙏✨

03/04/2026

PRUSISYON NI DOLOROSA

SENAKULO 2026: “ANG PAGHIHIRAP”Isang taos-pusong pagbati sa ating Youth Ministry sa matagumpay at makabuluhang pagtatang...
03/04/2026

SENAKULO 2026: “ANG PAGHIHIRAP”

Isang taos-pusong pagbati sa ating Youth Ministry sa matagumpay at makabuluhang pagtatanghal ngayong Mahal na Araw. Sa inyong dedikasyon, sakripisyo, at talento, muli ninyong nabigyang-buhay ang kwento ng pagdurusa at pag-ibig ni Kristo.

Nawa’y magsilbi itong paalala sa ating lahat ng Kanyang walang hanggang pagmamahal at sakripisyo para sa atin. Patuloy kayong maging inspirasyon sa komunidad at sa pananampalataya.

To God be all the glory! 🙏✨

Address

Northville 1b Punturin Valenzuela Ciy
Punturin
1447

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sanctuario Del Espiritu Santo- ICABF Brazilian Catholic Church posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share