Green Pasture UMYF

Directions

Green Pasture UMYF Si Kristo Higit sa Lahat

Youth Acquaintance Fellowship | September 27, 2026✨FAITHFULNESS✨Mateo 14:30-33³⁰Ngunit nang mapansin niya na malakas ang...
28/09/2026

Youth Acquaintance Fellowship | September 27, 2026

✨FAITHFULNESS✨

Mateo 14:30-33
³⁰Ngunit nang mapansin niya na malakas ang han
³¹Agad siyang inabot ni Jesus. “Bakit ka nag-alinlangan? Napakaliit ng iyong pananampalataya!” sabi niya kay Pedro.
³²Pagkasakay nila sa bangka, tumigil ang hangin
³³at sinamba siya ng mga nasa bangka. “Tunay nga pong kayo ang Anak ng Diyos!” sabi nila.

Normal lang manghina ang pananampalataya,pero tumawag ka agad. Hindi pinagalitan agad ni Jesus si Pedro nung nalulunod. Inabot niya agad. Ang pananampalataya hindi kailangang malaki, kailangan lang nakakapit kay Jesus

Kapag sa problema, sa grades, sa family issue o sa overthinking tayo nakatingin, lumulubog tayo.

Isang sigaw mo lang na "Lord, sagipin mo ako." aabutin ka Niya agad. Hindi ka Niya hahayaan malunod.

Habang kasama mo Siya sa bangka, hihinto rin ang bagyo.

Kaya bilang kabataang Metodista, saan ka tinatawag na tumingin kay Jesus ngayong linggo? Sa gitna ng takot mo? Sa gitna ng pagdududa mo?

Huwag kang matakot. Lakasan mo loob mo. Si Jesus yan, hindi multo, hindi problema. Siya ang humahawak sa'yo kahit lumulubog ka na.

FAITHFULNESS: FEED MO UPDATED. FAITH MO OUTDATED? 📱✝️Laging updated sa TikTok, sa My Day, sa latest chismis. Pero kamust...
21/09/2026

FAITHFULNESS: FEED MO UPDATED. FAITH MO OUTDATED? 📱✝️

Laging updated sa TikTok, sa My Day, sa latest chismis. Pero kamusta naman si Lord sa timeline ng buhay mo?

If feeling mo nalulunod ka na sa overthinking, school, at problems. This is your sign.

Halika, sabay-sabay tayong mag-refresh, hindi lang ng feed, kundi ng FAITH.

🗣️ SPEAKER: Rylle Miggy Ignacio
📅 September 27, 2026 | 12:00 PM
📍 GPUMC

Kita-kits, GP Youth! Huwag kang ma-late, baka ma-left behind ka sa blessing!

Sunday Care Group | September 13, 2026 ✨Daniel 5:1-31Si Belshazzar mayaman, makapangyarihan, sikat. Pero nung bumida siy...
15/09/2026

Sunday Care Group | September 13, 2026 ✨

Daniel 5:1-31

Si Belshazzar mayaman, makapangyarihan, sikat. Pero nung bumida siya kay Lord, isang gabi lang laos siya. Ayusin mo na habang may chance pa. Hindi porket tahimik si Lord, okay lang sa Kanya. Nakikita Niya lahat. At pag Siya na ang sumulat sa pader ng buhay mo, final na.

SANDIG: 1st District Youth Conference Meeting ✨1 TIMOTEO  4:12 ¹²Huwag mong hayaang hamakin ka ninuman dahil sa iyong ka...
10/09/2026

SANDIG: 1st District Youth Conference Meeting ✨

1 TIMOTEO 4:12

¹²Huwag mong hayaang hamakin ka ninuman dahil sa iyong kabataan. Sa halip sikapin mong maging halimbawa sa mga mananampalataya, sa iyong pagsasalita, pag-uugali, pag-ibig, pananampalataya at malinis na buhay.

CTTO: East Bulacan District Umyf

Sunday Care Group | september 8, 2026Daniel 3:16-18¹⁶Sinabi nina Shadrac, Meshac at Abednego, " Mahal na haring Nebucadn...
07/09/2026

Sunday Care Group | september 8, 2026

Daniel 3:16-18

¹⁶Sinabi nina Shadrac, Meshac at Abednego, " Mahal na haring Nebucadnezar, wala po kaming masasabi sa inyo tungkol sa bagay na ito. ¹⁷Gawin ninyo kung iyan ang gusto ninyo. Ang Diyos na aming pinaglilingkuran ang magliligtad sa amin na naglalagablab na pugon at mula sa inyong kapangyarihan.
¹⁸Kung hindi maglilingkod sa inyong mga diyos ni sasamba sa rebultong ginto na ipinagawa ninyo.

August 30, 2026 | Youth Acquaintance Fellowship ✨ PATIENCE ✨ISAIAH 40:31But those who wait on the Lord shall renew their...
30/08/2026

August 30, 2026 | Youth Acquaintance Fellowship

✨ PATIENCE ✨

ISAIAH 40:31
But those who wait on the Lord shall renew their strength. They shall mount up with wings like eagles, they shall run and not be weary, they shall wake and not faint.
Sa mundong nagsasabing "dapat mabilis, dapat ngayon na", paalala sa atin ni Lord, may lakas sa paghihintay.

Hindi aksaya ang waiting season mo. Habang naghihintay ka, pinapalakas ka Niya. Yung pagod, puyat, at luha sa kakahintay, papalitan Niya ng pakpak para lumipad ka ulit.

Kaya bilang kabataang Metodista, saan ka tinatawag maghintay ngayong linggo? Sa sagot sa panalangin mo? Sa pangarap mo? Sa paghilom mo?

Hindi sayang ang paghihintay kung sa Panginoon ka naghihintay.

Patience is not just waiting, it's trusting while waiting.


29/08/2026

CH...RCH
isn't complete without..


Order na ulit kayo ng SHANG-HEY! 🥰
28/08/2026

Order na ulit kayo ng SHANG-HEY! 🥰

𝗦𝗛𝗔𝗡𝗚-𝗛𝗘𝗬! 👋 Craving Shanghai pero budget-friendly?

Worry no more! 𝙀𝙈𝘽𝙐𝙏𝙄𝘿𝙊 𝙎𝙃𝘼𝙉𝙂-𝙃𝙀𝙔 𝙉𝘼 𝙔𝘼𝙉! 😋

We’re selling our homemade Shanghai-style embutido for 𝘜𝘔𝘠𝘍’𝘴 𝘮𝘰𝘯𝘵𝘩𝘭𝘺 𝘧𝘶𝘯𝘥𝘳𝘢𝘪𝘴𝘪𝘯𝘨. Sarap na abot-kaya, para sa cravings mong Shanghai!

📅 𝐒𝐞𝐥𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐭𝐚𝐫𝐭𝐬: 𝐉𝐮𝐧𝐞 𝟎𝟕, 𝟐𝟎𝟐𝟔
📝 𝐏𝐫𝐞-𝐨𝐫𝐝𝐞𝐫 𝐧𝐨𝐰! (until May 31 only): Just DM our page or message Antonete Eboña
[𝘌𝘹𝘢𝘮𝘱𝘭𝘦: 𝘑𝘶𝘢𝘯 𝘉𝘢𝘶𝘵𝘪𝘴𝘵𝘢 - 5 𝘰𝘳𝘥𝘦𝘳𝘴]

Support, munch, and make a difference. Ano pa hinihintay niyo? Order na!

Sunday Care GroupDaniel 2:14-23Kaya, maingat na kinausap ni Daniel si Arioc, ang kapitan ng mga tanod ng hari na siyang ...
25/08/2026

Sunday Care Group

Daniel 2:14-23

Kaya, maingat na kinausap ni Daniel si Arioc, ang kapitan ng mga tanod ng hari na siyang inutusan upang patayin ang mga matatalinong tagapayo ng Babilonia. Tinanong niya ito, "Bakit po nag-utos ng ganito kabigat ang mahal na hari? " At sinabi naman sakanya ni Arioc ang dahilan.
Dahil dito, nagpunta sa hari si Daniel at nakiusap na bigyan pa siya ng panahon at ipapaliwanag niya ang panaginip nito. Matapos payagan, umuwi si Daniel at sinabi kina Hananias, Misael at Azarias ang pangyayari. Hiniling niyang sama-sama silang manalangin sa Diyos na kalangitan tungkol sa hiwagang iyon upang hindi sila patayin kasama ng matatalinong tagapayo ng Babilonia. Nang gabing iton, sa pamamagitan ng pangitain ay inihayag ng Diyos kay Daniel ang nasabing hiwaga. Kaya't pinupuri niya ang Diyos ng kalangitan. Ang sabi ni Daniel: " Purihin magpakailanman ang pangalan ng Diyos, pagkat siya'y marunong at makapangyarihang lubos. Siya'y nakakapagbaho ng mga kapanahunan, naglalagay at nag-aalis ng mga hari sa luklukan; siyanh nagbibigay ng karunungan sa matatalino at kaalaman sa may pang-unawa. Naghahayag ng mga lihim at kahiwagaan; nakatatalos sa mga nasa kadiliman, sapagkat ang kaliwanagan sa kanya'y nananahan. Pinupuri ko kayo at pinasasalamatan, O Diyos ng aking mga magulang dahil sa kaloob ninyo sa aking lakas at karunungan, ngayo'y ibinigay ninyo sa akin ang aking kahilingan, panaginip ng hati sa ami'y ipinaalam. "


TAHANAN: Lugar ng pagtanggap, pagmamahal, at pagbabago. 💙Ang root word ng "Tahanan" ay "tahan" — tumigil sa pag iyak, ma...
17/08/2026

TAHANAN: Lugar ng pagtanggap, pagmamahal, at pagbabago. 💙

Ang root word ng "Tahanan" ay "tahan" — tumigil sa pag iyak, maging payapa. Ganyan din dapat sa church, hindi lang apat na sulok.

Hindi perpekto ang mga tao sa church. Pero dito sa 𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡𝗔𝗡 ng Diyos mararanasan mo ang:

"WELCOMING" - May lugar ka dito palagi, welcome ka sa pag balik.

"ACCEPTING" - Mahal at tinatanggap ka, flaws and all. Pag accept sa mga may sugat.

"UNDERSTANDING" - May pasensya sa pagkakamali at mga nagkakamali.

"FORGIVING" - Laging may second chance, katulad kay Jesus.

Si Jesus ang unang nagpakita nito sa atin. Kaya tayo rin, maging tahanan para sa iba.

Kahit matagal kang nawala, kahit may pinagdadaanan ka, may uuwian ka pa rin.

Welcome home. 🙏🏻


Address

Cityland Roadside
Pulong Buhangin

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Green Pasture UMYF posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share