21/01/2026
MUNTING HANDOG PARA KAY LOLO'T LOLA
Sa darating pong ika-22 ng Pebrero, 2026, ang Komisyon ng Kabataan ay magsasagawa ng isang Outreach Program para sa ating mga mahal na Lolo at Lola na nasa pangangalaga ng mga Madre sa EMMAUS HOUSE OF APOSTOLATES. Sila po ay mga lolo't lolang tahimik na nag-alay ng kanilang lakas at buhay para sa kanilang pamilya at komunidad - at ngayon, ang kailangan nila ay ang ating malasakit, pag-aaruga, at presensya.
Layunin po ng gawaing ito na matugunan ang kanilang pangunahing pangangailangan, makatulong sa pagpapanatili ng kanilang pasilidad, at higit sa lahat, ipadama sa kanila na sila ay mahalaga, inaalala, at hindi nag-iisa. Sa pagkakataong ito, kami po ay buong pagpapakumbabang kumakatok sa inyong mga pusong mapagbigay upang makiisa sa munting handog na may malaking kahulugan.
Narito po ang mga kagamitang maaari nating ialay bilang tanda ng ating pagkalinga at pagmamahal:
- Pagkain: Biscuit (tulad ng Skyflakes, Hansel, at iba pang walang palaman) at Instant Oatmeal
- Pangkalusugan: Adult Milk at Adult Diapers
- Personal na Gamit: Toiletries at mga damit (Daster, T-shirt, Shorts, at Pajamas)
- Pang-maintenance: Laundry Detergent, Panlinis ng Banyo, Walis, at Mop
Sa mga nagnanais pong magbahagi ng tulong, maging ito man ay in-kind o monetary, maaari po kayong makipag-ugnayan kina:
- Bro. Marvin Avanceรฑa (Pangulo ng Komisyon ng Kabataan) https://www.facebook.com/PcyPPLH
- Bro. JC Magtalas (Pangulo ng Ministry of Altar Servers) https://www.facebook.com/people/Ministry-of-Altar-Server-Parokya-ng-Pag-Akyat-sa-Langit-ni-Hesukristo/100054500317931/
- Sis. Yzabella Ortega (Pangulo ng Komisyon ng Pamamahayag) https://www.facebook.com/PagakyatSaLangitniHesukristo
Maaari rin po nating ialay ang ating mga donasyon sa mga Banal na Misa. Pakilagyan lamang po ng tanda na ito ay para sa "Outreach Program para sa mga Lolo at Lola."
Sa bawat munting handog, may ngiting mabubuo. At sa bawat tulong, may pusong muling mapapalakas.
Maraming Salamat po sa inyong bukas na palad, wagas na pagmamalasakit, at pagmamahal sa ating mga nakatatanda. Pagpalain nawa kayo ng Panginoong Hesus na Umakyat sa Langit!