Sta. Maria Magdalena de Pulilan

Sta. Maria Magdalena de Pulilan APOSTOLA APOSTOLORUM
“Nakita ko ang panginoon”

23/08/2025
On the Feast of St. Mary Magdalene, we reflect on the mystery of a heart that deeply loved, sincerely repented, and bold...
22/07/2025

On the Feast of St. Mary Magdalene, we reflect on the mystery of a heart that deeply loved, sincerely repented, and boldly proclaimed the Risen Christ. Her symbols the alabaster jar, the tears of repentance, the strength of faith, and the radiance of her witness have all come together and made a sacred highlight of this celebration, inviting us to return to the Lord with pure and undivided hearts.




KAPISTAHAN NI STA. MARIA MAGDALENANgayong ipinagdiriwang natin ang kapistahan ni Sta. Maria Magdalena, ating parangalan ...
22/07/2025

KAPISTAHAN NI STA. MARIA MAGDALENA

Ngayong ipinagdiriwang natin ang kapistahan ni Sta. Maria Magdalena, ating parangalan ang babaeng unang tumanggap ng balita ng Muling Pagkabuhay. Sa kanyang pusong nagbalik-loob, sa kanyang pananatili sa paanan ng Krus, at sa kanyang pananabik kay Kristo, nakita natin ang tunay na anyo ng pananampalataya at pagmamahal.

Sta. Maria Magdalena, Apostol ng mga Apostol, ipanalangin mo kami na sa gitna ng aming kahinaan ay matutong magmahal, manampalataya, at sumunod kay Kristo nang buo naming puso.

Viva Sta. Maria Magdalena!




Ikatlong Araw ng Triduo at Bisperas ng Kapistahan ni Sta. Maria MagdalenaSa huling araw ng ating Triduo at sa bisperas n...
21/07/2025

Ikatlong Araw ng Triduo at Bisperas ng Kapistahan ni Sta. Maria Magdalena

Sa huling araw ng ating Triduo at sa bisperas ng kanyang kapistahan, muli nating iniaalay ang ating panalangin sa Diyos sa pamamagitan ni Sta. Maria Magdalena ang tapat na alagad, saksi ng liwanag, at apostol ng Muling Pagkabuhay.

O mahal na Santa, ipanalangin mo kaming maging mga tunay na tagasunod ni Kristo, gaya ng iyong hindi matitinag na pag-ibig at pananampalataya. Sa bukang-liwayway ng kapistahan mo, patuloy naming inaasam ang biyayang maging mas malapit sa Puso ni Hesus.




Ikalawang Araw ng Triduo | Sta. Maria MagdalenaSa pagpapatuloy ng Triduo, pinagninilayan natin ang katatagan ng loob at ...
20/07/2025

Ikalawang Araw ng Triduo | Sta. Maria Magdalena

Sa pagpapatuloy ng Triduo, pinagninilayan natin ang katatagan ng loob at katapatan ni Sta. Maria Magdalena sa Panginoon mula sa paanan ng Krus hanggang sa bukang-liwayway ng Pasko ng Muling Pagkabuhay. Siya ang larawan ng pusong hindi bumitiw sa Diyos, kahit sa gitna ng kadiliman.

O Sta. Maria Magdalena, turuan mo kaming magmahal nang buo, manalig nang tapat, at manatili sa piling ni Hesus hanggang sa wakas.




Address

Pulilan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sta. Maria Magdalena de Pulilan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share