Soldiers Of Christ Catholic Charismatic Healing Ministry Official

Soldiers Of Christ Catholic Charismatic Healing Ministry Official Religious Group
(380)

21/05/2026

HEALING ON THE AIR

20/05/2026
20/05/2026

HEALING ON THE AIR

19/05/2026

Upang tayo ay maging mabuting lingkod Niya, patuloy tayong makinig sa Salita ng Diyos dahil ito ang nagsisilbing liwanag at gabay na unti-unting humuhubog sa ating pagkatao. 😇

Palagi nating buksan ang ating puso’t isipan sa Salita ng Diyos upang tuluyan tayong mamuhay ayon sa Kanyang kalooban. 🙏

19/05/2026
‎Martes sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay‎‎Mga Gawa 20:17-27‎Salmo 67:10-11. 20-21‎‎Tanang mga kaharian,‎ang Poong ...
19/05/2026

‎Martes sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

‎Mga Gawa 20:17-27
‎Salmo 67:10-11. 20-21

‎Tanang mga kaharian,
‎ang Poong D’yos ay awitan.

‎MABUTING BALITA
‎Juan 17:1-11a

‎Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

‎Noong panahong iyon, tumingala si Hesus sa langit at ang wika, “Ama, dumating na ang oras: parangalan mo ang iyong Anak upang maparangalan ka naman niya. Sapagkat pinagkalooban mo siya ng kapangyarihan sa sangkatauhan, upang magbigay ng buhay na walang hanggang sa lahat ng ibinigay mo sa kanya. Ito ang buhay na walang hanggan: ang kilalanin ka nila, ang iisa at tunay na Diyos, at si Hesukristo na iyong sinugo. Inihayag ko rito sa lupa ang iyong karangalan; natapos ko na ang ipinagagawa mo sa akin. Kaya, Ama, ipagkaloob mo sa akin ngayon ang karangalang taglay ko sa piling mo bago pa likhain ang sanlibutan.”

‎“Ipinakilala kita sa mga taong ibinigay mo sa akin mula sa sanlibutan. Sila’y iyo; ibinigay mo sila sa akin, at tinupad nila ang iyong salita. Ngayo’y alam na nilang mula sa iyo ang lahat ng ibinigay mo sa akin; sapagkat itinuro ko sa kanila ang lahat ng aking nabatid sa iyo at tinanggap naman nila. Natitiyak nilang ako’y galing sa iyo, at naniniwala silang ikaw nga ang nagsugo sa akin.”

‎“Idinadalangin ko sila, hindi ang sanlibutan kundi ang lahat ng ibinigay mo sa akin, sapagkat sila’y iyo. Ang lahat ng sa akin ay iyo, at ang lahat ng iyo ay akin; at pararangalan ako sa pamamagitan nila. At ngayon, ako’y pupunta na sa iyo; aalis na ako sa sanlibutan, ngunit nasa sanlibutan pa sila.”

‎Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

‎God is great and greatly to be praised!
‎~ Psalm 96:4



18/05/2026

VIGIL OVERNIGHT

Address

0073 Sto. Cristo
Pulilan
3004

Telephone

+639253007674

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Soldiers Of Christ Catholic Charismatic Healing Ministry Official posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share