PCY San Isidro Labrador - Pulilan

Directions Contact the place of worship

PCY San Isidro Labrador - Pulilan The official page of the Parish Commission on Youth of the Diocesan Shrine and Parish of San Isidro Labrador in Pulilan, Bulacan. Tara na!

Kung ikaw ay 13-39 years old,
Kung ikaw ay handang maglingkod sa Diyos,
Kung ikaw ay handang tumugon sa tawag Niya,
Kung handa kang ialay ang iyong oras at lakas sa paglilingkod,
Tara na! Sali na sa Parish Commission on Youth! Gusto mo bang sumali sa aming pagkanta, pagsayaw, maglingkod at dumami ang iyong mga kaibigan? Gusto mo bang lumalim ang relasyon mo sa Diyos? Halinaโ€™t makiisa sa bawat aktibidad ng aming samahan at ating tugunin ang tawag ng ating Diyos! Tara na at huwag nating biguin ang Kaniyang tawag dahil hindi Niya tayo binibigo, sapagkat patuloy Niya tayong MINAMAHAL, PINAGPAPALA AT PINALALAKAS! Makipag-ugnayan lamang sa mga lider-kabataan sa ating mga Sub-parishes o makipag-ugnayan sa opisina ng Parokya ni San Isidro Labrador. Maraming salamat po!

๐‘ด๐’‚๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’‘๐’‚๐’๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Œ๐’‚๐’‚๐’“๐’‚๐’˜๐’‚๐’ ๐’”๐’‚๐’š๐’!Ang PCY DSPSIL-Pulilan ay bumabati kay Sis. Charmian, isa sa miyembro ng ating komisyon, ng is...
24/09/2026

๐‘ด๐’‚๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’‘๐’‚๐’๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Œ๐’‚๐’‚๐’“๐’‚๐’˜๐’‚๐’ ๐’”๐’‚๐’š๐’!

Ang PCY DSPSIL-Pulilan ay bumabati kay Sis. Charmian, isa sa miyembro ng ating komisyon, ng isang maligayang bati sa kaniyang nakaraang kaarawan! ๐ŸŽ‰

Nawaโ€™y maging puno ng saya at di-malilimutang alaala ang iyong pagdiriwang kasama ang iyong mga mahal sa buhay!

Lubos ang aming pasasalamat sa iyong hindi matatawarang dedikasyon at kahandaang maglingkod na tunay na hinahangaan ng kapwa mo kabataan.

Patuloy nawa ang iyong pagiging tapat na lingkod ng kabataan, at nawaโ€™y gabayan ka Niya sa lahat ng landas ng iyong hinaharap.

Mahal ka ng PCY! ๐Ÿ˜Œ

Maligayang kaarawan, Sis. Mian!



๐‘ด๐’‚๐’๐’–๐’ˆ๐’๐’… ๐’๐’‚๐’Ž๐’Š๐’๐’ˆ ๐’Š๐’‘๐’Š๐’๐’‚๐’ˆ๐’…๐’Š๐’“๐’Š๐’˜๐’‚๐’๐’ˆ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Œ๐’‚๐’‚๐’“๐’‚๐’˜๐’‚๐’ ๐’๐’ˆ ๐’‚๐’Ž๐’Š๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’Š๐’๐’‚๐’Ž๐’‚๐’‰๐’‚๐’ ๐’๐’‚ ๐‘ฒ๐’–๐’“๐’‚ ๐‘ท๐’‚๐’“๐’๐’Œ๐’, ๐‘น๐’†๐’—. ๐‘ด๐’”๐’ˆ๐’“. ๐‘ซ๐’‚๐’“๐’Š๐’ ๐‘ฝ. ๐‘ช๐’‚๐’ƒ๐’“๐’‚๐’, ๐‘ฒ๐’–๐’“๐’‚ ๐‘ท๐’‚๐’“๐’๐’Œ๐’ ๐’๐’ˆ...
24/09/2026

๐‘ด๐’‚๐’๐’–๐’ˆ๐’๐’… ๐’๐’‚๐’Ž๐’Š๐’๐’ˆ ๐’Š๐’‘๐’Š๐’๐’‚๐’ˆ๐’…๐’Š๐’“๐’Š๐’˜๐’‚๐’๐’ˆ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Œ๐’‚๐’‚๐’“๐’‚๐’˜๐’‚๐’ ๐’๐’ˆ ๐’‚๐’Ž๐’Š๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’Š๐’๐’‚๐’Ž๐’‚๐’‰๐’‚๐’ ๐’๐’‚ ๐‘ฒ๐’–๐’“๐’‚ ๐‘ท๐’‚๐’“๐’๐’Œ๐’, ๐‘น๐’†๐’—. ๐‘ด๐’”๐’ˆ๐’“. ๐‘ซ๐’‚๐’“๐’Š๐’ ๐‘ฝ. ๐‘ช๐’‚๐’ƒ๐’“๐’‚๐’, ๐‘ฒ๐’–๐’“๐’‚ ๐‘ท๐’‚๐’“๐’๐’Œ๐’ ๐’๐’ˆ ๐’‚๐’Ž๐’Š๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’‚๐’“๐’๐’Œ๐’š๐’‚! ๐Ÿ™๐ŸŽ‰

Kami po, ang mga kabataan ng Parokya, ay taos-pusong nagpapasalamat sa inyong patuloy na paggabay, pagtuturo, at pagmamahal.

Sa pamamagitan ng inyong malasakit, hindi lamang ninyo ipinapadama ang pagiging isang mabuting Pastol ng Panginoon, kundi patuloy din ninyo kaming pinapamulat sa mahahalagang isyu at suliranin ng lipunan.

Ang inyong mga salita at halimbawa ng paglilingkod ay nagsisilbing ilaw at inspirasyon upang kami, bilang kabataan ng Simbahan, ay maging mas responsable, mas may malasakit, at mas handang tumugon sa tawag ng Diyos at ng bayan.

Dalangin namin na patuloy kayong pagkalooban ng Panginoon ng kalakasan, karunungan, at kalusugan upang ipagpatuloy ang inyong misyon ng paghubog at paggabay sa aming lahat.

Maligayang kaarawan po, Monsignor!
Ad multos annos!



๐‘ด๐’‚๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’‘๐’‚๐’๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Œ๐’‚๐’‚๐’“๐’‚๐’˜๐’‚๐’ ๐’”๐’‚๐’š๐’!Ang PCY DSPSIL-Pulilan ay bumabati kay Bro. Lei, isa sa miyembro ng ating komisyon, ng isang m...
23/09/2026

๐‘ด๐’‚๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’‘๐’‚๐’๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Œ๐’‚๐’‚๐’“๐’‚๐’˜๐’‚๐’ ๐’”๐’‚๐’š๐’!

Ang PCY DSPSIL-Pulilan ay bumabati kay Bro. Lei, isa sa miyembro ng ating komisyon, ng isang maligayang bati sa kaniyang nakaraang kaarawan! ๐ŸŽ‰

Nawaโ€™y maging puno ng saya at di-malilimutang alaala ang iyong pagdiriwang kasama ang iyong mga mahal sa buhay!

Lubos ang aming pasasalamat sa iyong hindi matatawarang dedikasyon at kahandaang maglingkod na tunay na hinahangaan ng kapwa mo kabataan.

Patuloy nawa ang iyong pagiging tapat na lingkod ng kabataan, at nawaโ€™y gabayan ka Niya sa lahat ng landas ng iyong hinaharap.

Mahal ka ng PCY! ๐Ÿ˜Œ

Maligayang kaarawan, Lei!



๐Œ๐†๐€ ๐Š๐€๐๐€๐“๐€๐€๐ ๐๐ˆ ๐’๐€๐ ๐ˆ๐’๐ˆ๐ƒ๐‘๐Ž, ๐‡๐€๐๐ƒ๐€ ๐Š๐€ ๐๐€ ๐๐€๐๐† ๐Œ๐€๐†๐๐”๐๐‹๐€? ๐ŸŒฑNarito na ang pinakahihintay ninyo, bukas na ang ๐—ข๐—™๐—™๐—œ๐—–๐—œ๐—”๐—Ÿ ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—ฆ๐—›...
20/09/2026

๐Œ๐†๐€ ๐Š๐€๐๐€๐“๐€๐€๐ ๐๐ˆ ๐’๐€๐ ๐ˆ๐’๐ˆ๐ƒ๐‘๐Ž, ๐‡๐€๐๐ƒ๐€ ๐Š๐€ ๐๐€ ๐๐€๐๐† ๐Œ๐€๐†๐๐”๐๐‹๐€? ๐ŸŒฑ

Narito na ang pinakahihintay ninyo, bukas na ang ๐—ข๐—™๐—™๐—œ๐—–๐—œ๐—”๐—Ÿ ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—ฆ๐—› ๐—ฌ๐—ข๐—จ๐—ง๐—› ๐——๐—”๐—ฌ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐—ฅ๐—˜๐—š๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—ฅ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก!

Sa temang "๐™‹๐™๐™‰๐™‡๐˜ผ: ๐™ˆ๐™ช๐™ก๐™– ๐™จ๐™– ๐™‡๐™ž๐™ฉ๐™ช๐™ง๐™๐™ž๐™ฎ๐™–, ๐™๐™ช๐™ฃ๐™œ๐™ค ๐™จ๐™– ๐™ˆ๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ", ang ating ๐๐š๐ซ๐ข๐ฌ๐ก ๐˜๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐ƒ๐š๐ฒ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ay magiging isang natatanging gawain ng mga kabataan ng Pandiyosesis na Dambana at Parokya ni San Isidro Labrador kung saan tayo magtitipon, magkakaisa, at magdiriwang!

Kaya mga Ka-Punla, ihanda na ang inyong talento, kakayahan, pananampalataya, at pusong handang maglingkod!

Mula sa Simbahan tungo sa ating pamayanan.
Mula sa pakikibahagi tungo sa buong pusong paglilingkod.
Mula sa Liturhiya tungo sa Misyon!

Kaya ano pa ang hinihintay mo, mga Ka-Punla?

Kita-kita tayo sa ๐๐š๐ซ๐ข๐ฌ๐ก ๐˜๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐ƒ๐š๐ฒ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”!

๐—ฅ๐—˜๐—š๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—˜๐—ฅ ๐—ก๐—ข๐—ช! ๐ŸŒฑ

๐™๐™š๐™œ๐™ž๐™จ๐™ฉ๐™ง๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ ๐™๐™ค๐™ง๐™ข:
https://forms.gle/28ehEnt63YPgYxiX6

๐Ÿ“Œ ๐๐€๐€๐‹๐€๐‹๐€, ๐Œ๐†๐€ ๐Š๐€-๐๐”๐๐‹๐€!

Ang ating Pre-registration Form ay sasagutan tangi ng mga SPCY Coordinators at Organization Heads. Sila lamang ang awtorisado magsagawa ng pagpaparehistro para sa kanilang mga miyembro.

Kaya naman, makipag-ugnayan sa inyong SPCY Coordinators o Organization Heads para sa inyong pagpaparehistro.

Maraming salamat! ๐ŸŒฑ








๐ˆ๐’๐€๐๐† ๐๐€๐๐˜๐Ž, ๐ˆ๐’๐€๐๐† ๐ƒ๐„๐๐Ž๐’๐˜๐Ž๐ | ๐™๐™ช๐™ฃ๐™™๐™ง๐™–๐™ž๐™จ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™„๐™ฃ๐™ž๐™ฉ๐™ž๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ซ๐™š ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™– ๐™จ๐™– ๐™‹๐™–๐™œ๐™™๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ฃ๐™œ ๐™ˆ๐™–๐™๐™–๐™ก ๐™ฃ๐™– ๐˜ฝ๐™ž๐™ง๐™๐™š๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐˜ผ๐™ฃ๐™ฉ๐™ž๐™ฅ๐™ค๐™ก๐™คAng Pamparokyang Ko...
20/09/2026

๐ˆ๐’๐€๐๐† ๐๐€๐๐˜๐Ž, ๐ˆ๐’๐€๐๐† ๐ƒ๐„๐๐Ž๐’๐˜๐Ž๐ | ๐™๐™ช๐™ฃ๐™™๐™ง๐™–๐™ž๐™จ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™„๐™ฃ๐™ž๐™ฉ๐™ž๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ซ๐™š ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™– ๐™จ๐™– ๐™‹๐™–๐™œ๐™™๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ฃ๐™œ ๐™ˆ๐™–๐™๐™–๐™ก ๐™ฃ๐™– ๐˜ฝ๐™ž๐™ง๐™๐™š๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐˜ผ๐™ฃ๐™ฉ๐™ž๐™ฅ๐™ค๐™ก๐™ค

Ang Pamparokyang Komisyon ng Kabataan ay magkakaroon ng pagbebenta ng mga panyo para sa nalalapit na pagdating ng Mahal na Birhen ng Antipolo, Ina ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay, sa Pandiyosesis na Dambana at Parokya ni San Isidro Labrador, Pulilan.

Inaanyayahan ang lahat ng makikibahagi sa pagsalubong sa Mahal na Birhen na tangkilikin ang aming fundraising, na maaari nating iwagayway bilang tanda ng ating masayang pagtanggap at debosyon sa kanyang pagdating.

Mananatili ang Mahal na Birhen sa ating Dambana hanggang Setyembre 26. Ang panyo ay maaari ring gamitin bilang munting alaala at gabay sa pananalangin, sapagkat taglay nito ang larawan at panalangin sa Mahal na Birhen ng Antipolo.

Sama-sama nating salubungin ang Mahal na Birhen nang may pananampalataya, pagmamahal, at pananalangin.๐Ÿ’™


๐‘ด๐’‚๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’‘๐’‚๐’๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Œ๐’‚๐’‚๐’“๐’‚๐’˜๐’‚๐’ ๐’”๐’‚๐’š๐’!Ang PCY DSPSIL-Pulilan ay bumabati kay ๐๐ซ๐จ. ๐‘๐ž๐ง๐ง๐ข๐ž๐ฅ, ang ๐๐š๐ซ๐ข๐ฌ๐ก ๐˜๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐‚๐จ๐จ๐ซ๐๐ข๐ง๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐‚๐จ๐ฎ๐ง๐œ๐ข๐ฅ ๐‚๐จ๐จ...
18/09/2026

๐‘ด๐’‚๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’‘๐’‚๐’๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Œ๐’‚๐’‚๐’“๐’‚๐’˜๐’‚๐’ ๐’”๐’‚๐’š๐’!

Ang PCY DSPSIL-Pulilan ay bumabati kay ๐๐ซ๐จ. ๐‘๐ž๐ง๐ง๐ข๐ž๐ฅ, ang ๐๐š๐ซ๐ข๐ฌ๐ก ๐˜๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐‚๐จ๐จ๐ซ๐๐ข๐ง๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐‚๐จ๐ฎ๐ง๐œ๐ข๐ฅ ๐‚๐จ๐จ๐ซ๐๐ข๐ง๐š๐ญ๐จ๐ซ ng aming Komisyon, ng isang maligayang bati sa kaniyang kaarawan! ๐ŸŽ‰

Maraming salamat sa iyong napakabuting puso para sa mga kapwa mo kabataan at dedikasyon na inilalaan mo para sa mga gawain ng Komisyon.

Nawaโ€™y maging puno ng saya at di-malilimutang alaala ang iyong pagdiriwang kasama ang iyong mga mahal sa buhay!

Lubos ang aming pasasalamat sa iyong hindi matatawarang kasipagan at kahandaang maglingkod na tunay na dapat hangaan.

Patuloy nawa ang iyong pagiging tapat na lingkod ng kabataan, at nawaโ€™y gabayan ka Niya sa lahat ng landas ng iyong hinaharap.

๐Œ๐š๐ก๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ ๐ค๐š ๐ง๐  ๐๐‚๐˜! ๐Ÿ˜Œ

Maligayang kaarawan, Kuya Renniel!

๐—จ๐˜†, ๐˜‚๐˜†, ๐˜‚๐˜†, ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐˜‚๐—บ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ...Kabataan ni San Isidro, handa ka na baaa?๐—ฆ๐—ข๐— ๐—˜๐—ง๐—›๐—œ๐—ก๐—š ๐—•๐—œ๐—š ๐—œ๐—ฆ ๐—š๐—ข๐—œ๐—ก๐—š ๐—ง๐—ข ๐—›๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—˜๐—ก!See-๐™”๐™Š๐™๐™๐™ƒ! ๐Ÿ‘€
16/09/2026

๐—จ๐˜†, ๐˜‚๐˜†, ๐˜‚๐˜†, ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐˜‚๐—บ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ...

Kabataan ni San Isidro, handa ka na baaa?

๐—ฆ๐—ข๐— ๐—˜๐—ง๐—›๐—œ๐—ก๐—š ๐—•๐—œ๐—š ๐—œ๐—ฆ ๐—š๐—ข๐—œ๐—ก๐—š ๐—ง๐—ข ๐—›๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—˜๐—ก!

See-๐™”๐™Š๐™๐™๐™ƒ! ๐Ÿ‘€


๐๐”๐๐‹๐€ ๐’๐„๐’๐’๐ˆ๐Ž๐: ๐’๐€๐Œ๐๐€๐‹๐€๐“๐€๐˜๐€โ€“๐Š๐€๐๐€๐“๐€๐€๐๐† ๐’๐€๐Œ๐€-๐’๐€๐Œ๐€ ๐’๐€ ๐ˆ๐ˆ๐’๐€๐๐† ๐๐€๐๐€๐๐€๐Œ๐๐€๐‹๐€๐“๐€๐˜๐€ | ๐’๐„๐๐“๐„๐Œ๐๐„๐‘ ๐Ÿ๐Ÿ‘ | ๐Ÿ๐Ÿ:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐๐๐˜ฝ๐™–๐™ฌ๐™–๐™ฉ ๐™ ๐™–๐™–๐™ก๐™–๐™ข๐™–๐™ฃ ๐™–๐™ฎ ๐™ฃ๐™–๐™œ๐™จ...
16/09/2026

๐๐”๐๐‹๐€ ๐’๐„๐’๐’๐ˆ๐Ž๐: ๐’๐€๐Œ๐๐€๐‹๐€๐“๐€๐˜๐€โ€“๐Š๐€๐๐€๐“๐€๐€๐๐† ๐’๐€๐Œ๐€-๐’๐€๐Œ๐€ ๐’๐€ ๐ˆ๐ˆ๐’๐€๐๐† ๐๐€๐๐€๐๐€๐Œ๐๐€๐‹๐€๐“๐€๐˜๐€ | ๐’๐„๐๐“๐„๐Œ๐๐„๐‘ ๐Ÿ๐Ÿ‘ | ๐Ÿ๐Ÿ:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐๐

๐˜ฝ๐™–๐™ฌ๐™–๐™ฉ ๐™ ๐™–๐™–๐™ก๐™–๐™ข๐™–๐™ฃ ๐™–๐™ฎ ๐™ฃ๐™–๐™œ๐™จ๐™ž๐™จ๐™ž๐™ข๐™ช๐™ก๐™– ๐™จ๐™– ๐™ž๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™ช๐™ฃ๐™ก๐™–โ€”๐™ข๐™ช๐™ฃ๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™ž๐™ฃ๐™๐™ž ๐™ฃ๐™– ๐™ ๐™–๐™ฅ๐™–๐™œ ๐™ž๐™ฃ๐™–๐™ก๐™–๐™œ๐™–๐™–๐™ฃ ๐™–๐™ฎ ๐™ฉ๐™ช๐™ฉ๐™ช๐™—๐™ค ๐™–๐™ฉ ๐™ข๐™–๐™ข๐™ช๐™ข๐™ช๐™ฃ๐™œ๐™–.

Pagmasdan ang mga kuhang larawan mula sa matagumpay na isinagawang huling bahagi ng PUNLA Session: SAMPALATAYAโ€“Kabataang Sama-Sama sa Iisang Pananampalataya na ginanap ngayong araw sa Bisita ng San Juan Evangelista โ€“ Dampol 1st, Pulilan, Bulacan.

Sa pangunguna ng Committee on Education and Lay Formation, nagsilbing daan ang talakayan na ito upang maitanim sa puso ng mga kabataan ang mga pangunahing kasanayan at kaalaman ukol sa ating simbahan.

Nawa 'y ang mga kaalamang ito ay patuloy na yumabong at mamunga ng maging kasangkapan upang higit na makapaglingkod sa Diyos.

Sapagkat ang tunay na paglilingkod ay nagsisimula sa isang munti at mabuting punla. ๐ŸŒฑ









๐๐€๐๐€๐‹๐€๐๐†๐ˆ๐ ๐’๐€ ๐†๐€๐–๐ˆ ๐๐† ๐“๐€๐ˆ๐™๐„ฬ | ๐’๐„๐“๐˜๐„๐Œ๐๐‘๐„ ๐Ÿ๐Ÿ | ๐Ÿ”:๐Ÿ‘๐ŸŽ ๐๐† ๐†๐€๐๐ˆTingnan ang mga kuhang larawan mula sa isinagawang Panalangin ...
16/09/2026

๐๐€๐๐€๐‹๐€๐๐†๐ˆ๐ ๐’๐€ ๐†๐€๐–๐ˆ ๐๐† ๐“๐€๐ˆ๐™๐„ฬ | ๐’๐„๐“๐˜๐„๐Œ๐๐‘๐„ ๐Ÿ๐Ÿ | ๐Ÿ”:๐Ÿ‘๐ŸŽ ๐๐† ๐†๐€๐๐ˆ

Tingnan ang mga kuhang larawan mula sa isinagawang Panalangin sa Gawi ng Taize noong ika-12 ng Setyembre sa ganap na ika-06:30 ng gabi sa Bisita ng Sto. Rosario โ€“ Lumbac, Pulilan, Bulacan.

Ang nasabing gawain ay buong pusong tinugunan ng mga kabataan mula Pamparokyang Komisyon ng Kabataan kasama ang Sub-Parish Commission on Youth ng Sto. Rosario โ€“ Lumbac. Dito, nakasama rin nila si Reb. Pd. Wyntelxnou Michikko G. Avila, ang kanilang Makadiwang Patnugot at Bikaryo Paroko ng Pandiyosesis na Dambana at Parokya ni San Isidro Labrador.

Sa panandaliang katahimikan, buong pusong pag-awit, at taimtim na pananalangin, nagkaroon ng pagkakataon ang mga kabataan na pansamantalang huminto, magnilay, at ituon ang kanilang puso 't isipan sa presensya ng Diyos.

Sa mundong patuloy na nagdudulot ng samuโ€™t saring ingay, naging paalala ang gabing ito na sapat na ang ating taimtim na mga panalangin upang marinig tayo ng Diyos.

Nawa, ang natagpuan nila sa gabing ito ay maging baon sa bawat araw upang sila ay maging isang kabataan na may pusong mas handang makinig, magmahal, at maglingkod.








๐ŸŒฟ ๐ƒ๐€๐‹๐€๐– ๐๐€๐“๐‘๐Ž๐ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐ˆ๐Š๐€-๐Ÿ๐Ÿ‘ ๐๐† ๐’๐„๐“๐˜๐„๐Œ๐๐‘๐„ | ๐’๐๐‚๐˜ ๐’๐“๐Ž. ๐๐ˆร‘๐Ž ๐ƒ๐„ ๐๐”๐‹๐Ž๐๐† ๐“๐€๐Œ๐๐ˆ๐‹๐Ž๐† โ€“ ๐๐”๐‹๐ŽMatagumpay na isinagawa ng Pamparoky...
16/09/2026

๐ŸŒฟ ๐ƒ๐€๐‹๐€๐– ๐๐€๐“๐‘๐Ž๐ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐ˆ๐Š๐€-๐Ÿ๐Ÿ‘ ๐๐† ๐’๐„๐“๐˜๐„๐Œ๐๐‘๐„ | ๐’๐๐‚๐˜ ๐’๐“๐Ž. ๐๐ˆร‘๐Ž ๐ƒ๐„ ๐๐”๐‹๐Ž๐๐† ๐“๐€๐Œ๐๐ˆ๐‹๐Ž๐† โ€“ ๐๐”๐‹๐Ž

Matagumpay na isinagawa ng Pamparokyang Komisyon ng Kabataan ng Pandiyosesis na Dambana at Parokya ni San Isidro Labrador โ€“ Pulilan, katuwang ang mga nakatalagang lingkod-kabataan, ang lingguhang Dalaw Patron 2026 bilang paghahanda sa nalalapit na Dakilang Kapistahan ni San Pedro Calungsod, patron ng mga kabataan.

Sa ganap na ika-4:00 ng hapon, isinagawa ng Sub-Parish Commission on Youth (SPCY) Sto. Rosario - Lumbac ang Rito ng Paglisan ni San Pedro Calungsod, na pinangunahan ng mga kabataan mula sa kanilang bisita.

Matapos nito, buong galak na sinundo, sinalubong, at tinanggap ng mga kabataan ng Sub-Parish Commission on Youth (SPCY) Sto. Niรฑo de Pulong Tambilog - Pulo ang pagdalaw ng ating patron. Isinagawa rin dito ang Rito ng Pagtanggap, kung saan mananatili ang banal na imahen sa kanilang pamayanan sa loob ng isang linggo.

Nawa 'y ang pagdalaw na ito ay maging daan upang higit pang mapalalim ang pananampalataya at magsilbing paanyaya sa mga kabataan na tularan ang buhay ni San Pedro Calungsodโ€” isang kabataang naging huwaran ng katapatan at paglilingkod kay Kristo.

San Pedro Calungsod, ipanalangin mo kami! ๐Ÿ’š๐Ÿ™



Address

National Road, Poblacion
Pulilan
3005

Opening Hours

Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PCY San Isidro Labrador - Pulilan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to PCY San Isidro Labrador - Pulilan:

Shortcuts

Share