11/09/2026
ARAW NG DEBOSYON SA KARANGALAN NG MINAMAHAL NA PRINSIPENG MARANGAL NG LUMBAC, STO. NIÑO DE PULONG TAMBILOG
Panalangin:
O Mahal na Niño Jesus, masdan mo kaming mga anak Mo sa Iyong paanan, na humihingi ng Iyong pagpapala at tulong. Kami ay sumasampalataya sa Iyong kabutihan, pag-ibig, at awa. Alam namin na habang dinarangal Ka namin, lalo mo kaming pinagpapala. At hindi namin kaliligtaan ang Iyong sinabi na humingi, maghanap, at kumatok sa pinto ng Iyong walang hanggang awa.
Kaya, at kami ay naninikluhod sa Iyo ngayon ng buong pagtitiwala. Turuan Mo kaming humingi upang kami ay mabigyan; turuan mo kaming maghanap upang kami ay makatagpo. O mahal na Niño Jesus, buksan ang Iyong puso sa aming tapat na pagsamo. Amen
O Maria, Ina ng Diyos at aming Inang kalinis-linisan, ipanalangin mo kami kay Jesus.
O Jose, tagapangalaga ni Jesus sa lupa at pintakasi ng Iglesiya, ipanalangin mo
kami kay Jesus.
O Niño Jesus, mapaghimalang pintakasi ng Pulong Tambilog, maawa ka sa amin.