26/09/2026
TRAFFIC ADVISORY
Sa darating na ika-26 ng Setyembre, ay gagawin ang maringal na prusisyon sa karangalan ng Mahal na Ina ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay, ang Birhen ng Antipolo. Ang maringal na prusisyon ay magmumula sa ating parokya at ito ay liliko ng kanan sa Pedro Reyes St, kakanan sa San Francisco St., kakanan sa Cruz St., tatahakin ang National Rd. at ang Rizal St. at muling kakanan sa M.H. Del Pilar St., hanggang marating ang Francia St. at makarating sa Parokya.
Asahan ang pansamantalang pagsasara ng ilang kalsada at mabagal na daloy ng trapiko sa mga apektadong ruta mula ika-7:00 ng gabi hanggang ika-9:30 ng gabi. Pinapayuhan ang mga motorista na gumamit ng alternatibong daan at maglaan ng karagdagang oras sa kanilang biyahe. Salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa.
Inaanyayahan rin ang mga daraanan ng prusisyon na maggayak ng altar sa harap ng kanilang mga tahanan.