Ang Humayo - Parokya ng Pag-akyat sa Langit ni Hesukristo

Ang Humayo - Parokya ng Pag-akyat sa Langit ni Hesukristo The official page of Parokya ng Pag-akyat sa Langit ni Hesukristo.
(1)

01/04/2026
01/04/2026
MIYERKULES SANTO NG MGA MAHAL NA ARAWSi Judas Iscariote, isa sa Labindalawa, ay nakipagkita sa mga punong saserdote. “An...
01/04/2026

MIYERKULES SANTO NG MGA MAHAL NA ARAW

Si Judas Iscariote, isa sa Labindalawa, ay nakipagkita sa mga punong saserdote. “Ano po ang ibibigay ninyo sa akin kung tulungan ko kayong madakip si Hesus?” tanong niya. Noon din ay binilangan nila siya ng tatlumpung salaping pilak. Mula noon, humanap na si Judas ng pagkakataon upang maipagkanulo si Hesus.

Dumating ang unang araw ng Kapistahan ng Tinapay na Walang Lebadura. Lumapit kay Hesus ang mga alagad at nagtanong, “Saan po ninyo ibig na ipaghanda namin kayo ng Hapunang Pampaskuwa?” Sumagot siya, “Pumunta kayo sa lungsod at hanapin ninyo ang taong ito. Sabihin sa kanyang ganito ang ipinasasabi ng G**o: ‘Malapit na ang aking oras. Ako at ang mga alagad ko’y sa bahay mo kakain ng Hapunang Pampaskuwa.’” Sinunod ng mga alagad ang utos ni Hesus, at inihanda nila ang Hapunang Pampaskuwa.

Nang gabing yaon, dumulog sa hapag si Hesus, kasama ang labindalawang alagad. Samantalang sila’y kumakain, nangusap si Hesus, “Sinasabi ko: isa sa inyo ang magkakanulo sa akin.” Nanlumo ang mga alagad, at isa’t isa’y nagtanong sa kanya, “Ako po ba, Panginoon?” Sumagot siya, “Ang kasabay kong sumawsaw sa mangkok ang siyang magkakanulo sa akin. Papanaw ang Anak ng Tao, ayon sa nasusulat, ngunit sa aba ng magkakanulo sa kanya! Mabuti pang hindi na ipinanganak ang taong iyon.” Si Judas, na magkakanulo sa kanya, ay nagtanong din, “G**o, ako po ba?” Sumagot si Hesus, “Ikaw na ang nagsabi.”



MARTES SANTO NG MGA MAHAL NA ARAWPrusisyon ng Pagsasalubong nina Santa Veronica at Nuestro Padre Jesus NazarenoTuwing Ma...
31/03/2026

MARTES SANTO NG MGA MAHAL NA ARAW
Prusisyon ng Pagsasalubong nina Santa Veronica at Nuestro Padre Jesus Nazareno

Tuwing Martes Santo, inaalala sa ating Parokya ang madamdaming tagpo ng Pagsasalubong ni Santa Veronica at ng Panginoong nagpapasan ng Krus. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng prusisyon at pagdating sa simbahan ay nagsasalubong ang dalawang imahen.



MISA NG KRISMA | Pagsariwa ng Pangako sa PagkapariMula sa Parokya ng Parokya ng Pag-akyat sa Langit ni Hesukristo, amin ...
31/03/2026

MISA NG KRISMA | Pagsariwa ng Pangako sa Pagkapari

Mula sa Parokya ng Parokya ng Pag-akyat sa Langit ni Hesukristo, amin pong ipinapaabot ang aming malugod na pagbati sa Pagsariwa ng Pangako sa Pagkapari ni Rdo. Roman E. Caleon, sa Misa ng Krisma na gaganapin sa Katedral at Basilika Menore ng Inmaculada Concepcion na pinangunahan ng ating Minamahal na Lub. Kgg. Dennis Villarojo, ang Obispo ng Diyosesis ng Malolos.

Muli, isang malugod na pagbati, Father Roman! Dalangin namin na mas patatagin, palakasin, at pag-alabin pa ang inyong bokasyon sa paglilingkod at paggabay sa ating simbahan. Gabayan at pagpalain po kayo nawa ng Panginoong Umakyat sa Langit!

“Sumasaakin ang Espiritu ng Panginoon sapagkat hinirang niya ako upang ipangaral sa mga dukha ang Mabuting Balita.” (Lukas 4:18)




Address

Pulilan
3005

Opening Hours

Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 12pm

Telephone

+639362248113

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Humayo - Parokya ng Pag-akyat sa Langit ni Hesukristo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share