22/02/2026
Maraming salamat po!
KAPISTAHAN NG LUKLUKAN NI SAN PEDRO APOSTOL🗝️
Mateo 16:18-19, sinabi ng Panginoon kay San Pedro:
"Ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking simbahan... Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit.
Ngayong araw ay ating ginugunita ang Kapistahan ng Luklukan ni Apostol San Pedro. Ang Luklukan ni San Pedro Apostol ay tumutukoy sa posisyon ng Papa sa Simbahang Katoliko bilang kahalili ni San Pedro, ang unang apostol ni Jesus. Sa Roma, Italy, ang Basilika ng San Pedro ay itinuturing na luklukan ng Papa at sentro ng Simbahang Katoliko.
Ang Bisita po ni San Francisco De Assisi ay taos pusong bumabati sa Bisita ni San Pedro Apostol - Tibag sa kanilang ika-3 guning taon ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Luklukan ni San Pedro Apostol. Ang Kapistahang ito ay inumpisahan ni Bro. John Paul Dalangin at Gng. Victoria Esguerra na ipinagdiriwang parin hanggang sa kasalukuyan.
San Pedro Apostol, ipanalangin mo kami.
Viva San Pedro Apostol!