Bisita ng Sto. Cristo

Bisita ng Sto. Cristo Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Bisita ng Sto. Cristo, Catholic Church, Sto. Cristo, Pulilan.

VIVA STO. NIÑO! VIVA!Habang tayo’y naghahanda para sa Pista ng Sto. Niño, inihahandog natin ang ating oras, dasal, at pu...
15/01/2026

VIVA STO. NIÑO! VIVA!

Habang tayo’y naghahanda para sa Pista ng Sto. Niño, inihahandog natin ang ating oras, dasal, at pusong puno ng pananampalataya.
Ang paghahandang ito ay paalala na linisin hindi lamang ang ating tahanan kundi pati ang ating kalooban. Ipinapaalala Niya sa atin ang kahalagahan ng pananampalataya, pag-asa, at tiwala sa Kanya.

Sa bawat simpleng gawain, ipinapakita natin ang ating pagmamahal at pasasalamat sa Batang Hesus.

Narito ang mga talatakdaan ng mga Gawain, nobenaryo at Banal na Misa. Inaanyayahan po Ang lahat na makiisa at makisaya sa Kapistahan ng Mahal na Señor Sto. Niño

Viva Pit Señor!



PABATID!Pansamantala pong WALANG  MISA sa ating Bisita sa ika-9 ng Enero 2026, Biyernes, Upang bigyan Daan Ang Kapistaha...
08/01/2026

PABATID!

Pansamantala pong WALANG MISA sa ating Bisita sa ika-9 ng Enero 2026, Biyernes, Upang bigyan Daan Ang Kapistahan ng Mahal na Poong Nazareno. Kaugnay po nito ay inaanyayahan Tayo na mag Simba sa Bisita ng Mahal na Poong Nazareno sa Tramo. Gabayaan nawa tayo ng ating mahal na Señor Sto. Cristo. Maraming Salamat po!

IKA-ANIM NA ARAW NG SIMBANG GABI DISYEMBRE 20, 2025Sa Ika-anim na araw ng Simbang Gabi, ating ipinagdiriwang ang liwanag...
21/12/2025

IKA-ANIM NA ARAW NG SIMBANG GABI
DISYEMBRE 20, 2025

Sa Ika-anim na araw ng Simbang Gabi, ating ipinagdiriwang ang liwanag ng pag-asa na sumisimbolo sa kulay dilaw. Ang dilaw ay paalala ng kagalakan, pananampalataya, at liwanag ng Diyos na patuloy na gumagabay sa ating buhay.
Sa bawat madaling-araw na pagbangon, mas pinatitibay ang ating pananalig at pagtitiwala sa Kanya. Nawa’y ang liwanag na ito ang magbigay-lakas sa atin sa gitna ng mga pagsubok. Patuloy tayong maglakbay na may pusong puno ng pag-asa at pasasalamat.

Sa Mabuting Balita, ipinakita kay San Jose ang kanyang tahimik ngunit buong pusong pagsunod sa kalooban ng Diyos. Kahit puno ng pagdududa at takot ang kanyang sitwasyon, pinili niyang magtiwala sa mensahe ng anghel at tanggapin ang plano ng Diyos. Ipinapaalala nito sa atin na ang tunay na pananampalataya ay makikita sa pagsunod kahit hindi malinaw ang lahat. Sa Simbang Gabi na ito, hamon sa atin na maging tulad ni San Jose, mapagpakumbaba, masunurin, at handang magtiwala sa Diyos sa gitna ng mga pagsubok.

"Tulog man Tayo o gising Hindi tumitigil Ang pag kilos at pag mamahal ng Panginoon."
- Reb. P. Roman Caleon




IKA-LIMANG ARAW NG SIMBANG GABIDISYEMBRE 19, 2025Sa Ika-limang araw ng Simbang Gabi ay ating ginugunita na may kulay asu...
20/12/2025

IKA-LIMANG ARAW NG SIMBANG GABI
DISYEMBRE 19, 2025

Sa Ika-limang araw ng Simbang Gabi ay ating ginugunita na may kulay asul, sagisag ng pag-asa at kapayapaan. Sa bawat pagdalo sa misa, pinatitibay natin ang ating pananampalataya at pagtitiwala sa Diyos. Ang kulay asul ay paalala na kahit may pagsubok, may pag-asa at liwanag na darating. Sa Simbang Gabi, hinahanda natin ang ating puso sa pagsilang ni Hesus. Nawa’y mapuno tayo ng kapayapaan at pag-ibig habang papalapit ang Pasko.

Sa Mabuting Balita, pinaaalalahanan tayo na ang Diyos ay tapat sa Kanyang mga pangako kahit tila imposible sa paningin ng tao. Tulad ni Zacarias, tinatawag tayong magtiwala at manalig sa plano ng Diyos kahit may pagdududa at pagsubok. Sa Simbang Gabi, ito’y paanyaya na palalimin ang ating pananampalataya at hintayin nang may pag-asa ang pagdating ng Panginoon.




IKAAPAT NA ARAW NG SIMBANG GABIDISYEMBRE 18, 2025Sa Ikaapat na Araw ng Simbang Gabi ay panahon ng pag-asa at pananalig s...
19/12/2025

IKAAPAT NA ARAW NG SIMBANG GABI
DISYEMBRE 18, 2025

Sa Ikaapat na Araw ng Simbang Gabi ay panahon ng pag-asa at pananalig sa pagdating ng Panginoon. Ang kulay berde ay sumisimbolo ng bagong buhay, paglago, at pag-asa sa ating pananampalataya. Sa bawat misa, hinihikayat tayong palalimin ang ating relasyon sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin at mabubuting gawa. Sa gitna ng abala at paghahanda sa Kapaskuhan, nananatili ang ating puso sa Kanyang liwanag at pagmamahal. Ang araw na ito ay paalala na sa bawat araw ng Adbiyento, patuloy tayong umaasa sa biyaya at gabay ng Panginoon.

Sa Homilya ni Reb. P. Roman Caleon, When you love someone you don't need words to tell someone you loved her or him, it is expressed silently and expressed deeply. Hindi lahat ng bagay sinusukat sa salita. "ACTA NON VERBA", action not words. Even Joseph brought Mary and Jesus to Egypt he didn't say anything his strength and courage comes from his silence, we know when we speak. Katulad ni Jose kailangan alam nating tumahimik.




IKATLONG ARAW NG SIMBANG GABIDISYEMBRE 17, 2025Sa Ikatlong Araw ng Simbang Gabi ay patuloy na paanyaya sa atin na manali...
17/12/2025

IKATLONG ARAW NG SIMBANG GABI
DISYEMBRE 17, 2025

Sa Ikatlong Araw ng Simbang Gabi ay patuloy na paanyaya sa atin na manalig at magtiwala sa Diyos. Ang kulay p**a ay sumisimbolo ng pag-ibig, sakripisyo, at tapang sa ating pananampalataya. Sa bawat Misa, pinapalakas ang ating puso sa pamamagitan ng panalangin at pagninilay. Sa gitna ng pagod at pag sasakripisyo, nananatili ang ating debosyon at pag-asa. Sa paghahandang ito, mas pinapalalim natin ang ating pananampalataya sa pagsilang ng Panginoon.

Sa Homilya ni Reb. P. Roman Caleon, "Huwag tayong Mayabang" Katulad ni Esikias, na nagiging mayabang Tayo, humingi Tayo ng tawad sa Diyos, Magtiwa Tayo sa kanya. walang patutunguhan ang kayabangan kundi dadalin Tayo nito sa kadiliman.

Laging tandaan ang salitang "PUSH", Pray Until Something Happens.




IKALAWANG ARAW NG SIMBANG GABI DISYEMBRE 16, 2025Sa ikalawang araw ng Simbang Gabi, sama-sama nating ipinagdiwang ang mi...
16/12/2025

IKALAWANG ARAW NG SIMBANG GABI
DISYEMBRE 16, 2025

Sa ikalawang araw ng Simbang Gabi, sama-sama nating ipinagdiwang ang misa na may pusong puno ng pananampalataya. Ang pagsusuot ng kulay puti ay sumisimbolo ng kalinisan, kapayapaan, at bagong pag-asa. Ito ay paalala ng taos-pusong paghahanda para sa pagsilang ng Panginoon. Tunay na ang gabi ay napuno ng liwanag at kabanalan.

Sa Homilya ni Reb. P. Roman Caleon, Ang pagsuway ay nag dudulot ng kamatayan, katulad ng ating mga magulang na sina Eva at Adan na Hindi sinunod ang utos ng Diyos na Huwag kainin Ang bunga ng puno ng kaalaman ngunit Hindi nila ito sinunod. "Obedience unto Death"




UNANG ARAW NG SIMBANG GABIDISYEMBRE 15, 2025 Sa unang araw ng Simbang Gabi, sama-sama nating sinalubong ang gabi na may ...
16/12/2025

UNANG ARAW NG SIMBANG GABI
DISYEMBRE 15, 2025

Sa unang araw ng Simbang Gabi, sama-sama nating sinalubong ang gabi na may pusong puno ng pananampalataya at pag-asa, kung saan ang kulay rosas ay sumisimbolo ng kagalakan at liwanag habang papalapit ang pagsilang ng Panginoon.




HARANA KAY MARIA 2025Noong Ika 8 ng Disyembee ay Nakiisa ang SPPC STO. CRISTO sa outreach program sa Hijas de Ester. Ito...
15/12/2025

HARANA KAY MARIA 2025

Noong Ika 8 ng Disyembee ay Nakiisa ang SPPC STO. CRISTO sa outreach program sa Hijas de Ester. Ito ay isang makabuluhang araw na puno ng pagbabahagi, pagmamahal, at pagkakaisa sa diwa ng paglilingkod. Sa simpleng paraan, naipakita ang malasakit at suporta sa komunidad. Ang karanasang ito ay nagpaalala ng kahalagahan ng pagtutulungan at pananampalataya. Tunay na ang outreach na ito ay isang biyayang nagpuno sa mga puso ng iilan.



Biyayaan mo kami ng pagtulad sa IyoNg magningning, bilang 'yong mga bituin🌟Ang paghahanda sa pagsilang ng Panginoon ay p...
12/12/2025

Biyayaan mo kami ng pagtulad sa Iyo
Ng magningning, bilang 'yong mga bituin🌟

Ang paghahanda sa pagsilang ng Panginoon ay panahon ng pananampalataya, pag-asa, at pagmumuni-muni sa ating buhay. Sa Kapaskuhan, pinapalalim natin ang ating puso sa pamamagitan ng panalangin, mabubuting gawa, at pagtulong sa kapwa. Ito rin ay pagkakataon upang ipagdiwang ang pag-ibig ng Diyos at ang pagdating Niya sa ating mundo. Sa bawat araw ng Adbiyento, pinapalakas natin ang ating pag-asa at pananabik sa liwanag at biyayang hatid Niya.

Narito ang talakdaan ng mga Banal na Misa sa ating Bisita ng Sto. Cristo para sa Simbang Gabi, Misa ng Bisperas ng Pasko at Misa ng Kapaskuhan. Makikita rin sa ibaba ang mga kulay ng isusuot at mga maaaring ialay sa araw-araw.

Ating saksihan ang pagdating ng Tagapagligtas na si Kristo. Tayo ay magdiwang sa Kanyang pagparito at biyayang hatid sa atin. Kasama sina San Jose at Birheng Maria




Address

Sto. Cristo
Pulilan
3005

Opening Hours

7am - 10am

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bisita ng Sto. Cristo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share