15/05/2026
๐๐๐๐๐: LUMAGO HINDI LUMAYO
Mga Kawikaan 10:17
[17]Ang nakikinig sa payo ay nasa daan ng buhay, ngunit ang ayaw sumunod ay tungo sa pagkaligaw.
When God corrects you, Ang gusto niya lumago ka hindi lumayo.
Kapag nawala ka dahil Kinorrect ka, Ibig sabihin lang noon, Immature ka pa. Ang sakit noh! Pero iyon naman talaga ang totoo.
Ang immature na tao mabilis ma offend at ang bunga nito ay ang paglayo.
Kaya nga ang Bunga kapag ayaw sumunod, naliligaw. At walang Shortcut! Hindi ka makakabalik sa Tamang Daan kung ayaw mo tumanggap sa Payo ng Diyos.
Pinapayuhan ka para lumago ka pa,
Kaya huwag mong kalabanin ang taong ginagamit ng Diyos para payuhan ka, Hindi siya nagmamarunong. Ang totoo, ikaw ang nagmamarunong kasi nagpapadisciple ka pero ayaw mo rin naman palang makinig.
Disciple ang hinahanap ng Diyos Hindi Church Goer. Kaya nga Go and Make Disciple ang sinabi ng Diyos.
๐Religious Spirit, iyan ang tawag sa mga taong Gusto lang umattend sa Church pero ayaw Magpadisciple
๐Righteous Spirit, iyan ang tawag sa mga taong nagpapadisciple at umaattend sa Church.
Now, If ayaw mo magpacorrect,
Isa lang ibig sabihin niyon,
Matigas na ang Ulo.
Mga Kawikaan 12:1
[1]Ang taong may unawa ay tumatanggap ng payo, ngunit ayaw mapaalalahanan ang matigas ang ulo.
Anong warning ng Lord sa matigas ang Ulo?
Mga Kawikaan 28:14
[14]Mapalad ang taong sumusunod sa ating Diyos, ngunit ang matigas ang ulo ay mapapahamak.
At kapag matigas ang ulo ng tao at ayaw makinig sa Diyos, unti unti na silang nabubulag at wala ng talab ang Salita ng Diyos sa Buhay nila.
2 Mga Taga-Corinto 3:14
[14]Ngunit naging matigas ang kanilang ulo kaya't hanggang ngayo'y nananatili ang talukbong na iyon habang binabasa nila ang lumang tipan. Maaalis lamang ang talukbong na iyon sa pakikipag-isa kay Cristo.
Makinig sa Diyos, para Hindi tuluyang maglaho, makinig sa Diyos para Hindi tuluyang mabulag.
Be Matured, kapag tinama ka, kapag Kinorrect ka. Makinig ka, Sumunod ka at isagawa ang payong ginawa sa iyo.
Hindi ka parin matatawag na nakikinig kong walang Resulta at walang action na nakikita sa iyo after kang pagsabihan.
Huwag tayong maging ugaling mundo, na kapag tinama mas lalo pa tayong gustong magrebelde at maging Loko-loko. Kaya Ayon, Lalo talagang napariwara ang buhay ko.
Ngayong na kay Lord ka na kapatid.
Magkaroon ng Teachable Heart.
Hindi Stubborn Heart.
Choose mo kapag nagmatigas ka,
At Choose mo rin kapag Teachable ka.
Ang teachable na tao, Nasasaktan kapag tinatama pero kahit masakit makikita mo ang pagsunod sa Buhay niya.
Imagine This,
Anong pakiramdam mo kapag may tinama ka tapos ayaw makinig?
Anong pakiramdam mo kapag may tinama ka tapos lalong Nagrebelde?
Anong pakiramdam mo kapag may tinatama ka tapos lumayo?
Anong pakiramdam mo kapag may tinama ka tapos Hindi ka na kinakausap?
Anong pakiramdam mo kapag ang Anak mo ang gumawa sa iyo ng mga nakasulat na tanong sa Itaas?
MASAKIT DIBA?
Ganoon din ang Pakiramdam ng Diyos kapag Naglalaho ka kapag tinatama ka, ganoon din ang pakiramdam ng Leader mo kapag naglalaho ka kapag pinagsasabihan ka.
Kaya Kapatid,
Piliin mo ang LUMAGO.
Hindi persecution ang Correction!
Pag-ibig ito, Kaya I declare na maunawaan mo.
Kaya kapag tinatama ka ng Diyos, kapag tinatama ka ng Leader mo,
Kapag tinatama ka ng Pastor mo.
Makinig Hindi MAGLAHO.
Para ikaw ay LUMAGO.
God bless po.
๐ฃ๐ฟ๐ฎ๐๐ฒ๐ฟ ๐ผ๐ณ ๐๐ฐ๐ฐ๐ฒ๐ฝ๐๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ
Ama naming Banal Sa Langit,
Salamat po sa Buhay at sa Mensahe mo, ikaw ang aking Diyos at tagapagligtas. Patawarin mo ako sa aking mga kasalanan simula noong ako'y bata pa hanggang sa mga oras na ito, Pinagsisisihan ko itong lahat, pinapatawad ko rin ang lahat ng nagkakasala sa akin. Tinatanggap ko po ang iyong Anak na si Jesus bilang aking Panginoon at Tagapagligtas ang pinaku sa Krus, Namatay, inilibing at ikatlong araw ay muling nabuhay. Isulat mo po ang aking Pangalan sa Libro ng Buhay sa Langit.
Simula ngayon ikaw na po ang aking Ama at ako na po ang iyong Anak.
๐๐ ๐
๐๐๐๐ ๐๐ผ๐๐! ๐ ๐๐๐ผ๐, ๐ผ๐๐๐!
CTTO:HeavinzTalk