Christ's Faithful Servant Ministry - Palawan Family

Christ's Faithful Servant Ministry - Palawan Family Our passion is to serve
Our challenge is to excel
Our destiny is to win
for the Glory of GOD

Our passion is to serve,
Our challenge is to excel,
Our destiny is to win,
For the Glory of GOD

26/08/2026

“CONTINUOUS ALIGNMENT”

[GOD’S COMMITMENT TO STEWARDS]

040_27_08_26

“HINDI IYO ANG IYONG BUHAY”

Alam Mo Ba na…

Hindi pala kayang pagplanuhan ang takbuhin ng sariling buhay?

May lugar na tinatawag na doon, ang patutunguhan ng buhay ay kung saan lahat ng iyong hinahanap at kakulangan ay naghihintay, kailangan mo lamang hayaan ang Diyos na manguna sa iyo at sumunod sa Kanya upang makarating ka roon.

Kung paanong hawak ng Diyos ang ating kamay at para bang palaging nagpapahiwatig ng pag-aanyaya na nagsasabi sa iyo na “let’s go”, ang ibig sabihin ay isang pag-imbita na mauna Siya sa iyong mga lakad at sumunod ka lang sa Kanya.

Sapagkat ako, ang Panginoon mong Diyos, hawak-hawak ang iyong kanang kamay. At sinasabi ko sa iyo, ‘Huwag kang matakot; narito ako upang tulungan ka.’ (Isa.41:13)

Alam Mo rin Ba na…

Nais talaga ng Diyos na gabayan ka bilang kanyang katiwala?

Sinasabi ng Diyos sa atin na hayaan Siyang mauna at sumunod lang tayo sa Kanya sa paglalakbay sa buhay na ito upang madala sa lugar na kung saan ang kakumpletuhan at kakontentuhan ang magiging buhay na patotoo ang meron doon.

Kapag nakarating ka na sa destinasyong iyon, mapapa-upo ka at mamamangha at makapag-sasabing "Hindi ko alam ang detalye kung paano ako nakarating dito," at mapapataas ang iyong mga kamay at sasabihing "Napakabuti ng Diyos!!!”

Pagkat ikaw lamang ang Diyos na dakila, na anumang gawin ay kahanga-hanga!(Ps.86:10)
Papurihan mo si Yahweh, O aking kaluluwa! Ikaw, Yahweh na aking Diyos, kay dakila mong talaga!(Ps.104:1)

23/08/2026
23/08/2026

Happy 32nd Sunday 2026 CONTINUOUS ALIGNMENT August 2026 “God’s Commitment to Stewards” (Tipan ng proteksyon sa bawat pagtugon)

18/08/2026

“CONTINUOUS ALIGNMENT”

[GOD’S COMMITMENT TO STEWARDS]

039_18_08_26

“MAHUSAY PA RIN ANG KAPAMARAANAN NG DIYOS PARA SA KATIWALA”

Alam Mo Ba na…

Ang kapamaraanan ng Diyos ang palaging pinakamahusay sa buhay ng Kanyang nilikha?

Malinaw sa pagkalikha ng Diyos sa tao ang Maganda at natatanging plano sa bawat nillikha, walang magkaka pare-pareho ng mga gawain at layunin sa buhay, pero lahat ay pare-parehong makakaranas ng kasiyahan kapag napangyari.

Nasa detalyadong orihinal na plano pa rin ng Diyos na doon magiging masaya, epektibo at kapaki-pakinabang ang tao, kinakailangang ito ang maisakatuparan sa kanyang pamumuhay at huwag itong ikukumpara o iuulma sa buhay ng iba.

Nalalaman ko po, Panginoon, na walang taong may hawak ng sarili niyang buhay. Hindi siya ang may hawak ng Magandang kinabukasan niya maliban Kayo.(Jer.10:23)

Alam Mo rin Ba na…

Merong nakapagsasabing, “ito ang buhay ko at kaya kong mabuhay sa paraang gusto ko”?

Ang katotohanan ay hindi nga natin buhay ito, bagamat akala pa rin ng tao na buhay niya ito, kung kaya sinusubukang mamuhay sa kapamaraanang gusto niya, pagkatapos kapag hindi naging Maganda ang kinalabasan tsaka pa magtataka.

Kailangan mong tanggapin na ang buhay na taglay-taglay ay hindi sa iyo, kailangan mo Siya [Kanyang Salita] na lumikha sa iyo upang tulungan kang magplano patungo sa sarili mong buhay para masumpungan ang totoong buhay na kasiya-siya.

Maaaring sa tingin mo ang daang tinatahak mo ay matuwid o maganda, ngunit kamatayan pala ang dulo nito.(Pro.14:12)
Maaaring iniisip mo na nasa tamang daan ka, ngunit ang dulo pala nito ay kamatayan.(Pro.16:25)

16/08/2026

Happy 31st Sunday 2026 CONTINUOUS ALIGNMENT August 2026 “God’s Commitment to Stewards (Tipan ng walang iwanan)

09/08/2026

Happy 30th Sunday 2026 CONTINUOUS ALIGNMENT August 2026 “God’s Commitment to Stewards (Tipan ng pag-gabay)

05/08/2026

“CONTINUOUS ALIGNMENT”

[GOD’S COMMITMENT TO STEWARDS]

038_06_08_26

“MAY NAIPANGAKONG PAG-GABAY ”

Alam Mo Ba na…

Ang Diyos ngayon ay “commited” sa pag-gabay sa iyong buhay?

Ang iyong pakikipag-isa kay Cristo ay nagdulot ng ganitong aspeto sa iyong buhay nang pag-subaybay upang madala ka niya sa mismong natatanging [“unique”] dinisenyong kalooban ng Diyos para sa iyong buhay dito sa mundo nang may kasiyahan.

Nakatuon Siya sa bawat detalye ng buhay dahil ang bawat isa ay merong layunin at ang Diyos ay may napakagandang plano sa buhay na meron tayo ngayon, kung kaya’t ang Kanyang pag-gabay ay nandoon upang makarating tayong matagumpay.

Palagi ko kayong GAGABAYAN at bubusugin, kahit na mahirap ang kalagayan. Palalakasin ko kayo, at kayoʼy magiging parang halamanang sagana sa tubig at parang bukal na hindi nawawalan ng tubig. (Isa.58:11)

Alam Mo rin Ba na…

Sa Kanyang pag-gabay, hindi lang pala basta makarating, kundi makarating nang matagumpay sa destinasyong iyon?

Maging handa na magtagumpay sa destinasyong nailaan, kung paanong merong layunin at plano para sa lahat ng pinagkatiwalaan dahil nagkaroon na nga ng pamamahagi ng mga kaloob ang Diyos na ibinigay na sa bawat nilalang.

May partikular na plano para maisakatuparan mo ang layunin ng Diyos para sa buhay mo at walang panahong nasasayang sa buhay dahil ang Diyos ay nakatuon sa pagtulong sa iyo na makarating sa lugar na iyon para sa iyong buhay.

Sinabi ng Panginoon sa akin, “Ituturo ko sa iyo ang daan [aakayin kita sa daan] na dapat mong lakaran. Papayuhan [tuturuan/gagabayan] kita habang binabantayan.(Ps.32:8)

04/08/2026

“CONTINUOUS ALIGNMENT”

[GOD’S COMMITMENT TO STEWARDS]

037_05_08_26

“ANG PANINIWALA SA NAIPANGAKO ”

Alam Mo Ba na…

Sa bawat paniniwala sa naipangako ay naghahatid ng katuparan?

Maliban na malaman, paniwalaan, magbigay pansin at daan sa buhay, na ang Diyos ay merong “commitment” sa iyo na tuparin ang lahat ng Kanyang sinabi, yong hatid na kaalaman/karunungang meron sa Salita ay hindi mapangyayari sa iyo🤔.

Kung ano ang sinabi ng Diyos, na nahahayag sa iyo, na dala ay kaalaman sa bawat sandali nang iyong buhay, ang mga ito ay mga katotohanang patuloy na pinagtitibay, hangga’t hindi mo nararanasan sa natural/pisikal na buhay dito sa mundo😇.

Ang Salita ng Diyos ay hindi mawawalan ng kabuluhan, kundi tutuparin ng Diyos ang Kanyang naisin at isasagawa ang layunin kung bakit Niya ito ipina-alam.(Isa.55:11)

Alam Mo rin Ba na…

ang bawat naisin ang simula ng isang pangyayari sa buhay?

Hindi nawawala ang pagkakaroon ng mga naisin [“desire”] o pangarap sa buhay, lalo na kadalasan ang mga ito ay puro magagandang bagay o kalalagayan sa buhay, na sa isipan natin ang mga ito ang magbibigay ng kaligayahan sa buhay😍

Kung meron kang naisin, na buo ang iyong loob at gusto mo talagang mangyari sa iyong buhay, tiyak magbubunga ito ng pag-didisiplina sa bawat pagkilos sa/ng iyong buhay at hindi magpapadala sa hatak ng masamang gawain ng sanlibutan🙏.

Ang Kasiyahan sa/ng Diyos ang iyong hanapin, tiyak ibibigay Niya sa iyo ang mga ninanais [“desire”] ng iyong puso [kasi ang mga naisin mo na ay ang mga naisin na ng Diyos].(Ps.37:4)

Address

EtC@CFSMi Bldg. Sampaguita Street, Purok New Princesa, Brgy. Tiniguiban
Puerto Princesa
5300

Opening Hours

Wednesday 6:30pm - 9pm
Sunday 9am - 12pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Christ's Faithful Servant Ministry - Palawan Family posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Christ's Faithful Servant Ministry - Palawan Family:

Shortcuts

Share